For Eternity .... Yannie!

50 1 0
                                    

Prologue

Sa buhay ng isang tao,

kapag nakaraan na hindi na pwedeng balikan.

Kapag iniwan mo na, wala ka nang babalikan.

Totoong nasa huli ang pagsisisi.

Mahirap man at masakit,

kailangan nating tanggapin ang katotohanang....

Ang taong minsan mong minahal at iniwan

ay hindi mo na muling mababalikan.

~Kevin's POV

Ako si Kevin Mendez, 22 years old, mayaman, sikat, gwapo, matalino at isang rehistradong arkitekt. Minsan akong nagmahal, pero nasaktan ko siya. Pinagsisihan ko ang pangyayaring iyon. Binalikan ko siya pero huli na pala.

*FLASHBACK (2 years ago)*

Now playing: Miracles in December Version of Silvertear

I am searching for the one I can't see anymore

I am listening for the one I can't hear anymore

Sa loob ng isa't kalahating taon, naranasan kong magmahal at mahalin. Naging masaya ako, pero sinayang ko lang. Nagkamali akong iwan siya. Pinagsisihan ko talaga 'yon. Napagdesisyunan kong hanapin siya. Sinubukan kong pakinggan kung malakas ang tibok ng puso ko, nagbabakasakaling nandyan siya. Pero wala, hindi ko siya matagpuan.

I can see the things I couldn't see

Can hear the things I couldn't hear

You've given me this power eversince you left me right here.

Minsan akala ko siya yung nakikita ko. Minsan akala ko siya yung naririnig ko. Nababaliw na ata ako, saan ba kita makikita? Pinuntahan ko siya sa dati niyang tinutuluyan pero wala siya doon.

Before I was selfish and I didn't care about you

I didn't understand your heart, I was a fool

Right now, I'm trying to change who I am

And I know you're not by myside,

but it's because of your love that I'm trying to change

Patuloy ko siyang hinanap. Hanggang sa mawalan na ako ng pag-asa. Pero bago ko siya tuluyang kalimutan, magbabasakali muna ako. Huli na 'to, kapag hindi ko siya nakita dito susuko na ko. Umattend ako ng reunion namin nung high school, dito baka makita ko siya. Hindi ako nagkamali nakita ko siya pero iba na siya sa Yannie Kim na nakilala ko. Pero kahit na, nilapitan ko pa din siya. Hindi ko mapigilang umiyak at yakapin siya.

" K-Kevin? " sambit niya

"Yannie *sobs* patawarin mo ko. Mahal na mahal kita, please give me a second chance *sobs* magbabago na ako para sayo. Please yan-yan, papahalagahan kita. 'Di na kita *sobs* sasaktan." I almost kneel infront of her to ask her forgiveness. Pero bumitaw lang siya sa pagkakayakap sakin.

"Yannie, tara na gabi na. Kailangan mo ng magpa-------hinga." sabi ni Myun, nakakatandang kapatid niya. Ngayon lang ata ako napansin.

"Kevin,pare pasensya na kailangan na kasi naming umuwi." dagdag niya. Umalis na siya ng tuluyan at naiwan akong umiiyak.

It seems as if everything in my world somehow reminds me of you

Each snow flakes in the sky is like a teardrop that came from you

For Eternity .... Yannie!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon