Part 7: Nueva Escuela

14 2 0
                                    

Andito na ako sa harap ng gate ng School. Isa itong publikong paaralan. napakalaki rin ang eskwelahan na ito.

Kakarating lang namin mula sa Bahay.

"Ate di ka pa ba papasok?" Tiningnan ko naman si Mila.

Grade 3 na si Mila, grade 11 naman ako and yes dito rin siya nag-aaral. Sabay na kami pumasok, maaga naman kami umalis kaya nilakad nalang namin papuntang school medyo malapit lang naman eh. Kaya namang lakarin.

"Ate..." tawag ulit sa akin ni Mila. "Malapit na mag flag ceremony. Pasok na tayo." hinila niya na ako papasok.

Marami na ring mga estudyanteng nagsisidatingan. Humiwalay na sa akin si Mila dahil pumila na siya kasama ng kanyang mga kaklase. Nakakahiya pa nga eh, kasi si Mila pa ang naghatid sa akin sa pinipilahan ng grade 11.

Tahimik akong nakapila sa dulo. Maya-maya ay may dumating na isang babae. Pumila siya sa likuran ko. Sandali akong napalingon sa kanya. Nakayuko lang siya habang ang kanyang mukha ay natatakpan ng kanyang mahabang buhok kaya hindi ko masyadong nasilayan ang kanyang mukha.

"Let's all put our right hand ..... " narinig kong sabi ng estudyanteng nangunguna ng seremonya. Agad agad naman akong humarap dahil magsisimula na.

"...and sing the Philippine National Anthem"

x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x

Natapos din ang Flag Ceremony.

Andito na kami sa loob ng room namin hinihintay ang guro na unang magtuturo sa amin. Base sa schedule ko ay hanggang 2:30 lang kami ng hapon.

Gusto ko nang umuwi...

May kanya-kanyang agenda ang mga bago kong classmates, may nagkukwentuhan,tawanan yung iba naman may sari-sariling mundo. Wala man lang pumapansin sa akin. Di bale okay lang naman sa akin. Hindi rin naman ako mahilig makihalubilo sa iba.

Noong doon pa ako sa dati kong school ay iisa lang naman ang kaibigan ko. Si Mei at Andrea.Miss ko na sila.

Habang tinitingan ko sila ay napadpad naman ang tingin ko sa isa kong kaklase. Yung babaeng nasa likod ko kanina nung flag ceremony.

Nakaupo siya sa kabilang dulo ng room. Pareho pa kami ng row tulad niya ay nasa kabilang dulo rin ako nakaupo. Ganun pa rin ang istura niya; nakayuko pa rin siya, tapos ang kanyang buhok ay nakalugay lang dahilan ng pagkakatakip sa kanyang mukha.

May problema kaya siya? Haay Lisa ba't ka ba nangengealam.? Saway ko sa aking sarili.

Sa di malamang dahilan ay nanatili pa rin akong nakatitig sa kanya. Hindi ko alam kung bakit parang napapako ang mga mata ko sakanya. Maya't maya ay... bigla siyang tumingin sa akin.

Nakatitig lang siya sa akin at ganun din ako sa kanya.

Ang bilis ng takbo ng puso ko, as in nagpapalpitate ako sa kaba.

Imbis na umiwas ako ng tingin ay patuloy pa rin akong nakatingin sa kanya. Para kaming nag-staring contest na ayaw naming magpatalo.

Patuloy pa rin siyang nakatitig sa akin.  Nanayo lahat ng aking balahibo nang ngumiti siya sa akin.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
La Ciudad Perdida | The Lost CityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon