Pumasok ako sa loob ng bahay para hanapin si Hailey dala dala ang bulaklak at cake at ang aking pag ibig, bigla akong natigilan at parang di ako makagalaw sa aking kinatatayun, nakita ko siyang may kayakap na iba. Di ko malaman at di ko maihalintulad kung ano ang mas masakit ang maiwan sa harap ng altar o ung makita siya na may kasamang iba? Huli na nga ba ang lahat?
Hindi ko alam kung hahakbang pa ba ako palapit sa kanya o tatalikod nalang para di na niya makita pa ang mga lungkot sa aking mga mata dahil mula sa araw na to masasabi kong tapos na nga. Siguro nakamove on ka na, di na ako ang nasa loob ng puso mo na dati alam kong walang ibang laman kung di ako.
Bago pa man akong humakbang pabalik sa pintuan ay nakita na niya ako, oo nabigla siya at kitang kita ko ang alinlangan sa kanyang mukha, tila ba'y nagsasabing ang lahat nang nakita ko ay di totoo..
Tyron anjan ka pala.. lumapit siya sa'akin na lalong nagpabilis ng aking puso..
Hi Hailey sabay abot ng bulaklak at cake sa kanya, tumigin ako sa gawi niya at nakita ko ang mukha ng lalakeng kayakap niya, sa buong buhay ko ngayon ko lang naranasan ang salitang" insecure" ang gwapo niya kaya marahil nabihag niya ang kanyang puso..Hailey's POV
Nung nakita ko si Tyron habang yakap ko si Marco parang gusto kong itulak si Marco at tumakbo palapit kay Tyron ang magpaliwanag, sabihin ang totoo na walang kami. Pero nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata at alam kong di siya maniniwala, pagkatapos niyang maibigay ang mga dala niya ay tuluyan na siyang nagpaalam sakin, nanghinayang ako at gusto ko siyang pigilan sa pag alis, pero bakit ko nga ba yun gagawin may asawa siyang naghihintay sa kanyang pag uwi..Hailey I'm sorry ani Marco di ko naman alam na pupunta rin siya dito ngayon, sana di kita niyakap kanina.. it's okay Marco wala kang dapat na ihingi ng tawad, iwan mo na muna ako gusto kong mapagisa..
Umalis na si Marco at naiwan akong mag isa, ang bigat ng aking nadarama, bakit nya kaya ako pinuntahan? Bakit dinalhan niya ako ng mga bulaklak?
Kinuha ko ang laptop ko at hinanap ang Facebook niya, nagstalk ako hanggang sa nahanap ko ang kalahati ng sagot.. bakit walang married status sa profile niya? Bakit walang pictures nilang dalawa? Ano bang nangyare nung wala ako? May di ba ako alam tungkol sa kanya?
Nakalipas ang gabi na puno ng tanong ang aking isip at hiniling ko na lahat ng sagot ay mahanap sa aking panaginip, sana bukas makalawa wala na ang sakit sa loob ng pusong ito na kay tagal kong kinimkim..
Linggo ngayon at magsisimba kami ni Tyler, nagbihis na ako at si Tyler naman ay binihisan ni manang letty, after mass magmamall muna kami mamimili ako ng mga bagong gamit ng anak ko..
Pumunta kami sm north para mamili, kasama ko si manang letty para may katulong ako sa pag alaga kay Tyler. Pumunta kami sa bandang children section at doon naghanap ng mga damit ng anak ko.
Ang dami kong nabili para kay Tyler ung iba niya kasing mga gamit ay di na kasya sa kanya ang bilis niyang lumaki, nagbayad ako gamit ang card ko kahit kasi may account ako na galing kay Tyron para sa mga gamit namin ni Tyler, hindi ko yun ginagamit hanggat meron pa akong sariling pera..
Nung palabas na kami sa banda kung saan kami namili parang may nakita akong pamilyar sa aking panigin, guni guni ko lang ba o siya talaga ang nakita ko, si Cassey ay nandito rin at namimili, sinubukan kong lumapit para maging sure ako na siya nga ang nakita ko, habang papalapit kami ay tama nga ako si Cassey nga ang babaeng namimili ng mga gamit na pambata, tama nga ang hula ko, buntis na nga si Cassey kaya siguro ako pinuntahan ni Tyron para sabihin ang tungkol sa kalagayan niya, nalungkot ako bigla marahil mas okay pala na nakita niya akong may kasamang iba atleast di niya ako kaawaan at di niya iisiping kailangan ko pa siya..
Umalis na kami at napagdesisyunan ko ng umuwi sa labas ng mall nalang kami kakain may madadaanan naman kaming restaurant malapit sa bahay. Sa ngayon ang nais ko lang gawin ay ang umalis sa mall na to at baka makasalubong ko pa silang dalawa dito..
Cassey's POV
Habang naghahanap ako ng mga gamit sa mall para sa baby namin nakita kong si hailey na namimili rin, mejo malayo siya sa akin pero sapat na layo para makilala ko siya. Bumilis ang tibok ng puso ko lalapitan ko sana siya pero nakita kong nagmamadali siyang umalis,
Gusto ko sanang humingi ng sorry sa kanya at pakiusapan na alagaan niya si Tyron, kaya rin ako naging sure dati na wag ituloy ang kasal at sumama sa taong mahal ko ay dahil ramdam ko nung panahong palapit na ang kasal naming dalawa na may nagbago, hindi na buo ang pag ibig niya para sa akin, alam kong di niya lang maamin sa sarili niya na may puwang na si Hailey sa kanyang puso..Sana magtagpo muli ang aming landas para makahingi ako ng tawad dahil minsan di ako naging mabuti sa kanya, alam kong naging dahilan ako kung bakit siya nasaktan. Patawarin mo sana ako Hailey..someday when things are already in place, maybe we're both not ready for now kaya di tayo nakapagusap..at si Tyron naman, balang araw maiintindihan niya rin ang ginawa ko. Mapapatawad at magpapasalamat siya sa akin sa pagtalikod ko sa kasal namin..
Masaya na ako ngayon atleast may isang bagay akong nagawa sa buhay ko na di ko pinagsisihan, ang piliin ang taong mahal ko, kahit di niya mapantayan ang karangyaaan ng buhay na maibibigay ni Tyron sa akin, di na yun ang mahalaga dahil narealize ko na money can't buy happiness..(Writer's Corner)
Saludo ako kay Cassey dahil mas pinili niya ang taong mahal niya kaysa sa marangyang buhay..What if kayo ang nasa lugar ni Cassey ano ang pipiliin niyo?
BINABASA MO ANG
A perfect nightmare with him (COMPLETED)
RomanceHis family loves me but he hates me so much, paano kung malaman niyang buntis ako at siya ang ama? Paano kung ikakasal na siya sa iba? ..(Hailey Camille and Tyron story) Copying of any of the content of this story is punishable by law. © 2016 zemant...