Chapter 26

2.2K 108 2
                                    

Jaicy's POV

Pula ang buong mukha at leeg ko nang makalabas kami ng k'warto. Alam kong alam ni Ryu na naiilang ako sa presensya n'ya pero mas lalo pa n'yang dinidikit ang sarili n'ya sa 'kin.

"B—Bitaw nga," nauutal na saad ko at mahinang hinampas ang kamay n'yang nakapulupot sa baywang ko. Hindi s'ya kumibo.

Pinagtitinginan na kami dahil sa itsura naming dalawa. Ayaw kong maging assuming pero para kasi kaming magnobyo sa posisyon namin ngayon. Hindi naman kasi kagaya sa probinsya ay mas tanggap na ng mga tao sa syudad ang ganitong relasyon. Wala naman sanang problema kaso hindi naman s'ya ang boyfriend ko kundi ang kapatid n'ya.

"Do I make you uncomfortable?" bulong n'ya sa tainga ko. Bahagyang tumaas ang balahibo sa balat ko nang dumapo ang mainit n'yang hininga sa akin.

"Oo kaya bitawan mo na 'ko. Baka kung ano pa'ng isipin ni Prince."

Pilit kong tinanggal ang malaking kamay n'ya sa 'kin at nagtagumpay naman ako.

Hindi ko talaga s'ya maintindihan. Parang kailan lang ay iwas na iwas s'ya sa 'kin. Tapos ngayon ay para s'yang tuko kung makadikit. Ang hirap n'ya talagang intindihin.

Napangiti ako nang makita ko na sa loob ng restaurant si Prince at 'yong lalaki kagabi. Nakatayo na silang dalawa at mukhang nagpapaalam na sa isa't isa.

"Thank you," nakatungong saad ni Prince. Gano'n din 'yong ginawa n'ong lalaki bago umalis.

Nagmamadali akong lumapit kay Prince. "Hello!" masayang bati ko. Awtomatikong lumiwanag ang mukha n'ya nang makita ako.

"Hello rin," nakangiting bati n'ya. Pansin ko na mababa ang energy n'ya ngayon dahil napapaligiran kami ng mga tao. 'Yong iba ay mukhang kilala pa s'ya at nakatingin sa gawi namin.

Kahit nakaupo na kami ay pansin ko pa rin na naiilang s'ya. Sino ba namang hindi? Maramdam mo pa nga lang na may isang taong nakatingin sa 'yo ay sobrang nakaiilang na, kalahati pa kaya ng customers sa isang restaurant?

"Oh you're here."

Napatingin ako sa likod ko nang marinig ko ang boses ni Ryu. Napairap na lang ako nang ngumisi s'ya sa 'kin. Kunwari pa ngayon lang ako nakita. Papansin talaga.

"Can I join?" nakangising asong sabi n'ya at basta na lang umupo sa katabing upuan ko kahit hindi pa sumasagot si Prince.

Mukhang wala naman s'yang problema sa pagiging epal ng kapatid n'ya. Ako lang naman kasi ang inaasar nito.

Inirapan ko s'ya nang mapatingin s'ya sa 'kin. Abala sa pagpili ng kakainin si Prince sa menu kaya 'di n'ya napapansin ang palihim na palitan namin ng tingin ni Ryu. Nanlaki ang mata ko nang umusod s'ya papalapit sa p'westo ko.

Sumulyap ako kay Prince bago sinipa ang paa n'ya sa ilalim ng lamesa. "Ano ba?!" mahinang bulong ko. Inosente s'yang tumingin sa 'kin at nagmaang-maangan. Naiinis ko s'yang inirapan at umusod palayo nang bigla n'yang hawakan ang kamay ko.

"Try and I'll tell him what happened on that island," mahinang banta n'ya na nagpatigil sa 'kin. Namimilog ang mga mata kong tiningnan s'ya sa mata.

Seryoso ba s'ya? Gagawin n'yang pang-blackmail sa 'kin 'yon? Aba't!

Napabalikwas ako nang biglang tinaas ni Prince ang tingin n'ya sa 'kin. "Do you like pancakes?" parang batang tanong n'ya. Napakislot ako nang sakupin ni Ryu ang kamay ko sa ilalim ng lamesa.

Dahan-dahan akong tumango sa boyfriend ko kahit na sobrang naiilang ako sa ginagawa ni Ryu.

B'wisit na kamay 'to. Putulin ko to eh.

Kinurot ko ang kamay n'ya sa ilalim ng table pero 'di man lang s'ya nasaktan. Napatingin ako sa mukha n'ya. Walang pagbabago. G'wapo pa rin. Ano ba'ng trip n'ya? Ginagawa n'ya ba 'to para tigilan ko na ang relasyon ko sa kapatid n'ya? 'Yan ba ang paraan n'ya?

Para s'yang nagseselos na bata.

Nagtaka si Prince kung bakit kaliwang kamay ang ginagamit ko sa pagkain pero nagdahilan na lang ako. Baka kasi totohanin ni Ryu ang sinabi n'ya.

Dumating ang order namin na hawak pa rin ni Ryu ang kanang kamay ko. Wala namang malay sa kaliwang bahagi ko si Prince. Hindi nagtagal ay dumating na rin sina Mama at Tito Otep. Huling dumating si Lei na mukhang antok na antok pa.

"Aga n'yo nagising, ah?" saad ni Tito sa'ming tatlo. Pilit akong tumawa. Unti-unti na kasing bumaba ang hawak ni Ryu sa hita ko. Manyak!

"Ano ba!" inis na bulong ko sa kanya. Hindi n'ya ko pinansin ay mas diniin pa ang paghawak sa hita ko.

Natapos ang almusal namin na puro si Mama at Tito Otep ang nagkukuwentuhan. Hindi ako binitawan ni Ryu kahit na muntik na kaming mahuli ni Lei dahil sa nahulog n'yang tinidor.

Si Prince naman ay bigla na lang tumahimik sa gabi ko. Naiilang siguro s'ya sa tingin ng mga tao sa kanya.

"Inaantok ka pa ba?" tanong ko sa kanya. Matamlay s'yang ngumiti sa 'kin at umiling. Bumaba ang tingin n'ya sa leeg ko. Tumaas ang kilay ko nang kumunot ang noo n'ya.

"Bakit may pula sa leeg mo?"

Pula? Kinapa ko ang leeg ko at nagtatakang tumingin sa kanya? Ano'ng pula?

Napatigil ako nang bigla kong maalala ang ginawang pagkagat at pagsipsip ni Ryu sa leeg ko kanina. Baka iyon ang resulta ng kalokohan n'ya. Namumula akong tumingin sa boyfriend kong puno ng pagtataka ang mukha.

"Ah! Baka kagat ng insekto. Medyo makati nga eh," pagsisinungaling ko. Sinundot pa n'ya ito bago tumango tango.

Sorry, Prince. Ang dami ko ng kasalanan sa 'yo. Ilang beses na akong nagsinungaling sa 'yo dahil lang sa outing na 'to. Kasalanan 'to ni Ryu.

Buong pwersa kong inagaw ang kamay ko sa kanya nang bahagyang lumambot na ang hawak n'ya sa 'kin. Seryoso s'yang tumingin sa 'kin pero inirapan ko lang s'ya. Alam kong hindi n'ya kayang sabihin 'yon sa harap ni Mama at Tito.

"Balik na po kami sa k'warto, " paalam ko sa kanila at hinila si Prince.

Mabilis ang bawat hakbang namin na tila nagmamadali kami.

Pagkasarang pagkasara ko pa lang ng pinto ay agad na akong sinunggaban ng halik ni Prince. Marahan lang ang galaw ng labi n'ya pero nakalalasing. Wala sa sarili kong pinulupot ang mga kamay ko sa leeg n'ya.

Kahit dito man lang ay makabawi ako sa lahat ng kasinungalingang sinabi ko sa kanya. 

Art Of The Devil (Devil Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon