CHAPTER 19: IM BACK

805 27 35
                                    

T R I X I E ' S   P O V


Mariing ipinikit ang mata ko nang maramdaman ko ang pagbaon ng mga kuko ni Ferris sa braso ko. Nakatutok sakanyang ulo ang baril na dala ni Girlie kaya ako ang ginawa niyang pangblackmail. Pahamak.



"Isang hakbang pa, isang patay." Pagbabanta ni Ferris sakanila ni Girlie nang akmang hahakbang ito. Shemay. Wala akong magawa dito dahil hawak ako ng hayop.



"Tatandaan mo Ferris. Nakatutok sayo ang baril ko at hindi ako magdadalawang isip ng ipaputok ko 'to." Pabalik na pagbabanta ni Girlie.



Nasa gitna silang tatlo, hindi na sila makalapit saakin dahil kay Ferris. Pinagbantaan niya ang buhay namin. Napakahayop niya talaga.



Biglang ngumisi si Ferris, "Nakatutok rin naman sainyo ang mga babies ko." Sumulpot ang mga kasamahan niya sa taas ng simbahan at may hawak na flute? na nakakatutok sakanila.



Mga Brown Legends



Kailangan kong makatakas dito. Aish. Tinadyakan ko bigla ang paa ni Ferris ng pagkalakas-lakas at mabilis na siniko ang kanyang tiyan sabay kagat sa kanyang kaliwang kamay.



"Ughhh." Daing niya sa sakit.



Nakawala na ako sa kanyang pagkahawak, kaya ito na ang pagkakataon ko. Kaagad akong tumakbo patungo kina Dean. Mabilis ang mga paa kong gumalaw kaya madali kong napuntahan sila.



Kaagad kong yinakap  si Dean ng mahigpit at yinakap niya rin, alam kong ligtas ako sa bisig niya pero nagulat ako ng may  tumusok sa bandang likod ko kasabay ng paglambot ng aking tuhod.



"Sht. Tinamaan ka Trix. Andrue, ilabas mo siya." Narinig ko pang utos ni Dean kay Andrue pagkatapos ay unting-unti ng nilalamon ng kadiliman ang paningin ko kasabay ng pagkabagsak ko sa bisig ni Andrue.



G I R L I E ' S   P O V



Natamaan si Trixie ng isang matulis na bagay, maliit kasing liit ng hintuturo at may pulang tela sa dulo. Maari kang mawalan ng malay sa loob ng isang linggo sa oras na tumusok ito sayo.



Jusko. Wala kami laban dito. Pinapalibutan na kami ng mga Brown Legends at nakatutok saamin ang kanilang dalang panlaban, at kapag natamaan kami nun, maari din kaming matulad ni Trixie na ngayon ay walang malay.



"Hayop yang babae na yan." Inis na sambit ni Ferris na namimilipit pa rin sa sakit dahil sa ginawa ni Trixie. Mas galit siya ngayon at mas lalong dumilim ang kanyang aura nang makita niya si Andrue na pilit makalayo dito at buhat-buhat pa ngayon si Trixie.



"Aba ang lalaking ito, nilalayo ang bride saakin." Aniya sabay kuyom ng kanyang kamao. Still, nakatutok pa rin sakanya ang baril ko at marunong akong gumamit nito dahil sinanay ako ni Dad at syempre tinuruan niya rin ako kung paano i defense ang sarili ko sa mga masama which nagamit ko naman.



Susubukan niya sanang habulin si Andrue pero biglang may nagsalita.



"Bakit mo tinatawag na Bride ang dapat saakin." Umalingawngaw sa simbahan ang isang mysteryosong boses. Ang baba ng kanyang boses at hindi talaga maabot ng mga babae. Hindi namin alam kung saan 'yon nanggaling.



"Ouy, may humahabol pang bisita
pero wala naman akong inaasahang ibang bisita." Natatawang sabi ni Ferris habang pumapalakpak pa. Baliw na siya, hindi na niya kilala ang sarili.



Natingin kami sa taas kung saan nandoon ang mga brown legends. Isa-isa silang napatumba hanggang sa wala ng natira. Natutumba na rin ang ibang brown legends na siyang nakabantay sa mga kaibigan ko. Naku, mga babae pa naman ang mga ito.



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 03, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Last Nerd StandingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon