Sisimulan ko ito sa katanungang. Bakit?
Bakit may mga dumadating sa ating buhay na siyang nagbibigay kulay sa ating madilim na kwento ngunit sa huli itong taong ding ito ang satin ay papatay?Bakit? Bakit ka pa dumating kung aalis ka lang din? Pagkatapos mong ipatikim sa akin ang matatamis mong salita. Mga pangako mong kakapit ka lang hanggang sa huli, pero bakit? Bakit moko iniwan ng luhaan? Bakit mo ko agad binitawan? At bakit hindi moko pinaglaban?
Mga masasayang nangyari sa ating dalawa ay malinaw parin sa aking isipan ngunit bakit? Bakit parang ito'y agad mo nang nalimutan? Bakit parang agad mo itong binaon sa limot at ayaw ng maalala pa. Bakit?
Bakit sa kabila ng ginawa mo sa akin, sa huli ikaw parin? Pinilit ko namang kalimutang ang nakaraan pero bakit parang ito ay akin paring binabalik-balikan? Yung iniwang galos mo saakin ay siyang dumudugo parin.
Mahal, bakit?
Bakit ang sakit sakit parin.
BINABASA MO ANG
Book of Bakits
PoesíaDaming katanungan sa aking isipan ngunit hindi ito magawang sabihin kaya aking isusulat na lamang.