[29] Ethan's Fiancee

3.4K 48 1
                                    

Ivan's POV

Hindi na ako nakasabay kumain sa kanila dahil biglang uminit yung ulo ko. Ayoko namang silang idamay sa nararamdaman kong frustrations kaya pinasabay ko na lang si Jaz kila Bench. Masyado akong nainis sa pagkakita ko kay Elaine dito. Hindi ba nya ako titigilan?!

Pumasok na ako ulit sa loob ng school at tumambay sa roof sa taas ng Admin Building. Gusto kong mapagisa dahil ayokong may madamay sa init ng ulo ko.

Pero hindi ko aasahan ang naabutan ko. Nandito si Elaine. So dito pala sya pumunta noong ipinagtabuyan ko sya? Aalis na dapat ako nang tawagin nya ako. PSH!

"Ivan. You're here!" Masiglang sabi nya na ikinainis ko. Ayoko talagang nakikita ang pagmumukha ng babaeng to.

"Eh ano naman ngayon sayo? Akala ko kasi makakapagisa ako, nagkamali pala ako." Papalabas na dapat ako ulit nang,

"Ivan.. Wait" Hindi ba nya ako tatantanan?!

"ANO NA NAMAN?!"

"I just want to talk to you.." Talk? Ano na namang ang kasinungalingan ang sasabihin nya?!

"Wala na tayong dapat pagusapan pa. Bakit kasi bumalik ka pa?!" Hindi ko inaasahan na bigla na lang tumulo ang luha nya.

"I-Ivan.. Im really really so-sorry. Hindi ko sinasadya na hindi ko sabihin sayo kung anong meron saamin ni Bench. Nagsisisi ako sa mga ginawa ko sa inyo."

Hindi ko sya inimik. Ayoko nang makarinig ng kung ano anong paliwanag nya. Maayos na kami ni Bench ngayon at ayoko na ulit magulo ang kung anong meron samin ngayon.

"Tama pala talaga ang kasabihan na "nasa huli ang pagsisisi" dahil sobrang nagsisisi talaga ako sa ginawa ko sayo, sa inyo."

"Alam mo naman pala na nasa huli ang pagsisisi eh. Edi sana hindi mo na ginawa." Malamig na sabi ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit ako nakikinig sa mga pinagsasasabi nya na wala namang kwenta.

"Ivan.. Please! Let's start again"

"No! Tigilan mo na ako." Start? Hindi ako tanga para balikan ang taong nangiwan at nangloko sakin.

"I wont! Bumalik ka na saakin please!"

"ANO BANG GUSTO MO PARA TIGILAN MO NA AKO!" Naiinis ako sa inaakto nya ngayon. Ang kapal ng mukha nyang bumalik sakin.

"Hahahaha.. Ikaw lang naman ang gusto ko." Baliw na sya! Hindi dapat sya nandito.

"Tigilan mo na ako. Please lang!" Umalis na ako ng tuluyan sa harap nya. Mas lalong naginit ang ulo ko sa ginawa nya. Baliw na sya!

Hindi na ako pumasok sa iba kong subject dahil hindi din naman ako makakapag concentrate. Pumunta na lang ako sa mall para magpalamig.

Habang naglalakad ako, pinagtitinginan ako ng mga tao dito. Mostly mga high school students. Ayoko talaga sa ganyang babae.

"Sya si Ivan Ramirez diba?"
"Oo kyaaaa! Ang hot nya kapag nakauniform!"
"Waaaa! Kaso mukhang masungit eh."
"Gusto ko sanang magpapicture, baka isnobin lang ako"

Nakakainis. Hindi ako makapag isip ng ayos dito dahil sa bulungan nila.

"Ang pogi nya no?"
"May girlfriend na kaya sya?"
"Siguro. Pero sana wala. Hahahaha taga AU yan"
"ay sasabihin ko sa mommy ko dun ako mag aaral ng college hahaha"

"Pwede ba! Tigilan nyong pagbulungan ang boyfriend ko!"

Anong scene na naman ang ginagawa nitong si Elaine! Pati ba naman dito sinundan nya ako! Pagkatapos nyang sumigaw humawak naman sya sa braso ko! Hinigit nya ako palalayo dun sa mga babaeng nagbubulungan na rinig ko naman.

My Contract Basketball Player Boyfriend (Arcadia Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon