Chapter 41
***************Shin Joshua Fuentabilles' P.O.V.
Nagulat kaming dalawa sa sinabi ni Kim. At bakit ba niya sinasabi na may kinalaman si Casey dito?
Sinundan ko na lang silang dalawa papunta sa school grounds.
Pagkababa namin, makikita mo talaga yung mga estudyante na nagkukumpulan sa isang malaking bulletin board.
"Si Casey? Yung nerd? Oh my gosh! I don't believe this. Impossible."
"Anong nangyari? Ano 'to? Nananaginip lang ata ako."
"This is hell!"
"Her? No way!"
Ilan lang yan sa mga usap-usapan doon. What's with it?
Tinulak ko pagilid ang mga estudyante na nakaharang. Napasulyap ako kay Casey na umiiling.
OXFORD STUDENTS, I JUST WANT YOU TO KNOW, THAT FROM NOW ON, I AM OFFICIALLY COURTING MS. CASEY ANDREA SALVADOR.
"Sh*t! Sino namang naglagay diyan?"
"Well kuya, it's Hans Linus Gonzaga. Ang isa lang naman sa may-ari ng Oxford Academy at pinakahot! Ay kuya! Kung alam mo lang kung gaano siya kainit. Hotdog! Tapos liligawan niya lang yung Casey na yun. Nakakainis! Pero Kuya, tingnan mo yung picture niya. Heaven! Para na akong yelo. Kaya yang mainit na yan, tutunawin ko yan ng pagmamahal." Nagaksyon pa siya sa harap ko. Tss!
"Kuya? Kuya?" Iniwan ko na lang kasi siya doong magisa magsalita. Kung anu-ano na kasi ang pinagsasabi niya. Nagtanong lang naman ako kung sino yung gumawa nun.
Pero takte naman! Sino ba yang Hans na yan? Magkakaribal pa ako. Teka lang ha... Gonzaga? Kapatid ba siya ni Andrei?
Nilapitan ko sina Casey at Kim sa gilid. "Kapatid ba siya ni Andrei?"
"Hindi ko alam. I have no idea. Paano?" Sabi ni Casey.
"Alam mo rin bang pinapadalhan rin siya ng mga tsokalate at bulaklak nung lalaking yun?" -Kim.
"Binubunyag niya na. Ano 'to? Bakit di siya nagpapakita?"
"Staying secret?" -Kim
"Look who's here. The topic of the year." napalingon tuloy kami sa likod. "Nakakapagtaka naman na yung pinsan ko pa ang magkakagusto sayo. Pero wala na akong paki. Kasi hindi mo na maaagaw sa akin ang boyfriend ko." Ito na naman yung babaeng maarte na laging putak ng putak.
"Hoy ikaw! Manggugulo ka naman ba? Di ba sabi ko umalis ka na?"
"Oh! The Light and Shining Armor. How sweet! Okay. Madali lang naman akong kausapin. Just let me leave her a little message. Enjoy while you can."
"Ano bang ibig niyang sabihin dun?"
"Wag mo na siyang pansinin Casey. Don't mind her. Makakarma din ang mga katulad niya. Wala siyang kwenta pagaksayahan ng oras."
"He's right! And back to that Hans. May itsura nga siya. You two look perfect together. Sigurado akong mabait siya kasi kapatid siya ni Andrei. At di mo ba ma-gets? Casey, this it!"
"Anong 'this is it' Kim? Hindi niya sasagutin yan. Tsaka Casey, di mo pa nga yan nakikita at di ka pa niya nakikita. Kaya wag ka agad magtitiwala sa kahit sino."
"Pero ang gwapo niya Shin. At para naman 'to kay Casey para makalimutan niya na si K----" tinakpan naman ni Casey ang bibig ni Kim. Bakit?
"Sino? Sinong K? Si Kevin? Ibig sabihin, mahal mo si Kevin?" Tanong ko. I hope not.
BINABASA MO ANG
My Cryptic Secret Admirer (COMPLETED)
HumorKwento ito ni Casey Andrea Salvador. After her break-up with her boyfriend, mapupunta siya sa Oxford Academy. Marami siyang makikilalang mga totoong kaibigan at makikilala niya din ang mga lalaki na magbabago ng buhay niya. She meets a bad boy, a s...