"Sa buhay, kailangan mong makuntento kung ayaw mong malamang pinagpalit mo pala ang dyamante para sa bato."
----
"Ang tanga mo." Nagulat ako ng marinig ko ang boses niya, anong ginagawa ng babaeng to dito? "Ang tagal mo mang naglalaro niyan di mo parin maayos?" Aba, hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa paglalaro.
"Oy Bryle, mamaya nayan." Narinig kong sabi ng ate ko. Huminto ako sa paglalaro at hinarap ang babaeng nanggulo sa paglalaro ko, ang girlfriend ko. Sabihin na nating cool off kami dahil kailangan namin pareho ang magfocus sa pag-aaral pero parang kami parin.
Pinangako naming pag nagcollege magiging kami ulit. Ang gulo ba? Kasing gulo niya, kailangan lang namin ng space sa ngayon. Natatawa pa nga ko nung isang beses na kailangan ko pang pumunta sa bahay nila para lang magsorry sa kanya kasi nakita niyang andami kong babaeng kachat sa facebook.
Nakakainis narin minsan, wala naman ng kami pero umaarte parin siyang girlfriend ko. Huminga ako ng malalim habang pinagmamasdan silang nag-uusap ng kapatid ko at ibinalik ko ang atensyon ko sa paglalaro ko.
----
"Bryle? Pupunta kaba?" Napaisip ako at naalala kong birthday pala ng kaklase namin agad akong tumayo at nag-ayos."Tara na." Sabi ko at nauna nang naglakad papunta sa bahay ng kaklase namin, pagdating namin ay sinalubong niya kami kasama ang pinsan niya.
"Siya yung sinasabi ko sayong pinsan ko, yung sinabing may itsura ka daw." Sabi niya, kung titignan maganda siya, kasing tangkad ko rin o matangkad lang ako ng kaunti.
Lumipas ang oras, masaya naman, kantahan,asaran, kulitan pero hindi naman pwedeng hindi kami umuwi.
Pagdating sa bahay ay dumiretso agad ako sa kwarto at kinuha ko yung tablet ko, at ayun syempre, inadd ko yung pinsan ng kaklase ko at nag chat kami.
Nagsimula sa batian, may 'po' pang nalalaman hanggang sa nagkaligawan. Post ng picture dito, post doon. Nakakantyawan. Natural lang naman yun diba? Natural lang na pati teachers mo aasarin ka.
Dumating sa puntong nag-away kami ni ate, walang pansinan dahil sa kanya. Ano ba kasing problema niya? Nagtatalo narin kami ni mama pero ayos lang. Wala naman silang pake, wala silang paki sakin dapat ba magkaron din ako ng paki? sanay naman silang binabaliwala ako at sanay na din akong nag-aaway kami.
Minsan tuwing nandun ako sa kanila, ayoko ng umuwi. Asaran dito, pero yung tipong minimake-upan nila ko, nakakabakla. Seryoso, nakalabakla, pero bakit ba? dito ako masaya.
Halos dun na ko tumira kaya lalong naiinis si mama, lagi niya kong pinapagalitan habang hindi naman ako pinapansin ng mga kapatid ko. Ako yung black sheep ng pamilya. Napapadalas narin yung pag-uwi ko sa isang bahay namin na malayo dito.
Bakit ba kasi di nalang sila maging masaya? Bakit di nalang sila maging masaya na masaya ako? Lagi nalang akong mali, wala naba kong ginawang tama sa paningin nila?
Hanggang sa dumating yung araw na hindi na nagparamdam yung nililigawan ko, hindi narin siya pumapayag na pumunta ko sa kanila. Pinatigil na rin ako ng kaklase kong manligaw sa kanya.
Masakit? Hindi, magastos lang no. Baka kasi kinailangan ko pang bumili ng cellphone para magkaroon kami ng komunikasyon dahil kinuha ni mama yung cellphone ko. Nagsayang lang ako ng oras sa kanya.
