Venus POV
"Nalagasan na naman ng puso ang tree of love" Malungkot kong sabi sa sarili ko habang nakatitig sa tree of love.
May humawak sa braso ko "Hindi mo na makikita ang tunay na pag-ibig sa mundo ng mga tao ngayon, marahas sila at ginagawa nilang biro ang pakikipagrelasyon."
"Nalulungkot lang ako. Taon-taon nababawasan ang tree. Taon-taon na lang nababawasan ang naniniwala sa pag-ibig." Napayuko ako sa pagkadismaya "Tama! Valentines day na pala bukas at naniniwala akong maraming tao ang magbubunyi, marami pa rin sa mga tao ang nagmamahalan ng tunay. Sigurado ako diyan" Nagmadali akong umalis
"Venus... Saan ka pupunta?" Sigaw ni Alet sa akin. Si Aletheia ang pinaka-close ko dito sa kingdom of love.
"Sa mundo ng mga tao." Sabi ko. Kailangan kong makasiguro na nagmamahalan ang mga tao para hindi maubos ang mga puso sa puno. Pag naubos 'yun, mawawala na ang pagmamahalan sa bawa't-isa at mananaig ang puot at kasakiman sa mundo ng mga tao kaya dapat ko itong pigilan.
"Hindi pwede yang iniisip mo. Isa kang guardian at hindi ka pwedeng makita sa mundo nila. Mahigpit na pinagbabawal yan Venus, itigil mo yang kalokohan mo, mapapahamak ka lang." Sagot sa akin ni Alet.
"Sa tingin mo, kung hindi ko gagawan ng paraan 'to, hindi mapapahamak ang mga tao? Kaya ko ito Aletheia. Magtiwala ka sa akin, alam kong ginagawa ko." Hindi na ako nagpaawat at umalis na ako
CARLO POV
"Ok ka lang ba Carlo?"
"Yes Ma! I'm ok" Sagot ko kay Mama
"Why don't you go out with Clara? She's a very nice and a pretty lady beside her mother is one of my close friends. I know they have a good lifestyle." Ayan na naman si Mama sa mga reto niya.
"I'll think about it Ma." Matipid kong sagot
"Okay! I'll set a dinner date for you two tomorrow at breadsticks. I really hope you can come." Pakiusap ni Mama at naaawa naman ako sa kanya pumayag na rin ako.
"Okay." Sabi ko, para sa Mama ko susubukan ko
Valentines day na naman bukas. I hate Valentines day! Napapaluha na naman ako "Bakit mo ko iniwan?" Hindi ko na mapigil ang pagpatak ng aking mga luha.
At the kingdom of heart...
Approdiate POV
Ako si Approdiate the Goddess of love and beauty. The Big boss of the kingdom of love but I also have my Big boss which is our creator who holds all kingdoms in this world.
"Aletheia... Nasaan na si Venus? Bakit walang nagbabantay sa tree of love?"
"Am... Ano po.. kasi..." Ang pag-aalinlangang pagsagot ni Alet sa akin.
"You cannot lie to me Aletheia. Your the guardian of truth. So, you cannot lie or hide anything from me. So, tell me, saan pumunta ang guardian of love na si Venus?"
"Your highness pumunta po si Venus sa mundo ng mga tao." Nagvow sa akin na parang humihingi ng tawad
"What? hindi siya pwede doon! Alam niyo naman na higit na pinagbabawal pumunta ang mga Guardian sa mundong ibabaw." Napasigaw ako sa nalaman ko. Hindi maaari to!
BINABASA MO ANG
Forbidden love
FantasyForbidden Love by ImArVeE (A Valentine special oneshot entry) ---------------------------------------------------- A tree of love is guarded by the guardian of love named Venus. The hearts in the tree symbolizes the love there is in the human world...