-CERYS-
"I want the two of you to write a play. You'll have to finish the script next month, pero bago niyo ipasa ang script, I'll make sure na kayong dalawa talaga ang gumawa nun. Mag-conduct kayo ng survey about different college stereotypes and pass it to me next week so that you could elaborate how your characters will act. " Sabi ni Professor Ferrer.
Juicecolored. Ba't ngayon pa? Ba't dito pa kay Suverrano? Do I really have to get involved with him? At sa loob pa ng isang buwan? Pano ko naman kaya makaka-usap to? Tumingin ako sa kanya pero agad din akong umiwas ng tingin nang magtama ang mga mata namin.
"Uhmmm, busy po kasi ako ngayon." Sabi ko.
"I won't accept any excuses. You'll have to do this no matter what." Sabi ni Tandang Armando.
"T-teka, para naman pong labag na yan sa karapatan ko. Para san po ba to? Kung para po to dun sa kanina, pasensya na po di ako nakikinig. Di naman po siguro kailangang umabot pa sa sitwasyon na wala na akong choice." Pabigla-bigla kong sabi. Lumabas na lang kasi kusa sa bibig ko.
"Pasensya ka na Cerys..." Sabi nitong lalaking katabi ko. Ganun pala ang boses niya, di naman masyadong malalim pero buong-buo, yung parang balladeer, haha. Anyways, bakit nagsosorry sakin to? Alam pa pala nito ang pangalan ko.
"Di kasi ako pumapasok sa klase ni Tandang Armando." Bulong niya sakin, (A/N: Tandang Armando, haha) na siya namang nagbigay ng kiliti sa dibdib ko. Bakit ba gan'to si Suverrano? Ano bang problema nito sa'kin?
"Marami ka yatang reklamo ngayon Cerys. Tinanong ko kasi si Phaedon kung sino ang mga kakilala niya dito sa campus at pangalan mo agad ang binanggit niya. Kailangan niya lang kasi talagang bumawi sa klase ko, kung hindi, uulit siya ngayong taon." Paliwanag naman ni Professor Ferrer. Tumingin ulit ako kay Suverrano, kanina pa pala siya nakatingin sa'kin.
"Ikaw lang kasi talaga ang kilala ko dito eh." Sabi niya saka siya kumamot sa ulo at ngumiti na para bang nawawala ang mata niya. Ano ba naman?! Parang gusto ko nang magpalamon sa lupa. Pero, sigurado ako na pag pumayag ako dito, maraming maiinis sakin, ako pa nga lang naiinis na sa sarili ko eh, sila pa kaya?
Sa pagkakaalam ko, ako nga lang talaga ang posibleng makilala ni Phaedon dito, pero kilala naman niya ang iba pa sa mga nandito kasi observant siya, baka di lang talaga niya alam yung pangalan nila.
"So I hope that will change your mind Cerys, saka... May tiwala ako sa inyo, kung inaalala mo naman yung part-time job mo sa coffee shop niyo, wag kang mag-alala, I'm sure you're parents will understand." Sabi ni Tandang Armando.
Nakangiti lang si Suverrano at may isinusulat siya sa isang pamilyar na journal. Death note ba niya yun? (0_0)
Di ko na lang yun pinansin at iniligay na lang sa to-do list ko ang deadline namin sa survey at script. Nandito na'ko eh, may magagawa pa ba ko? Nauna akong lumabas sa office ni Professor Ferrer. Tapos na ang lunch break namin, patay... Wala nang tao sa hallways at natatakot akong pumasok nang late sa susunod kong klase kasi si Ms. Magsaysay na yun, isa sa pinaka-terror, ayoko nang madagdagan pa ang ipapagawa sa'kin.
BINABASA MO ANG
Differences And Coincidences
MizahNakakilala ka na ba ng isang tao na di mo naisip pero kapareho mo pala? Yung di mo inaasahan na magkatulad pala kayo ng mga trip sa buhay, kaya lang, sa harap ng ibang tao di mo aakalaing ganun pala siya, kasi sayo lang siya nagpapakatotoo. Magulo b...