CHAPTER 39- SWEET REVENGE
NASH's POV
*alog alog
Sino ba tong umaalog sakin?! naman oh!
"Nash! Gumising ka na! magbbreakfast na tayo!!" *mulat, *tingin sa naalog sakin
ow si Katie pala.. -____-
"Erm..Katie! Antok pa ko eh! ikaw na lang!" pagtataboy ko sa kanya sabay taklob ng kumot
"Nash! 6:30 ang call time natin! anu ka ba?! Maliligo ka pa! Kaya kumilos kilos ka ng babae ka!" -Katie na pilit tinatanggal yung kumot ko
"Katie naman eh! Ang sakit pa ng ulo ko! Hindi ko alam kung bakit pero ang sakit pa talaga ng ulo ko! Pwede bang matulog nlng muna ako?! kahit 5 minutes la--"
"Hinddddddddiiiiiiii! Pag sinabing kong gumising ka! gigising ka!!" -Katie sabay nagtatalon sya dun sa kama ko..WAGAS =____=
"Katie naman eh! Oo na! babangon na ko! Tumigil ka na ng pagtalon! Geez! Lalong sumasakit ang ulo ko sayo eh!" sabi ko habang ginugulo yung buhok ko sabay bangon
Hindi rin naman ako titigilan ng isang to eh! tsk.
"Ahahaha! Namiss ko to!"-Katie
"Alin?!" walang gana kong tanong
"Tong part kung saan halos magkanda paos na ako para lang magising ka sa umaga! "
Napangiti naman ako bigla. Oo nga pala, nung kila Katie pa ako nakatira, si Katie ang taga gising ko lage. Nakakamiss nga din pala.
"Namiss ko rin ang nakakabingi kong alarm clock.. haha."
"Syempre! pinaka the best ako sa lahat ng alarm clock no!"
"Oo..wala kang snooze..litsi..=___="
"Haha! yun nga ang maganda eh! Hays..sa amin ka na lang kaya ulit tumira Nash?! Ok na naman kayo ni mommy diba?!"
Actually naisip ko na nga rin yun kaso...
"In three months, mapapasakin na yung condo. Isang bwan na lang ang hihintayin ko. Sayang naman yun. Isa pa, napagdesisyunan ko na rin na mas maganda kung maging independent na lang ako, hindi naman pwedeng habang buhay sa inyo ako tumira. Tsaka medyo napamahal narin sakin yung condo tsaka yung mga tao dun. Tapos, isa pang dahilan, madalas na nakatambay dun si Bryle, kung aalis ako dun sa condo siguradong magwawala yun kasi wala na syang pupuntahan pag nabobored sya..haha. Iniimagine ko pa lang ang reaction nun kinikilabutan na ako."
"Ah ganun?! so mas mahalaga na sakin si Bryle ngayon ganun?!" sabay talikod sakin ni Katie tapos nag cross arms
"Bessy naman eh!"
"Hahaha! gotcha! joke lang! hindi ako kasing seloso ng boyfriend mo!" sabay kurot niya sa pisngi ko
"FAKE BOYFRIEND.." sabi ko habang hinahaplos yung pisngi ko, sadista masyado tong si Katie
"Fake nga ba?!"
"E-eh?! anung sinasabi mo dyan Katie?!"
"Haha..wala lang..pffft..haha.."
"Ang saya mo. Haynako..maliligo na nga lang ako." tumayo na ako para pumunta sa c.r.
Ang weird ni Katie ngayon, parang iba yung ngiti nya eh..ganun ba pag in love?! ngising aso?! haynako, ewan.
.
.
Pagtapos kong maligo, syempre nag bihis tapos nun lumabas na kami ng kwarto. Nasan nga pala si Stacy?! hmm..
BINABASA MO ANG
GIRLFRIEND FOR HIRE.
Любовные романы(Completed) | No Soft Copy | My name is Nami Shanaia San Jose. And this... is my-- our story.