-CERYS-
Naka-upo ako ngayon sa sahig, sa tabi ng pintuan ng office ni Professor Ferrer, halos 2 minutes na rin matapos akong lumabas at nandun pa rin sa loob si Suverrano. Hindi ko na alam kung papasok pa ba ko, nagka-cutting ako. 'Wag niyo ko tularan ha, di ko lang talaga alam kung ano ang dapat kong gawin ngayon.
Bumukas ang pintuan nang hindi ko namamalayan, may nakalahad kasing kamay sakin, para bang sinasabi na tumayo na ako at aalalayan niya ko. Huminga siya nang malalim at nagsalita.
"Sa wakas, natapos din ang meeting na to. Ang bait mo naman, hinintay mo pa ko." Sabi niya, bakit parang mahangin yata?
Tumingala lang ako at tinignan siya, di ko pa rin inaabot yung kamay niya pero nakipagtitigan na naman siya sakin. Dahil don, wala na akong magawa. Marunong ba ng mind control to? Ano ka ba naman Suverrano? Naiinis na ko sayo, ba't mo to ginagawa sa'kin?
Inabot ko ang kamay niya at saka ako tumayo. Akala ko ba tahimik lang to? Nakatayo lang ako dun at di ko namalayan na malayo na pala siya. Ano nang gagawin ko?! Ayan! Tapos lumingon siya sa'kin, dahilan para maglakad ako nang mabilis at sundan siya. Talaga bang kino-kontrol niya ko ngayon?
"San ka pupunta?" Tanong ko.
"Sa wakas, nagsalita ka rin. Lalabas na ko ng campus. Sama ka?" Tanong niya.
"Huh? Edi makikita ka ng guard?" Pagtataka ko, ngumiti lang siya at nagpatuloy pa sa paglalakad. Ako naman, parang aso na nakabuntot lang sa kanya.
"May alam akong daan." Sabi niya, pero di niya na ako nilingon at patuloy lang na naglakad.
"Alam mo bang ang dami kong na-miss out ngayon? Di ko pa nasamahan si Katrin sa lunch. Pano ba naman kasi, pinatawag pa ko ni Tandang Armando." Reklamo ko sa kanya.
"Ako talaga ang may kasalanan nun Cerys eh, sorry talaga." Sabi niya, tapos huminto siya sa paglalakad, andito na kami sa hallway na malapit sa susunod na klase ko.
"Kung ayaw mo naman akong samahan ayos lang, pumasok ka na sa klase mo." Sabi pa niya.
"Eh... Ano kasi, takot ako kay Ms. Magsaysay." Bulong ko sa hangin sabay yuko.
"Edi tara?" Pag-aya niya sakin, tumango na lang ako. Naglakad kami papunta sa bahagi ng campus na di ko pa napupuntahan. May butterfly garden pala dito.
"Madalas ka bang mag-cutting?" Tanong ko sa kanya.
"Oo, di naman nila ko napapansin eh. Bukod kay Tandang Armando, haha. Yun din pala tawag mo sa kanya." Sabi nito.
"Death note ba yung hawak mo kanina? Wag mo kong isusulat dun ha." Sabi ko, mema na lang eh nuh?
"Haha, hindi death note yun, diba nasayo yun kahapon? Buti nga nakuha ko eh. Nabasa mo na siguro yun. Hahaha." Sabi niya, pansin ko lang na tumatawa din pala siya. Akala ko kasi talaga seryoso siyang tao.
"Hindi ko ugaling magbasa ng journal ng iba, kung ano man yan. Pano mo naman nakuha?" Tanong ko sa kanya.
"Makakalimutin ka ba? Binangga kita nun, tas nahulog yung mga dala mo, saka ko kinuha. Bakit nga pala napunta yun sayo?" Tanong niya.
"Naiwan mo sa library." Sabi ko. Sa likod nitong butterfly garden ay may pintuan, doon kami lumabas at naka-alis kami nang ganun-ganun na lang sa campus. Lagot.
A/N: Kada-tatlong chapters ay gagawa po ako ng POV bukod sa POV ni Cerys. Salamat sa support. Maglalagay na rin po ako ng dedication sa 4th chapter. If you want a dedication, just vote, vote, vote! Haha. Spread the love! Thanks.
BINABASA MO ANG
Differences And Coincidences
HumorNakakilala ka na ba ng isang tao na di mo naisip pero kapareho mo pala? Yung di mo inaasahan na magkatulad pala kayo ng mga trip sa buhay, kaya lang, sa harap ng ibang tao di mo aakalaing ganun pala siya, kasi sayo lang siya nagpapakatotoo. Magulo b...