07 // A Win-Win Situation
"The Law of Win-Win says let's not do it your way or my way; let's do it the best way." -Greg Anderson
***
It is a lie! Kung ano man ang sinasabi ng Heston na iyon, sigurado akong pinaglalaruan niya lamang ang utak ko. Sinasabi niyang ako ang may kasalanan sa nangyari kay Axis? At paano naman mangyayari iyon gayong nakakulong ako rito sa loob ng mansion?
Hindi ko siya maintindihan! Bakit niya ba sinabi sa akin iyon? He doesn't have a proof that it is my fault and why would it be my fault again? Siguro nga'y galit ako kay Axis dahil sa pangi-ngidnap niya sa akin pero hindi ko magagawang barilin siya!
Maybe he's just messing with my head. At nagtagumpay nga siyang paglaruan ako, I cannot do anything right because his words keep repeating inside my head.
Buong araw ay ramdam mong may nangyari dahil iba ang kilos ng mga tao rito sa mansion. Worry is manifested on their faces. Axis may be ill-tempered at all times but his workers care for him as much as he cares for them.
Ako man ay hindi ko mapigilang mag-alala sa nangyari, parang kanina lang ay kasalo ko pa siya sa agahan. Tapos ngayon ay may nangyari nang masama sa kaniya.
I stayed inside my room for the rest of the day, halos hindi rin ako nakakain ng tanghalian kanina dahil sa sinabi ni Heston. Hanggang ngayon ay binabagabag pa rin ako ng mga salitang iyon, pakiramdam ko talaga ay may mali, may mali talaga. I know that there is something wrong but I cannot accept it myself.
Maya maya ay pumasok ang isang katulong sa aking kwarto para magdala ng meryenda. Ipinalapag ko na lang iyon sa tabi dahil wala akong ganang kumain sa ngayon. Nagtanong ako kung may balita na ba kay Axis ngunit wala pa rin silang alam.
Ang sabi niya pa ay tanging si Heston lamang ang nagpunta sa ospital at hanggang ngayon ay hindi pa ito bumabalik. Hindi pa rin ako mapakali kaya naisip kong libutin na lang ang mansion, hindi ko pa rin kasi napupuntahan ang ibang lugar dito dahil ilang araw akong nakakulong sa kwarto. Una kong pinuntahan ang entertainment room at naisip kong manood ng movie. But because my mind is clouded with thoughts, wala rin akong naintindihan sa pinanood. In the end, umalis ako roon at naisipan kong pumunta ulit sa Library.
Naghanap ako ng magandang libro at saka naupo sa sofa upang doon magbasa. I settled with "Gone With the Wind", and I'm thankful that I somehow find a peace of mind in reading. Nang sumakit ang mga mata ko sa kababasa ay napatingin ako sa wall clock, nagulat ako dahil alas siyete na pala ng gabi.
I returned the book on its shelf and locked the door. I was about to go to the kitchen for dinner when my eyes caught a door at the end of the hallway. Nasa first floor ako at parang ngayon ko lang yata nakita ang pintong iyon, ito lang kasi ang hindi kulay putting pinto.
Due to my curiousity, I decided to see what's behind that door. Hindi ko na namalayang naglalakad na pala ako papalapit rito, dahan-dahan kong ipinihit ang door knob at bumungad sa akin ang isang madilim na silid. I tried to find the switch and when I found it, the whole room lit up. My eyes widened at the sight of the stairs downward.
Wala naman sigurong masama kung titignan ko kung ano ang nasa ibaba, hindi ba? Pumasok ako sa loob ng room at dahan-dahang bumaba sa hagdan. Habang papalapit ay mas nagiging malinaw na sa akin kung ano ba ang kwartong ito.
Maraming nagkalat na kahon sa ibaba at halatang hindi gaanong nalilinis ang lugar na ito, may ilang agiw pa nga akong namataan. Nang tuluyan akong makababa ay inilibot kong maigi ang aking paningin. Aside from the boxes scattered around the room, I also some weapons displayed in a glass cabinet. I move forward and saw different kind of guns, what caught my attention is the Heckler&Koch MP5 machine gun!
BINABASA MO ANG
I'll Tell You A Lie
ActionCan you distinguish the difference between the truth and the lie? [This is a Filipino-English story.]