Kaya ako ng nagkakasyota o nanliligaw, magastos. Puro ganito ganyan.
Kumalat na, kumalat na pinatigil nako sa panliligaw nakarinig ako ng mga salitang 'Holding hands pa, san ka pinulot ngayon?', 'Ligawan palang may kiss na.', ' Ayan kasi nagkita lang sa birthday nagligawan na.'
Hindi naman ako apektado, wala naman akong pakiealam kaso yung masakit?
Yun yung pag-uwi mo ng bahay nakita mong nag-aabang sa labas yung babaeng pinangakuan mo na magiging kayo ulit sa college. Yung babaeng nakuha yung loob ng pamilya mo, yung babaeng naghihintay sayo.
"Bryle?"
"Hmm?"
"Sabi ni ate, sinabi mo daw na wala nang tayo kaya ... nagligaw ka sa pinsan ng kaklase mo."
Nakangiti siya pero makikita mong gusto nang umiyak ng mga mata niya. Gusto kong lamunin ng lupa, hindi ko rin alam kung anong nararamdaman ko.
"Sabagay, kapag sinabi nga palang cool off parang break up narin ibig sabihin nun." Hindi siya lumilingon sakin, sinisipa niya lang yung mga batong malapit sa paa niya, habang ako? Naka glue ako sa kinatatayuan ko at parang ginlue narin yung boses ko. Hindi ko magawang magsalita, kahit isang salita hindu ko magawang bumigkas.
"Sorry Bryle, pinahirapan ba kita? Sorry, akala ko kasi hindi ka mawawala. Pagpasensyahan mo nako ha? Masyado kasi akong pathetic, alam kong wala kong karapatang magdemand. Masakit kasi, sorry kasi tinali pa kita dun sa cool off nayun." Pinilit niyang tumawa kahit alam kong kahit na anong oras bubuhos na yung mga luha niya.
"Wag kang mag-alala. Pinalalaya na kita, yung usapan natin nung tayo pa? Kalimutan mo na." Ngumiti siya pero kasabay nun yung pagpatak ng luha sa isang mata niya. Pinunasan niya naman agad.
"Hi ate! Hindi kayo sabay umuwi ni Bryle?" Lumingon ako sa likod ko at nakitang nakatayo na ang ate ko at akmang lalakad na papasok sa bahay. "Pasok ka muna?" Tanong ni ate sa kanya. "Di napo, may pinuntahan lang po ko diyan sa tabi kaya dumaan narin ako. Bye po." Sagot niya at tumakbo na paalis.
Alam kong umiiyak siya.
Naunang pumasok si ate at sumunod ako.
"Bakit mo sinabi sa kanya?"
"May karaparan siya."
"Masaya kana sa ginawa mo?"
"Hindi ka parin ba nagigising sa kahibangan mo? Sige nga, asan yung babaeng pinalit mo sa kanya? Anong gusto mong mangyari? Habang buhay siyang umasa sayo? Aba hoy Bryle, sobra nayang katangahan mo, iuntog mo nga yang ulo mo sa pader."
Nagdadabog akong umakyat patungo sa kwarto ko. Pinikit ko ang mga mata ko at inalala lahat ng nangyari sa labas. Hindi ko namalayang pati mga ala-ala ay unti-unti naring bumabalik, tama nga siguro.
Tanga nga ko, namalayan ko nalang na pumapatak na ang mga luha ko.
Nawala ko siya ...
Nawala ko yung babaeng minahal ako ng buo at yung babaeng hindi napagod na mahalin ako.
Bakit kung kelan wala na siya atsaka ko lang maiisip na mahal ko siya.
YOU ARE READING
Ang Blog Ni Gams
القصة القصيرةAng blog ni Gams, Ano nga bang nilalaman ng blog ni Gams? Ano nga bang dadamin ang nakapaloob sa bawat titik na isinusulat niya at ng kwentong inilalathala niya? Karapat-dapat nga kaya siya sa posisiyong ninanais niya?