Chapter II

192 12 0
                                    

Tapos na kaming kumain nila Ate Dian kaya nagsimula na akong magligpit ng mga pinagkainan dahil wala nang kakain pa. Nasa business trip sina Mommy Therese at Sir Luke kaya sina Third at Ate Dian lang ang andito tsaka kaming mga katiwala rito sa bahay. Umakyat na si Ate Dian papunta sa kwarto niya at si Third naman ay tinutulungan ako sa paghuhugas. Syempre, napagalitan na naman siya ni Ate Dian kaya napilitang tulungan ako sa pagliligpit ng mga pinagkainan. Kahit na mayaman ang pamilya nina Third ay sinanay si Ate Dian sa pag gawa ng gawaing bahay. Kasi hindi daw sa lahat ng oras ay may magsisilbi para sa kanila. Kaya habang wala ang mga magulang nila ay si Ate Dian muna ang nasusunod sa bahay. Twenty-five years old na nga pala si Ate Dian kaya matured na siya mag-isip. Dahil sa talino at kasipagan ni Ate Dian ay nakapagtapos siya bilang Cum Laude sa kursong BS in Business Management. Siya nga ang tagapagmana ng business ng pamilya nila. No doubt kung bakit kahit sila lang ang naiwan sa bahay ay komportable ang mga magulang nila dahil alam nila na hindi papabayaan ni Ate Dian si Third at ang kompanya nila.

Ay oo nga pala, hindi niyo pa pala kami kilala lalong-lalo na ako. Una sa lahat, ako nga pala si Patricia Fajardo but they call me "Pat" for short. Hindi kami mayaman pero okay lang yun dahil ramdam ko naman na ginagawa ni Tatay Raymund ang lahat para maitaguyod ang pag-aaral namin ng Kuya Jeremy ko. Nakapagtapos na si Kuya Jeremy ng pag-aaral sa kursong Culinary Art at kasalukuyan siyang nagtatrabaho sa isang sikat na restaurant. Pangarap ni Kuya na magkaroon kami ng sarili naming bahay kaya ginagawa niya ang lahat para makapag-ipon ng pera na ipupundar niya sa pagbili ng lupa at pagpapatayo ng bahay. Bihira rin siyang umuwi dahil Monday to Friday ang shift niya kaya bihira ko din siyang makita dito sa bahay. Twenty-six years old na si Kuya pero wala pa rin siyang naging girlfriend. Actually, NGSB siya pero gwapo naman siya tsaka matipuno ang katawan. Tanging rason niya pag kinukulit ko siya kung bakit wala pa siyang girlfriend ay mas gusto niyang raw bigyan ng tuon ang pamilya namin.

Nagtrabaho si Papa sa pamilya ng mga Lopez bago pa ipanganak sina Ate Dian at Third. Lumaki silang dalawa na andyan na si Tatay bilang katiwala ng pamilya kaya ganoon na lang kung ituring ni Ate Dian na ikalawang ama si Tatay. Nung tumuntong si Ate Dian sa ika-walong taong gulang niya ay ipinanganak si Third and October 30, 1999 ang birthday niya. And only after 3 months, dated January 19, 2000 ay ipinanganak ako. Sabay kaming lumaki ni Third at naging kababata ko siya. Si Kuya Jeremy naman ay isang taong mas matanda kay Ate Dian.

Parang pamilya na rin ang turing sa amin ng pamilya ni Third dahil sa tagal ng pinagsamahan ng mga pamilya namin. Kaya ganoon na lamang ang tiwala nila samin. Naging malapit samin ni Kuya Jeremy si Mommy Therese. Gustong-gusto niya tawagin ko siya na Mommy Therese dahil parang anak na rin daw ang turing niya sa amin ni Kuya Jeremy.

Tuwing birthday namin ni Kuya Jeremy ay ipinaghahanda pa kami ni Mommy Therese at tuwing Christmas at New Year naman ay rineregaluhan niya kami palagi.

Ang sarap sa pakiramdam na kahit iniwan na kami ng sarili naming nanay ay may Mommy Therese pa ring andyan sa tabi namin at hindi kami iiwan.



Labin-isang taong gulang pa lang ako noon ng umalis si Mama.



I still could remember that day kung kailan lumayas si Mama Suzanne sa amin.



Umalis siya.



Sumama sa ibang lalaki.



Naaalala ko pa yung pag-aaway nila ni Tatay bago siya umalis.



[Flashback]


"Pagod na pagod na ako Raymund!" nagsimula ng mangilid ang mga luha ni Mama. Basang-basa ang kanyang damit dahil sa luha at pawis. Buhaghag na rin at hindi ayos ang kanyang buhok. Nasa tatlumpo't walong gulang pa lang si Mama pero bakas na sa kanyang mukha ang pagod na para bang nasa limampung taong gulang na siya.

Slowly Falling In love With The Wrong PersonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon