Prologue

16 3 3
                                    

Simula

"Uwaaaaaaaah!,,,,Uwahhhhhhhh!.namamayani ang malakas na iyak ng sanggol sa apat na sulok ng silid ng mag-asawa.

"Mahal ko maayos na ba ang mangyayaring pagtitipon bukas para sa kaarawan ng ating anak?,"tanong ng Reyna na si Reyna Elyza.

"Nilalagyan na ng disenyo ang kaharian para sa pagdidiwang tulad ng iyong hiling ay punong-puno rito ng mga halaman at marami ring inimbitan upang maging masaya ang kaarawan niya,"nakangiting sambit ng Hari.

Nawala ang ngiti ng Hari at Reyna ng padabog na nagbukas ang kanilang pinto at iniluwal ang isang tapat na kawal.Nagbigay galang ito bago nagsalita.

"Inyo pong ipagpaumanhin kung naputol at nabastos ang inyong usapan dahil sa akin ngunit Mahal na hari ,Mahal na Reyna,ang kaharian ay nasa kapahamakan!!,"sigaw ng kanilang kawal.

"A-ang....mg-aa...Taga-E-eve-lion King-d-om...Sumugod!!,"hinihingal ito sa pagsasalita pero bakas ang pagkataranta.

"Aking Mahal ,hayaan mong ako na ang tumapos sakanila bantayan mo na lamang ang ating anak,"sabi ng Hari na nagngangalang ,Haring Enrique.

"Ngunit aking mahal-,"pinutol na ang  salita ni Reyna Elyza ng hari.

"Huwag mo sanang isipin ang masamang mangyayari at magpakatatag,ang iyong isipin ay ang kapakanan nang ating anak,"saad nito.

"Masusunod aking mahal,"sabi ni Reyna Elyza ngunit hindi matanggal ang kanyang pangangamba.Tiningnan niya ang kanyang anak na sanggol at napag-isip-isip na itago muna ito upang makatulong sa kanyang asawa.

"Aking anak ako'y iyong patawarin sa aking pag-iwan sa iyo rito.Ako'y nangangakong babalikan ka pagkatapos ng digmaang nagaganap,"sambit nito ng makita ang balak na pagtaguan.Bago siya umalis ay hinagkan muna niya ang anak  at tuluyan ng umalis.May pangamba siya na mawawala ito sakanya ngunit isinang tabi na lang niya ito.

Agad niyang pinuntahan ang kinaroroonan ng asawa.Nagulat ito at tumututol sa ginawa ng minamahal ngunit batid nitong hindi niya kakayanin dahil lubhang malakas ang mga ito.

Dumating ang iba pang tutulong sakanila.

Kasalukuyan namang mayroong pumuslit sa kwarto ng Hari at Reyna na kawal ng Evelion Kindom .Nagbabalak itong kunin ang prinsesa.

Sa kasamaang palad ay nagising ang prinsesa at lumikha ng malakas na iyak kaya natunton ito.Itatakas na sana niya ito ng harangan siya ng isang katiwala ng hari at reyna.

Ilang oras silang naglaban at nagtagumpay naman ang katiwala.Ibabalik na sana niya ito sa kinaroroonan kanina ngunit natagpuan niyang may nagmamasid sa kwarto.Labag man sa kanyang kalooban ay itinakas niya ang prinsesa ng hindi kinukunsulta sa mag-asawa.

Inilagay nito ang sanggol sa isang bahay at kinatok.Hindi niya muna ito nilisan dahil sa baka hindi ito matanggap ngunit laking kagalakan niya ng tuwang-tuwa ang dalawang mag-asawang nakaampon sa prinsesa.Napagtanto niya na mabubuti ito sapagkat naging katiwala narin ito ng mag-asawang hari at reyna.

Nang siya ay pabalik na hindi niya namalayang mayroong nakasunod sakanya.Upang hindi matunton ang kinaroroonan ng prinsesa ay kinalaban niya ito.Sa una palang ay alam na nito na wala siyang laban.

Nabigla siya ng matalo ito ngunit pati siya ay natalo na rin ng sariling kapangyarihan dahil naabuso niya ito.

Dahil nalaman ng Hari ng Evelion Kingdom na nawala na ang prinsesa sa palasyo na hatid sakanya ng tagapagmasid nito ay agaran itong umalis dahil wala na ang pakay nito.

Puno ng kagalakan ang mag-asawa dahil makakasama pa nila ang anak.

Ngunit isa sa katiwala nila ang nagbalitang nawawala ang anak nila dahil nakita nito na nakabukas ang kwarto ng mag-asawa bilang katiwala ay pinasok niya ang kwarto dahil wala ang Hari At Reyna nakita niya rin na nakabukas ang madalas na pagtaguan ng Reyna ng mahahalagang bagay at minsan naring napagtaguan ng anak , kaya lubos na nalungkot ang Reyna at umabot sa sinisi nito ang sarili dahil sa ginawang pang-iiwan sa anak.

Umabot ang mahabang panahon at hindi nila ito nakita....

*****

Mahahanap pa kaya nila ang anak o tuluyan ng mahuli ang lahat bago pa malaman ang katotohanan?

Sa mga pagsubok na darating sa ating prinsesa makakayanan niya kaya kung sakaling malaman na siya ang....

Lost Princess of  Angellious???...

*****

Hope you to like the story😄😍😘......


 Lost Princess Of AngelliousWhere stories live. Discover now