Chapter Three: Young Masters ✔

5.5K 76 3
                                    

Marceline's POV

Ang lamig! Napayakap ako sa sarili ko nang humampas na naman sa bakat ko ang malamig na hangin galing sa aircon.

Maliban sa aircon, madaling araw pa lang yata at super lamig na. Anong oras na nga ba? Napatingin ako sa side table at nakitang alas kwatro pa lang ng umag. Ibinalot ko na lang mabuti sa katawan ko ang makapal kong kumot. Buong bahay kasi ay naka-aircon. Ayan tuloy, maninigas na yata ako sa lamig. Hanggang electric fan pa lang ang ganda ko at ngayon lang nakatulog sa may aircon.

Dahil mukhang hindi na ako makakatulog, tinignan ko muna ang cellphone ko. Mumurahin na nga lang ang phone ko, regalo pa ni Alexie! At speaking of the devil nga naman, ang dami pa lang missed calls galing sa kanya.

Nagchikahan muna kasi kami tungkol sa Young Master June at Young Master Apollo ko. At ang bruha! Dinaig pa ako sa excitement na naramdaman ko kanina. Nagtititili siya sa text, oo, kahit text iyon ay alam kong nagtititili siya. Paano ba naman kasi, caps lock siya magreply sa'kin.

"Ang lamig talaga..." sabi ko sa sarili ko at hindi na nakapagpigil na bumanggon. Pwede naman siguro akong magkape.

Natatawa pa ako at para akong tangang dahan dahan pa sa paggalaw. Magnanakaw lang peg. Syempre, sa kusina lang naman ang diretso kaya nakakatakot baka may magising ako nang di oras.

"Good morning."

"Ay kabayo!" Gulat kong sigaw. Ito na naman ang pasulpot sulpot moments!

"Kabayo? Mukha ba talaga akong kabayo sayo?" Natatawang sabi nito. Si Young Master Apollo na naman pala.

"Ah. Kayo po pala, Young Master. Sorry po, ganun po kasi talaga ako kapag nagugulat e. Hehe..." kamot-ulo ko pang sagot.

Grabe, ang sexy talaga ng isa sa mga hari ng mansion! Naka-sweater pa yan 'ha. Ang sexy kasi umupo sa sofa. Parang si Alexie kapag siya si Alexander! Nakita ko naman na kasi bakla na lalaki at kapag siya ay nandoon sa mode na 'yun... Manghihinayang ka talaga at babae din daw siya!

Nakakainis. Nakakamatay pa 'tong tingin niya! 'Yung totoo, bakit bigla namang uminit ngayon?

Napayuko ako. Nag-iinit yata ang mukha ko. Salamat na lang at hindi pa nakasindi ang mga ilaw dahil nakakahiya kung makikita niya akong ganito.

"Saan ka ba pupunta at ang aga mo namang bumangon? Six am pa ang oras ng trabaho," tanong nito at nilapitan ako.

Napalunok na naman ako at kahit hindi makatingin ng diretso sa kanya ay nagtaas na rin ako ng ulo. Patawarin po ako ni Maria Clara kasi ang hirap mag-isip na maladalagang Pilipina kung ganito ang kaharap mo. "Ah... e... Magkakape na po sana ako. Ang lamig po pala sa mansion niyo," utal utal ko pang sagot.

Tinawanan naman niya ako at hinubad ang sweater na suot. Lalong nanlaki ang mga mata ko nang sumalubong sa akin ang mga naglalakihang muscles ng mga braso niya. "Sabi kasi ni Mommy, maselan daw kami sa init kaya kailangang naka aircon ang buong bahay..." ibinalot niya sakin ang sweater niya na nagpablush sa'kin. Casanova ba talaga ang ganito, di ba badboy sila dapat? "... dapat masanay ka na."

Hindi ko namalayan, tumatango tango na lang ako at hindi man lang maialis ang tingin kay Young Master Apollo. Heto ba 'yung gayuma nila?

"Sige, magtimpla ka na ng kape mo at matutulog na ako. I haven't had my sleep so... Good morning again, Marceline," bulong nito at hinalikan ang pisngi ko.

Nagulat ako doon kaya naman hindi ako agad nakapagreact. Ang init lang labi niya... Natauhan lang ako ng makaalis na siya sa harap ko at umakyat nasa hagdan. Wahhhhhhhhhhhh!!! H-Hinalikan na naman niya ang pisngi ko!

Casanovas' Nanny (FIN / UNDER EDITING AND REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon