Si Lilia ay isang mag-aaral ng senior high school sa isang pampublikong paaralan. Mula siya sa mahirap na pamilya. Ang kanyang mga magulang ay nagtatrabaho halos 24 oras para mabuhay siya at ang kanyang ate.
Si Jaime, isang kanditato sa pagka-pangulo ay bago sa mukha ng politika. Nais niyang makatulong sa mga pamilyang nahihirapan makakuha ng maayos na edukasyon para sa kanilang mga anak. Tulad ni Lilia, siya rin ay mula sa mahirap na pamilya, dahil sa nagsikap siyang mag-aral, naabot niya ang kanyang pangarap at ngayon ay nais niyang makatulong sa mga batang humaharap sa sitwasyon na tulad ng kanyang hinarap noong naghihirap pa siya.
Isang araw, 2 buwan bago magsimula ang pasukan at 3 linggo bago ang halalan, abala pa ang mga kandidato sa pangangampanya, si Lilia ay pumunta sa opisina ni Jaime. Pinapasok si Lilia ng sekretarya ni Jaime at agad naming inasikaso ni Jaime ang kanyang bisita nang nakita niya ito. Pinaupo ni Jaime si Lilia at sinimulan nila ang kanilang usapan:
Lilia: Magandang araw po Ginoong Jaime Black, ako po si Lilia Evans, isang mag-aaral na papasok ngayong taon sa grade 11.
Jaime: Magandang araw din saiyo Lilia, ano ang maililingkod ko saiyo?
Lilia: Mula po kasi ako sa mahirap na pamilya, nais kop o sanang malaman kung, ikaw po ang mananalo sa pagiging pangulo, ano po ang iyong plano patungkol sa edukasyon para sa mahihirap, lalo nap o ngayon na nadagdagan pa po ng dalwang taon ang aming edukasyon.