(c) Sir Marco

40 1 0
                                    

Libangan na talaga ngayon ng lovers ang mag-break, kaya parang wala nang integrity ang mga salita sa relasyon eh--parang matatalas na kutsilyo na lang na nakangiting itinatarak sa puso, tapos huhugutin din sabay sabing, oh God, Im sorry, di ko sinasadya. It's as if hindi nag-iiwan ng pilat ang bawat sugat na nalilikha nito. Kaya naman in the process, wala nang natututunan ang puso (nagiging tanga)--sa kahabaan ng panahon, nawawala na ang malulusog na puwang para sa iba pang pagmamahal at pagkatao, dahil natatabunan na ito ng sandamakmak na pilat, na madalas, nagdurugo na lang ng walang anu-ano...lumilikha pa ng pilat ng pilat (keloid)--isang patay na laman na patuloy pa ring kumikirot na nagpapaalalang: "wala" na s'ya matagal na, hindi mo lang kayang "mawala" s'ya. Kaya siguro maraming nag-ce-celebrate ng monthsary, kasi, requirement na lang ng gurlis-gurlis at peklating puso ang anniversary para masabing nagtagal sila, kahit hindi na nila maramdaman ang isa't isa. Bakit? Marahil, overwhelming na ang kirot ng sarili, at wala na itong maramdaman sa iba.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 09, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Inspirational PostsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon