"I love you."
Saan kaya nanggaling yung mga salitang binitawan mo? Halos parang hindi totoo eh.
"May tiwala ako sayo."
Pero sa isang pagkakamali ko lang, nawala na lang ng parang bula. Lahat naman tayo nagkakamali, bakit di mo man lang ako pagbigyan?
"Promise."
Tagal ko nang nagpaloko dyan. Kahit alam kong from the very start, it was always meant to be broken.
"Hindi kita iiwanan. Nandito lang ako oh."
Pero nasaan ka na ngaun sa oras na kailangan na kailangan kita?
"Hindi kita bibitawan."
Pero ikaw naman ang unang bumitiw sa ating dalawa. Hindi ko na nga alam kung itutuloy ko pa yung laban na ito kung ikaw na mismo ang sumuko.
"Miss na kita."
Hindi mo nga iniisip kapakanan ko, mamimiss mo pa kaya ako? Tsk miss mo to.
"Tinadhana siguro tayo noh?"
Oo. Tindhana tayong magkahiwalay sa huli. Wala kasing happily-ever-after sa storya natin eh.
"I'm sorry."
Pero ikaw mismo yung galit. Sige sanay na ako. Ako naman palagi ang nakakaitindi sa ating dalawa eh. Sa lahat ng oras.
"Ako na ang bahala."
Binigay ko yung tiwala ko sayo. Dahil naniniwala naman ako na kaya mo talaga. Pero sa huli, yung tiwala ko, parang isang nabasag na salamin na hindi na pedeng ibalik sa dati.
Halos iyan na lang ang mga salita na binitawan mo sa aking kinawawa mong tenga. Nakakabingi na yung mga kasinungalingan mo. Halos wala akong masabi.
Kaya naiwan ako mag isa sa isang madilim na lugar. Kung saan tumatakbo yung mundo ko na wala ka sa tabi ko. Wala man lang liwanag na makakapag-gabay sa akin.
Nung una, umaasa pa rin ako na babalik ka. Baka sakaling maliwanagan ka sa pagkabulag mo sa isang maliit na kasinungalingan. Kaso mukhang di ako bibiguing sirain lalo ang puso kong paulit ulit nang nasasaktan. Dahil hindi ka dumating.
Hindi ko maitindihan ang puso ko ngayon ay ligaw. Naniniwalang wala nang magandang dulot sa mundong ibabaw. At uulitin ko, ito ako ngaun sa dilim. Nag iisa, unting-unti naaalis ang puso kong noon ay sabik, ngaun ay wasak.
BINABASA MO ANG
13th Letter of the Alphabet
Teen FictionNagmahalan sila ng tunay. Masaya na ang lahat. Puro saya at ligaya, hanggang sa dumating sa punto na gumuho ang mundo ni Chase. Magmamahal pa ba kaya siya ulit o isasarado na nya ang kanyang pusong wasak na wasak na?