1 - Befalling

15 1 0
                                    

-CERYS-

Malas. Malas ako ngayong araw na to. Kaninang Literature Class, tinanong ako ni Professor Ferrer pero di ako nakikinig kaya di ako nakasagot. Nakatayo tuloy ako buong period, tapos inutusan pa kong magpunta sa office niya ngayong lunch-time.

May iniisip kasi ako. Na-misplace ko kasi yung diary na napulot ko nung nakaraang linggo. Di ko pa naman nababasa yun, at ayaw ko rin namang basahin, mabait kaya ako. I won't invade other's private belonging, kahit sino man siya. Haha. Pero ang simple lang nung diary, baka journal yun, kulay black leather ang cover nun at may naka-engrave na initials na P.A.S.

Inaalala ko kung saan ko ba nailagay kasi pagkagising ko pa lang, nawala na yun sa drawer nung lamp desk ko. Dun ko lang naman nilagay yun. Pero dinala ko nga pala yun kahapon. Nasan na kaya?

Hay, ewan. Naglalakad ako ngayon papunta sa office ni Professor Ferrer, baka may ipapagawa na naman sakin yun. Nung nakaraan kasi pinatulong ako sa library kasi late kong naipasa yung requirement niya. Pero masaya naman yung mga pinapagawa niya sakin, wala naman akong reklamo dun. Ka-close ko na nga siya eh, saka tita ko naman ang librarian na si Ms. Cynthia.

Kumatok ako at idinikit ko ang tainga ko sa pinto para marinig kung may tao ba, pero para bang slow motion itong bumukas at muntik na akong mahulog, pero hindi natuloy, ipinikit ko ang mga mata ko at naghanda na sa pagbagsak pero may mga brasong sumalo sakin.

Dumilat ako at nakita ko si Suverrano, kaklase ko siya nung elementary pero di ko alam kung naaalala pa niya yun. Di naman kasi kami naging close saka balita ko di rin siya masyadong nakikipag-kaibigan. Napatingin ako sa singkit niyang mga mata, aakalain mong expressionless ito pero para bang gusto ko pang patagalin ang pagtingin sa mga mata niya dahil hinahatak ako ng mga ito. Aishhh, ano ba naman yan Cerys!!!

Marami ngang takot sa kanya eh, his stare somehow brings chills to the spine. Animo'y nababasa niya ang buong pagkatao mo. Nung elementary naman masayahin siya pero ngayon ang laki na ng pinagbago niya.

Loner siya sa campus, wala talaga siyang sinasamahan, may kakausapin man siya, kapag may pairings lang, pero malimit lang talaga siyang magsalita at sikat siya dahil sa ugali niyang yun. Marami ring babae ang may gusto kay Suverrano, aaminin ko, gwapo kasi siya. Sinubukan nilang kausapin si Suverrano pero di daw sila pinapansin.

Kahit na di sila pinapansin ng supladong to, di ko rin mawari kung bakit patay na patay pa rin sila dito. Siguro wala lang talaga siyang interes sa pagkakaroon ng girlfriend.

Bakit kaya nandito rin siya sa office ni Professor Ferrer? May kasalanan din kaya siya... Huwag mong sabihing...

"*clears throat* Sit down. Now, let's get this straight. Both of you are here because I'll give you a special project..."

⚪⚫⚪⚫⚪⚫⚪⚫⚪⚫⚪⚫⚪⚫⚪⚫⚪⚫⚪⚫⚪⚫

A/N: How's it? Pasensya na kung cliche at medyo bitin, pero yan na lang muna sa ngayon. Thanks for the support. Sana patuloy niyong basahin ang D&C. Lovelots.

Differences And CoincidencesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon