Grade one ako noong naging close kami, Mahilig akong mag laro lalong lalo na sa mga bago kong kakilala, Marami akong kaibigan halos lalaki.Pag recess sa school nasusulyapan ko siya, tapos ngingiti siya sakin ng subrang saya kasama pati mata naka
Ngiti kasi sa subrang kyute niya.hindi ko siya kilala hanggang sulyap lang ang Alam ko na gawin sa kanya. Kilala siya ng marami maliban sakin ewan ko ba bakit ni pangalan iya Hindi ko Alam gusto ko mang tanongin Hindi ko ma gawa kasi nahihiya ako.
Recess ang paborito ng bawat estudyante ngunit sa lagay ko natatakot ako , oo takot ako. Hindi ako takot sa mga estudyanteng bully o estudyanting siga takot ako sa kanya, oo sa kanya kasi sa oras na nakikita ko siya lumalakas tibok ng puso ko para bang hinihingal ito yong tipo na ano mang oras katapusan ko na.
Ilang araw palang ng klase pero para sakin ilang buwan na ang dumating. Pero dahil sa araw na iyon nag bago ang buhay ko naka salubong ko siya ng hall way kami lang ang lumalakad noon dahil sa di pa gaano ang estudyanting dumadating.
Lakad hinto ang gawa ko noon dahil ayaw ko na nag sasabay kami nag lalakad ng hall way hanggang sa kusa siyang lumapit sakin" Hi arki !" Sabay ngiti.
Hindi ko Alam ang sasabihin ko noon"ahhh? Kilala moko ?"most epic reply sa lahat ng tanong " syempre naman ikaw pa " Hindi ko Alam ang dapat na magiging reaction ko noon " ahh , ehh ..." "Ehh , ooh ohh " dugtong iya napatawa ako ng wala sa oras corny siya para sa iba, sakin Hindi kasi sakin para siyang musika.
" ang kyute mong ngumiti," sabay kurot ng pisngi ko " pero mas kyute ka pag ngumingiti pag recess " nagulat ako sa dugtong iya " huh ?" Ang tanging nasagot ko lamang " Oo kaya ngumingiti ka nga rin sakin eh " akala ko Hindi niya napapasin mga siplap ko sa kanya. " laro tayo mamayang recess ah ?" Sabi niya, dahil sa di ko akalaing damdamin bigla biglang sumasabog na pa oo ako sa Subrang saya " ah oo ba! " sagot ko sa kanya .
Sa araw araw na ginawa ng dyos wala kaming pinalampas na laro maliban sabado at linggo. Araw araw niya akong hinihintay sa labas ng room ko magkatabi lang naman kasi ang room namin, kakain kami ng sabay kasama mga kaibigan ko tapos mag lalaro kami ng tagu-taguan o di kaya habolan.
Sa bawat kilos ko andyan siya pra alalayan ako pag nadadapa o natapilok siya ang unang tao na concern sakin kahit ako mismo sa sarili Kong katawan iniinda ko ang sakit .
Sakanya Hindi niya papalampasin sa baway iyak ko andyan siya pra mag patawa, sa bawat araw na naiinis ako andyan siya para sabihing " tumingin kah sakin andidto ang pogi wala sa baba!"/sabay ngitit.
Sa bawat salitang kanyang binibitiwan ako napapa ngiti . tinuruan niya ko Kong pano maging tunay na bata , Kong bakit determinado akong mag aral sa araw araw rason bakit gumigising ako bawat umaga, at daan bakit naging matutu ako sa buhay. Ang saya niyang kasama , masira man araw ko andyan siya para baguhin ito.
Linggo walang pasok, Subrang lnip ko sa bahay sapagkat wala akong magawa hanggang sa may biglang pumasok sa isip ko. " ma alis ako sandali, babalik ako ka agad " sigaw ko Kay mama.
Lumalakad ako ng my humintong bisikleta sa harap ko " oh arki san punta mo ?" Biglang sabi niya sabay ngiti ng malapad " ah wala bibisita sana kina Kate kaso umalis sila eh " sabi ko kahit sa totoo siya talaga pinunta ko.
Tinuruan niya Kong mag bisikleta mahirap sya parang kay hirap na dinadanas ko sakanya na Kong pano ko sasabahin ang salitang mahal kita Alam mo ba ? Hindi ko mawari Kong bakit sa murang edad naka ramdam ako ng ganto .
Tama nga naman ang sabi Nila walang pinipili ang pag ibig bata man o matanda , may kampansanan o wala dahil dumadating talaga ito ng kusa .
Lumipas ang araw at buwan lalong lumalalim ang damdamin ko sa kanya, damdamin na kasing lalim ng karagatan, kahit anong gawin ko Hindi ko alam Kong paano iiwasan. Sa maraming araw na nag Daan Hindi ko alam kong ang lahat ng ito saan ang kakahantongan.
BINABASA MO ANG
ANG UNA KONG PAG -IBIG
Short StoryHi po na sa nag babasa . sana magustohan mo po . ito po kasi ang unang libro ko. 😊 hindi po akong perpektong manunulat kaya open ako sa positive at negative na komento. Sana makarelate po kayo sa mga bawat estoryang ito. Kong pangit po para sa inyo...