First Love
Chapter 4 after 876123456789 years. Hahaha
~~
Amp. END OF THE WORLD kung END OF THE WORLD!
Pero ano pa nga bang magagawa ko? Ako naman ay isang hamak lang na estudyante dito sa Republika ng Pilipinas. Wala akong magagawa kahit gustuhin ko man na hadlangan ang iniuutos ni Miss Apple na makatabi ung epal, pampam, mayabang. Lahat lahat na!
Pero ako na talaga makata ngayon.
So pag tingin ko, andun na nga si Ethan sa bagong seating arrangement namin. Wala akong nagawa. Di ko naipaglaban karapatan ko eh. Ansabi daw? Nakaka-asar kasi eh. Puwede ba lipat na lang ako ng school? Ewan ko ba, isip ko talaga pantanga lang eh. Lilipat, eh 3rd grading period na tapos graduating pa ko. Hayys life.
At eto na, katabi ko na sa upuan si Ethan. May gahd bro. I CANT CRY HARD ENOUGH! Amp nakikinita kinita ko na. The last 2 grading period of my senior life will be as hell as I can imagine. May gahd. Pano na ung balak ko na maging open na ko sa mga classmate ko? Yung gayahin ko na si June Venice? Wala na lahat.
"Hoy kung ayaw mo kong katabi, mas lalo naman ako. Feeling nito, kala mo ikaw lang nahihirapan? Ako rin no? Kaya wag kang mag inarte much jan. Amp." Si Ethan.
Ay hala? Problema neto? May gahd na naman! Pigilan niyo ko! Kung legal lang pumatay sa bansang to baka kanina ko pa nakatay tong isang to e. Feeling daw ako? Sinabi ko ba na gusto niya ko katabi? Wala naman diba? WTH. Nanahinik ako dito? Crush ata ako neto e, masyadong papansin.
"Hoy ikaw na Summer ka, wish ko lang magsummer na talaga ng di na kita makita. Pero bago yun, sinabi ko bang gusto mo kong makatabi? Wala naman di ba? Di ako feeling gusto mo salaksakin kita nitong ballpen na hawak ko? Feeling mo talaga eh no. So ganito nalang para hindi tayo mag clash ng mag clash, wala nalang pakialamanan okay? I’ll do my stuff then you'll do yours. Para wala nalang away, wag nalang tayong magpansinan. Kasi alam mo? Nakakarindi ka lang kaaway, nakakaubos ng energy may gahd" Sabi ko ng tuloy tuloy sakanya. Hiningal ako dun ah!
Wait nalang ako. Mafu-full ulit yang energy ko. Hinigop ba naman netong Summer na 'to. Wee hahaha pero parang fb games lang e no? May energy pa eh.
"Okay fine. Sa totoo lang ayaw rin naman kasi kita kausap. Di lang talaga ako likas na snob kaya kinakausap kita kahit ayaw ko", sagot naman niya sa akin. Then after that sinuot niya na ung headset nya then umub-ob na siya sa arm chair para matulog
Ang sama pa rin ng tingin ko sakanya kahit alam kong hindi niya naman ako nakikita.
Ang sarap talaga balatan ng buhay at itapon sa celebes sea tapos ipakain sa pating nitong lalaking to. Kayabang kala mo ang gwapo. Pero sabagay gwapo nga talaga siya. Ayy! Sabee ko? Gwapo? WTF!
Nawawala na ata ako sa sarili ko. Ampanget niya kaya. Kahit anung ayos ng muka niya, e panget naman ugali niya kaya ganun na rin. Pangit pa rin siya.
Hanggang sa hindi ko namalayan, tapos na pala yung Homeroom namin. Yun kasi yung first class namin. Wala naman kaming ginagawa dun. Parang dun e naguusap ung adviser pati students, para mapanatili ang student-teacher bonding.
Pero parang wala namang bonding na nangyayari. Baka sermon? Pero naiintindihan ko din naman si mam apple e. Mahirap talaga maging teacher kasi may mga students na pasaway. Kaya kailangan talaga ipakita nila na hindi sila basta bastang kayang bastusin ng mga estudyante.
So ayun, next subject namin e Filipino. Si Ma'am Apple pa rin ang teacher namin. Sakto lang kasi filipino naman eh kaya naiintindihan ko. Ayaw ko lang talaga ay yung Math pati Physics. Naaawa ako sa braincells ko kasi pagod na pagod sila during those subjects.
Tinignan ko si Ethan sa tabi ko. Actually gwapo talaga siya. Naalala ko nga nung bagong transfer ako dito sa St. Beatriz. Tapos pag pasok ko siya yung unang nakita ko. Ang gwapo niya na nung junior palang kami. Kaya nga feeling ko noon, na-love at first sight ako sakanya.
Flashback...
