Gustong Gusto (Nakakainis)

40 0 0
                                    

AN: Pagpasensyahan niyo na po. Wala lang magawa.

Nandito ako ngayon sa room namin gumagawa kami ni jenny (friend ko) ng biodata para sa js prom maglalakad kasi kami sa gitna ewan ba ba't ako napasama dun.

"Ui ano kayang ambition ko? Tanong ko kay jenny

"Dapt maganda kasi ang mga ilalagay nung iba architect mga ganun ba". Sabi ni jenny

" ay gusto ko I.T. Ano pa bang ibang term dun?"sabi ko habang hinahanap ng mata ko si bryle siya kasi may alam.

Sumabat naman itong si jake (nutella ang tawag namin dito ng mga kaibigan ko crush kc namin)

I.T.? " Isang Tanga" sabi ni jake

Tumawa naman si jenny saka si jessica ako naman loading pa tas nung narealize ko sinabi niya tumawa din ako.

Pinalo ko siya sa braso. 

"Baliw ka jake , ang waso mo" sabi ko sa kanya

"Hahahaha ay Isang Tanga nga di ba"- sabi ni jake

Ang cute cute niya talaga pag tumatawa kamukha ni Cody Simpson :) sabi ko sa sarili ko. Tinawag ko naman si bryle

"Bryle, ano pa bang ibang tawag sa I.T.? Sabi ko.

" Pwede na ang computer programmer" sabi niya

Yun naman ang nilagay ko

       "Hayst. Anong motto ko? Pde na kaya yung "Don't do something that you will regret someday" sabi ko kila jessica at jenny

Sumabat naman si pau

      Dapat ang motto mo "I'm not fat I just full of air" sabi niya na tumatawa pa.  

Natawa naman sila jessica, ako namam naiinis na ang kulit kasi kanina pa toh. Paulit ulit pa. Lagi niya akong pinagtritripan simula pa nung freshmen pa lang kami.

"Ano ba pau ang gulo mo" sabi ko na naiinis na

"Oh bat ka nagagalit? Joke lang naman yun " sabi ni jake

      "Ewan ko sayo" sabi ko.

Lumipat naman ako ng upo din malapit sa bestfriend. Narinig ko naman si jenny

"Halaka nagalit,kulit mo kasi" sabi ni jenny

Nakita ko na lang na lumabas si jake na parang galit na malungkot ewan basta ganun. Anyare dun siya pa yung nagalit. Tuwing iniinis niya ako tapos ininis ko din siya, siya pa yung nagagalit.

          "Attention to all  fourth year La Cumbia dancer please proceed now at the social hall" narinig ko naman na nag announce yung teacher namin.

"Hay practice nanaman" - 4-1 sabi ko

Tumugtog na, so nag simula na kami mag sayaw. Nasa unahan kasi ang babae ng lalaki. Pag harap ko laking gulat ko na si Pau partner ko at hindi si Bryle wala na akong nagawa.

             Uy galit ka ba? "Sorry na Bea" sabi sa akin ni Jake

Hindi naman ako umiimik sayaw parin ako ng sayaw pero kinikilig ako.

              "Uy sorry sorry. Sabi niya

               Bakit mo ba kasi ako laging iniinis? "4th year na tayo para ka paring bata lagi mo pa rin akong kinukulit" -  Sabi ko.

                "Eh totoo naman" sabi niya

                 "Tse. Kala ko ba nagsosorry ka"  sabi ko ng naiinis

Ngumit naman siya.  

                  "Ang cute mo kasi pag naiinis ka, tapos lalo kang gumaganda pag lalong tumataas kilay mo ----------- sabi niya

                   "Ewan sayo nagjojoke ka nanaman " sabi ko

                    "Hin-- sabi niya

Hindi niya naituloy yung sasabihin niya nung magkadena na kami.

Malapit na ako kay jake hindi ko alam ba't ganun siya. Narating na muli ng isa't isa ang mga partner nila. Pagkadating ko kay Jake umalis agad ako at iniwasan niya

Hinabol naman niya ako

"Bea!!! Bea!!! " sigaw ni Jake

Pumunta na ako sa mga kaibigan ko. Hinawakan niya ang kamay ko at pinaharap sa kanya, nagulat naman yung mga kaibigan ko.

    "Bea hindi pa ako tapos. Hindi ako nagjojoke seryoso ako, gustong gusto kitang kinukulit,gustong gusto ko na niloloko kita kay marvin para mainis ka kahit nasasaktan ako, gustong gusto kong laging ikaw yung nagtuturo sa akin kung anong assignment pag wala ako, gustong gusto kong ikaw ang nagpapagaya sa akin pag may quiz tapos lolokohin kitang nataasan kita, gustong gusto ko yung pagiging concern mo sa akin pag napapagalitan ako kasi araw araw akong late, gustong gusto ko ikaw yung kapartner ko sa js kaya kinukulit kita kung sino gusto mong partner, at higit sa lahat Bea gustong gustong gustong gusto kita. Mahal kita Bea pde ba manligaw" Kaya naniniwala ako sa love at first sight kasi first year pa lang. Ninakaw mo na ang puso ko. sabi ni Jake

"Pwede" Sabi ko. Yun lang lumabas sa bibig ko.

Niyakap niya ako, nagulat naman ang lahat at nagsigawan. Nakakahiya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 29, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Gustong Gusto (Nakakainis)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon