-Napabuntong hininga ako Sa pag Sara ng Pinto. Muntikan na yun
"So what now Venice?." Kausap ko sa sarili ko sa salamin
Napairap ako sa Ginawa nya kanina
"Tresspassing Bastard." Bulong ko
He kissed me Twice Such a Stoler
Napailing nalang ako at hinawakan ang aking labi
-
Liligawan kita ." SyaNanlaki ang Mata ko sa sinabi nyang yun na walang pag aalinlangan
"What The?."
"I will At sisiguraduhin kong Mamahalin mo rin ako Venice." Ngiti nya
"I cant wait to hear someday I love you too coming from you" Sya
Umirap ako sa sinabi nya "Talaga? It will never be. Basted ka na! Pwede ba Humanap ka ng Pagtitripan hindi yung Gaya kong G11 Pumatol ka sa Kapwa mo." Ako
"Try me Venice." Sya
Hell Yah Kinilabutan ako sa sinabi nya At Napangiti.
"Game Austin." Ako
"I love you." Sya
"Tsss." Inirapan ko sya
-"Argh I cant help myself." I cried ng maalala lahat ng sinabi nya
-
Mabilis natapos ang isang araw
At dahil hindi ako uto uto hindi ako pumasok ngayon. He wants a Game then deal Mapapagod din sya, Magsasawa.
Wala sila Warren, Rex , Ate And even my Parents. Napaka tahimik ng Bahay paglabas ko ng Kwarto
10:00 am Siguro'y pang 4th subject na ngayon ang kinaklase. Excuse naman siguro ako panigurado
Nakasalumbaba akong Nakatitig sa Tv ngunit ang Focus ko ay wala roon
Bagong Salta, Gulo agad ang Pinasok ko. Worst kahit saan naman ata ako ipatapon Ganun at ganun parin
Wala si Tita Selly pero nagiwan sya ng Pagkain sa mesa na nakatakip i Assume this Food is for me kaya kumain na ko.
Halos mag Iisang Buwan narin pala ako sa Probinsyang ito sa makalawa. Bakit pakiramdan ko ang Tagal ko na talaga dito
Pero somepart of me ay nahihiwagahan parin sa Tinuran ni Tita selly nung nabanggit ko ang tungkol kay Warren Na Samaniego raw ito ayon kay Jonas at hindi Alcantara.
Yung Reaction ni Tita sa Villarojo, Harrison at Sylvestre Bakit Ganon? Anong Ibig sabihin nyang Marami itong ginawa umano sa Pamilya ko at magulang nila mama?
Matagal ko ng Iniisip yun. Hindi ko naman matanong si Ate At kahit si Warren. Sasarilihin ko muna ito (Sigh)
I really want to talk to My Mom but Never mind. Puro Pera lang ang nasa isip non. Alam kong ang Hard ko pero yun yung pinakikita nya sa amin ni Ate. Mismong si Papa ay walang magawa sa kanya . Tiklop si Papa kay Mama At Hinahayaan lang ito Tss.
Hindi ko makausap si Papa dahil walang Time Noon pa man ay ganon na sila.
Trabaho Trabaho Trabaho. . .
Kaya Hindi ko alam kung maganda ba yung pag kakatanggal nila sa Trabaho
Walang Oras sila Sa amin ni Ate.
Uuwi Sila Alas Onse ng Gabi at Aalis ng alas Kwatro ng Madaling araw. Ganun Paulit ulit.
Tss. Hanggang ngayon naman siguro
Lumipas ang Oras pero wala parin sila Tanghalian na hindi pa ba sila Uuwi? Hindi ko alam kung saang Bukirin sila ngayon.
Napag Desisyunan kong Lumabas
Ini Lock ko muna ang Bintana at Pinto sa Bahay At Sinarado ang Gate.
Sa paglabas ko Tinapunan agad ako ng tingin ng mga Tao sa labas ng Bahay
Ehh?
"Oh Hija? Kayganda mong Bata talaga Kamukang Kamukha mo ang iyong Ina nung Dalaga sya." Panimula nung Babaeng Di katandaan na sa pagkakaalam ko at may Ari ng Tindahan sa Kabilang kalsada
Ngumiti ako ng Alanganin
"Salamat po." Tinig ko
Aalis na sana ako kaya tumalikod na ako ng Mag salita muli ito
"Yun yung batang Samaniego diba?." Untag niya
Kaya napaharap ako sa kanya at sa Direksyong Nilingunan nya
Si Warren ang Tinutukoy nya. Malayo ito sa amin at Hindi ako nito napansin maging ang babaeng kasama ko ay siguradong hindi nya pansin. Dahil may kasama sya Batch of Boys na naka uniform at Nagkakasayahan sa paguusap
"Samaniego?." Agad kong Tanong
Gulat na humarap ito sa akin
"Oo diba anak sya ni Hanna at Vince Samaniego? Sya ang batang Samnaniego." Usal nya
"Po? Si Tita Hanna po eh si Tito Bren ang Asawa nya. Sinong Vince Samaniego?." Ako
Naguguluhang Tumingin ito sakin
"Hindi pala nila sinabi ang Katotohanan sa bata." Sya
Ha? Anong sinasabi nito
"Po?." Ako
"Bakit hindi mo tanungin ang Magulang mo at Mismong si Hanna. Apelyido ng Tita mo ang Gamit Ni Warren samantalang ang Batang si Rex Ay Gamit ang Apelyido ni Bren na Feliciano." Sya
At iniwan ako nito. Hindi ko alam kung ilang minuto ako namalagi sa ganoong Posisyon
Warren Alcantara at Rexel Feliciano
Ang sabi ni Tita sakin Ay maling Documents lamang raw ang naipasa sa munisipyo kaya ganun. Wala rin middle initial si Warren Samantalagang si Rex Ay A. Ang initial stand for Alcantara.
Ano bang meron sa Pamilya ko at sa Mayayamang angkan na iyon?
Vince Samaniego. Hanna Jayne Alcantara kapatid ni Papa at Tita Selly Anong Meron sa kanila?
Shems I never been this Curious in my entire life!
Agad akong nagtago at lumihis ng Daab ng masigurado kong hindi ako napansin ni Warren
I choose to go somewhere At huwag munang uwuwi sa Bahay.
I need Air!
Maari kayang nagka Affair ang Samaniego sa Alcantara? Bago nagkatuluyan sina Tita Hanna at Tito Bren? Sabay nabuntis si Tita kay Warren?
Hindi eh Imposible.
Himinto ako sa Malawak na damuhan at doon sumalampak
Mahangin dito at makulimlim
Imposibleng mag Ka Affair si Tita sa Samaniego kwento ni Mama. First Boyfriend ni Tita si Tito At wala ng sumunod roon.
Kung ganoon.
Narape si Tita? Ng isang Samaniego?
Hindi ko alam. Aish
Tahimik akong Napa buntong Hininga
Yun ba ang Tinutukoy ni Tita Selly na kasalanan ng Samaniego, Villarojo , Harrison at Sylvestre sa Pamilya namin
Anong kasalanan ng ibang Binanggit ni Tita?
Dont tell me Pinagtulungan nila ang pamilya namin?
Damn This Thought of mind. Pwedeng mag pahinga sa kakaisip?