Cha's POV
"Tara ditse gala tayo" magiliw na yaya ni Camille.
"Saan?" Tanong ko.
"Nood tayo ng sine, nagyayaya sila Narra" nakangiti nitong sagot.
"Di, naalala ko may lakad pala kami nila Chepot" tanggi ko.
"Alam mo ditse may napapansin ako sayo" kunot noo nitong saad, tinaasan ko naman ito ng kaliwang kilay "nung mga nakaraang araw pag nandiyan si Vic bigla kang nawawala o kaya naman pag alam mong kasama siya sa lakad ayaw mong sumama" paguusisa nito.
"Pinagsasabi mo?" Tanong ko sabay iwas ng tingin.
"Tignan mo nga yan di ka makatingin saakin" pagiintriga nito, daig ko pa yung isang suspect sa krimen eh.
"Naitaon lang na may gagawin ako o kaya sariling lakad" sagot ko "maligo ka na nga lang" pagtataboy ko sakanya.
"I am watching you!" Pahabol nito bago umakyat.
Napaupo nalang ako dito sa sofa, sa totoo lang wala naman talaga kaming lakad ni Chepot. Umiiwas lang talaga ako kay Vic hangga't maaari.
Dalawang linggo mula ng maamin ko sa sarili kong mahal ko siya, dalawang linggo rin ang nakakalipas mula ng isara ko ang puso ko sa nararamdaman ko para sakanya.
Kung itatanong niyo kung effective ba ang ginawa kong pagiwas, well sabihin na nating mas lalo ko siyang naiisip kasi namimiss ko siya. Wala kasi akong maisip na ibang paraan eh, alangan naman na umamin ako sakanya? Eh mas lalo lang magpapagulo yun!
Bakit ba kasi kailangan pang mangyari nito? Okay na nga yung relationship namin eh, yung tipong para ko na siya nakakabatang kapatid.
Pero anong ginawa ko? Nainlove ang loka! Yung pagiging sweet, makulit at maalaga niya idagdag mo pa yung pangaasar ng barkada.
"Sagutin mo kaya!" Pangbabasag ni Camille sa iniisip ko.
"Huh?" Wala sa sarili kong tanong.
"Yung phone mo kanina pa nagriring" sagot nito.
Napatingin naman ako sa phone kong nakapatong sa table, may tumatawag nga.
*coach tatay calling*
"Hello coach" bati ko.
"Hello nak, busy ka ba?" Tanong nito.
"Hindi naman po bakit po?" Tanong ko.
"Pwede ka bang magpunta dito sa taft? Pasuyo lang nak may kailangan akong sabihin" pakikiusap nito.
"Sige po tay maliligo lang ako saglit" sagot ko.
"Salamat nak ahh, pasensya na sa abala" paumahin nito.
"Ano ba yan coach di naman po kayo nakakaabala eh nandito lang rin po ako sa bahay" sagot ko.
"Salamat ulit nak, sige magiingat ka" bilin nito.
"Sige po coach" sagot ko tyaka ko inend yung call.
Umakyat na ako ng kwarto at dumiretso sa CR para makaligo.
...
"Pasensya na sa abala anak ahh" bungad saakin ni coach.
"Coach nakakailan ka na ahh, okay nga lang po" nakatawa kong sagot.
"Sige, hindi na kita papatagalin. Postpone ang opening ng next conference ng liga" seryoso nitong sabi.
"Bakit po?" Tanong ko.
"Ewan ko kung anong naging problema basta ang sabi lang postpone, wala pang binibigay na date kung kailan ulit. Sinasabi ko sayo ito bilang ikaw ang captain ng team ikaw narin ang magsabi sa mga teammates mo kung okay lang sayo" pakikiusap nito.