Chapter 32
//
Nakikita ko ngayon si Adrian. Hawak niya ang mga kamay ko.
" Mahal kita Eunice. Mahal na mahal kita. " sabi niya sakin.
Dahan dahang naglalapit ang mga mukha namin. Konti na lang. Kinakabahan ako ngayon. Lumalakas na naman ang tobok ng puso ko. Araw-araw na lang sa tuwing siya ang nakikita ko.
Mahal ko na nga din siya. Mahal na mahal din kita Adrian. Kung alam mo lang kung gaano ko kagusto na ikaw ang makasama ko habang buhay. Sadyang gusto ko lang na maging presintable ka sa mga taong nakapaligid sayo. Ang sakit kasi sa pakiramdam na kung anu-anong masasamang bagay ang pinagsasasabi sayo ng ibang tao.
Nasasaktan ako dahil mahal kita.
" Mahal din kita, Adrian. " pagkasabi ko nun, papalapit na ang labi namin sa isa't isa.
Hanggang sa, " Eunice, wake up. " agad agad ko namang minulat ang mga mata ko at si mommy agad ang tumambad sa paningin ko. Isang panaginip. Tama, panaginip lang ang lahat. Oo nga pala, may Daisy na nga pala siya diba? Wala na ako sa puso at isipan niya dahil na sa ibang babae na.
" Bakit mommy? Walang pasok ngayon. Linggo po. Hayaan niyo na ako matulog. " naiinis na sabi ko sabay taklob ko ng unan sa mukha ko.
Tuloy tuloy padin ang paggising sa akin ni mommy. " Wake up, Eunice. Wake up. "
Dahil sa inis, no choice ako kundi bumangon na. Nawala na din kasi yung antok ko dahil sa panggigising sakin ni Mommy. Haaay. Ang sarap sarap na kaya ng panaginip ko. Maghahalikan na kami ng lalakeng mahal ko eh. Andun na kasi tapos biglang naputol.
Pero nakakatuwa naman, naaalala ko tuloy spna first kiss ko siya. Yung mga panahon na tinitrip pa niya ako. Yung mga pang-iinis niya. Nakakamiss din pala.
" Bakit ba mommy? " nagtataka kong tanong.
" Joshua is waiting for you downstairs. Maligo ka na at magbihis ng disente. " sabi niya sakin.
" What? At bakit naman mommy? " gulat na gulat kong tanong. Bakit nandyan si Joshua? Wag niyo sabihin na siya nga makakaengage ko? Ayoko pa nga maengage diba? Ang kukulit naman ng mga magulang ko eh!
" He wants to bring you to a date. " sabay tayo ni mommy sa kama. " Para sa company, Eunice. Always remember that. " tsaka siya lumabas ng kwarto ko.
Para sa company? Oh, please. Intindihin naman nila ako for once! Hindi ako magpapakasal sa taong hindi ko mahal. What if Joshua is super nice? What if kung gwapo siya? What if kung kinilig ako sa kaniya nung date namin dati? Pero wala yung laban sa nararamdaman ko. Wala yung laban sa pagmamahal ko dun sa demonyong prinsipe na yon dahil siya ang mahal ko at wala ng iba.
Nang matapos ako maligo at magbihis para ipakita na disente ako, agad na akong bumaba. Katulad ng sabi ni mommy, andun nga si Joshua. Who knew na kapitbahay lang namin ang gusto ni mommy na mapangasawa ko?
" So let's go? " tanong niya, tumango tango na lang ako at sumunod sa kaniya papalabas ng bahay. Pumasok kami sa loob ng sasakyan ang pinaharurot na ni Manong driver ang sasakyan. Wow ha. May personal driver.
Eventhough na may kaya ang family namin, ayaw na ayaw nila mommy na pinapakita yun kaya naman wala kaming mga yaya o maids sa house. Kaya pag umuuwi ako sa bahay, ako lang lagi. Tapos wala din kaming mga personal driver katulad ng sa family nila Joshua. Kung gusto kong gumala, kailangan ko pang sumakay ng trycicle at jeep at langhapin ang usok bago makarating sa destinasyon ko. Ang galing diba?
BINABASA MO ANG
He's A Devil [Fin]
Adventure"My life changed when I let my self fall in love with the Devil." | mundongsaging (c) 2013 ALL RIGHTS RESERVED