3rd year highschool / junior
1st day of school. Kinakabahan ako. Bakit kasi kailangan ko pang lumipat? Pero mas okay na 'to. Ayaw ko na dun sa school ko dati. Maraming bully, tapos yung mga babae ang aarte. Kala mo kagandahan? Mga chaka naman. Lima nga lang yung naging ka close ko dun. Nakakamiss rin pala. Pero bakit ba yun yung iniisip ko ngayon. Dapat yung mangyayari ngayon yung isipin ko. At yun na nga, pumasok na ung school service ko sa gate ng St. Beatriz.
Pagbaba ko, tinignan ko sa bulletin board kung nasaan yung room ko. Nakita ko sa ibaba ng room 306, dun nakalagay yung pangalan ko. Ang pangalan ng section ko ay Mahogany. So 306, it means nasa third floor yung room ko kasi third year na ako. Maybe ganun na nga?
So ako naman akyat sa hagdan, at sa wakas nakita ko na yung room. Maaaga kasi yung service, kaya onti palang ang mga estudyante sa loob. Pagpasok ko sa room, ayun at nakita ko siya, Nakaupo sa isang upuan sa may 2nd row, naka headset tapos medyo nag hehead bang pa yung ulo niya.
Di niya ko napansin kasi masyado sigurong nakatuon ang atensyon niya dun sa soundtrip niya. Kaming dalawa palang dito sa classroom. Tapos ayun, pagkita ko sakanya, biglang tumibok ng mabilis yung puso ko. Oo na, alam kong corny pero totoo yun. Parang kinabahan ako na ewan.
Actually may mas gwapo pa saknya e, pero para sakin feeling ko siya na ung pinaka gwapo na tao sa mundong earth nung time na yun. Sabeee? Gets niyo ba? Nagtaka nga ako sa naramdaman ko e. Kasi 1st time ko lang naramdaman yung ganoon. OO, nag kaka crush ako sa mga classmates ko dati, pati sa mga artista pero di ko naramdaman yung ganitong pakiramdam.
Pagka pasok ko, hindi ako direktang nakatingin sakanya but nakikita ko siya sa peripheral vision ko. Sheet nang yayari sakin? Na-love at first sight ba ako dito? Ewan, hindi ko alam.
Umupo ako sa may bandang likuran niya. Wala akong magawa e. Kaming 2 palang, ginawa ko, inub-ob ko nalang yung ulo ko sa desk ko and sinubukan kong matulog. Kulang kasi ako sa tulog, dalawang oras lang ata? Di kasi ako makatulog, kinakabahan ako sa mangyayari ngayon.
At nakatulog nga ako, nagising nalang ako sa ingay ng mga tao sa paligid ko. Shocks 30 minutes rin ako nakatulog tapos parang andito na lahat ng magiging classmates ko. At siya? Lumipat na siya ng upuan. Andun ata siya sa tropa niya. Ang ingay nila e kaya naririnig ko yung mga pinag uusapan nila. Parang mga bingi kasi sila magusap, nagsisigawan.
"Eyy pare kamusta na kayo ni Mich?" Tanong nung isa niyang kaibigan sakanya. Hindi ko pa kilala kung sino, siyempre kasi bago palang ako dito sa school.
"Ah yun ba? 4days lang kami nun e. Ayoko naman talaga dun. Pinilit lang nun sarili niya sa akin. Eh naawa ako kaya un. Maganda naman siya. Pero dre, ayaw ko talaga sakanya. Kaya ayun bilis kong nagsawa, kaya binreak ko na" Rinig kong sabi niya.
Alam niyo ung feeling na gumuho ung pag-asa mo? Ganon pala siyang tao. ganon pala ang ugali niya.
Sayang...
Sayang kasi feeling ko,
Siya na yun eh. Siya na yung magiging "FIRST LOVE" ko.
SANA.
End of flashback...
--
Gulat kayo ano? Totoo yun. Ganon talaga yung nangyari. Kaya asar talaga ako dito kay Ethan. Pogi nga siya pero hindi naman ganon yung lahat ng mga babae e. Lahat lalapit sakanya. Kaya nung araw rin na yun. Pinilit ko ng mawala yung patubo pa lang na feelings ko sakanya.
"Tigilan mo na yan, baka matunaw na ko dito." Narinig kong may nagsalita, then nagulat ako si Ethan naka ayos na siyang upo. Ako ba yun sinabihan niya?
Nanlaki ang mata ko. Shocks, sa sobrang pagbabalik tanaw ko. Di ko napansin na sa kanya pala ako nakatingin.
Itsura ni ethan -> ^_________^
Ngiting aso may gahd.
Ako naman -> T________T
Badtrip. Kanina pa ko nakatitig sakanya..
At kanina niya parin ako nahuling nakatitig sakanya.
BINABASA MO ANG
You Are the Song of My Life
RomansaWinter May Chloe is a graduating high school student of St. Beatriz Academy. Being in her senior year, she has this simple and yet, dull life. Though she didn't know that her non-thrilling life would change when a man namely "Ethan Summer Praga" ent...