-PHAEDON-
Di ko alam kung sino ang lalapitan ko para sa special project na hinihingi sa'kin ni Tandang Armando. Wala naman kasi akong kilala sa campus na'to bukod kay Cerys, pero alam kong abala siyang tao. Bahala na...
Habang naglalakad kami ngayon sa kalsada sa kalagitnaan ng tanghali at sobrang init ng hangin, iniisip ko kung tama bang dalhin ko si Cerys sa sitwasyong 'to. Palagi ko kasi 'tong ginagawa, ewan ko lang sa kanya.
Syempre hindi, sino ba namang gago ang magdadala sa isang babaeng nasa dean's list sa katarantaduhan niya. Pero di ko rin alam kung bakit sumama sakin si Cerys.
Hindi ako madaldal at pareho kaming tahimik ngayon, napapalibutan ng ingay ng mga sasakyang dumadaan sa kalsada at ang traffic na walang katapusan. Tuwing may laban lang yata ni Pacquiao nawawalan ng sasakyan sa kalsadang to eh.
"Cerys... Sigurado ka ba talagang sasamahan mo ko dito?" Sabi ko, nag-aalala rin naman ako sa kanya, kasi baka mamaya pareho pa kaming mapahamak.
Inabala ko na nga siya dun sa special project ko kay Tandang Armando tapos sasabit pa siya dito.
"Wala na kong magagawa, nandito na ko eh. Pero grabe, ang init ah." Sabi niya na pawis na pawis na rin sa sobrang init.
"Sakay na lang tayo sa jeep? Ako nang bahala sa pamasahe mo. Uhmmm... Pero, sorry talaga Cerys ah." Sabi ko at tumingin na naman siya sakin.
Kanina ko pa napapansin yung napakaamo niyang mga mata. Para bang di siya marunong magalit. At di nga ako nagkamali kasi sa halip na sigawan niya ako ay ngumiti siya sakin pero umiiling siya.
Tahimik na naman kaming dalawa habang nag-aabang ng jeep. Ang cute niya habang naghihintay parang hinding hindi siya maabala at nakatingin lang siya sa kalsada.
Simula highschool gusto ko na si Cerys, pero magulo ang buhay ko nun. Saka masyado akong maloko dati. Pero sa huli, yun palang mga itinuturing kong kaibigan noon, wala na ring pakialam sakin ngayon. Sa simula pa lang, mag-isa na ako.
Pumara na ng jeep si Cerys at sumakay na kami. Inabot ko ang bayad sa driver. Pupunta kami sa isang park ngayon. Pero habang nasa biyahe, tahimik pa rin ako.
"Ayos ka lang ba Phaedon?" Tanong ni Cerys sa akin.
"Sa totoo lang... Hindi eh." Sabi ko pero di ako tumitingin sa kanya. Nagulat na lang ako nung hawakan niya yung kamay ko.
"Kung kailangan mo ng makikinig sayo, magkwento ka lang." Sabi niya na para bang sinisigurado niyang pwede akong magtiwala sa kanya.
Kakaiba... Hindi naman ako ganitong tao pero, pakiramdam ko nawala lahat ng bigat sa loob ko dahil dun sa sinabi ni Cerys.
Bumaba na kami dun sa park at kung nung una, ako ang sinusundan ni Cerys, ngayon naman, siya yung nauunang maglakad. Siguro marami lang talaga akong iniisip ngayon kaya mabagal akong maglakad.
"Uy Phaedon! Tara." Sabi ni Cerys na nakaupo ngayon sa swing.
Bakit kaya mabait siya sakin? Diba dapat galit siya sakin ngayon kasi sinasayang ko lang yung oras niya. Pero alam ko naman na mabait talaga siya kasi nung highschool kami lagi siyang tumutulong sa mga kaklase niya. Magkaiba kasi kami ng section dati.
Tama rin pala yung desisyon ko na hingan siya ng tulong para sa special project. Babawi talaga ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Differences And Coincidences
HumorNakakilala ka na ba ng isang tao na di mo naisip pero kapareho mo pala? Yung di mo inaasahan na magkatulad pala kayo ng mga trip sa buhay, kaya lang, sa harap ng ibang tao di mo aakalaing ganun pala siya, kasi sayo lang siya nagpapakatotoo. Magulo b...