Dalawa.

29 0 0
                                    

-AFTER ONE WEEK-

<RENA'S POV>

"Hoooy Josef! Intayin mo akong kapre ka!" Sigaw ko kay Josef na mala kapre ang laki. Hay napatingin nman sa akin ang mga tao. Medyo sanay na ako sa titig ng iba pero minsan talaga naiilang pa ako. Kasi nga kung naaalala ninyo close kami ng anak ng may ari plus heartthrob din sya dito sa school. Oh diba ang bongga ko lang.

"BO!"

"WAAAAAH!"  shet ginulat ako ng Josef nato. "Bat ang lalim ng iniisip mo? Pinagnanasahan mo ako ano? HAHAHAHA" Peste lakas trip tlga ng lalaking to oh, kadiri. 

"Hoy! Kapal ng mukha mo noh, di ka na nahiya!" ganti ko nman sa kanya "Kinakausap ko lang mga readers natin at ng hindi sila masyadong ma bore." 

"Asus nahiya ka pa.Palusot mo lang yan eh, aminin mo na kasi crush mo ako noh? ayeee ayee" Sinusundot sundot pa ako ng ogags na to.

"Hoy Josef Rocha mahiya ka nman ng kaunti sa bilbil ko! Hindi kita crush noh! Kapal tlga nito."

"Alam kong nahihiya ka lang kaya sge hahayaan na muna kita."

Buti alam nyang nakakahiya yun haha. Ang dami kayang tao. Kahiya hiya yun nuh tapos lagi pa kaming magkasama. Natsitsimax na yong beauty ko!

Tapos alam nyo yun, ako na n

ga yung commoner dito, naaapi pa akong tunay dahil sa closeness ko kay Josef, lumayo kaya ako sa kanya ng guminhawa nman yong buhay estudyante ko dito? Ay mali mali, hindi pwd yon, wala ng maglilibre sa akin ng pagkain.

Mas mahirap na walang pagkain kesa sa maraming fans.. este haters na nakasunod sa akin. Kaya pagtitiisan ko nlang yong pagmumukha non. Pwede na rin yon, maraming maiinggit sa beauty ko!

MWAHAHHAHAHAHAHAHHA.

 -----

"Hoy Ren, hatid na kita pauwi, tara?" biglang sulpot nman ni Josef pagkarating ko sa gate.

"GULAY! Hinay2 nman 'Sef aatakihin ako sa puso dahil sayo eh tsk." reklamo ko.

"Asus di ka pa nasanay sa mukha kong napakagwapo? ahem ahem" mayabang na sabi nman nito.

"HOY! Kapal mo tlga. Pasalamat ka't kaibigan kita at nililibre mo ako lagi kung hindi supalpal lage yang "kagwapuhan" mo kuno" Inemphasize ko pa sa kamay ko yung quotation mark para intense hahaha.

"Ouch grabe ka tlga Ren huhuhu" Drama nman nito tsaka pinagbuksan ako ng pinto ng kotse nya. Ay bongga tlga tong kapreng to. Yaman na, mabait gentleman, matalino at higit sa lahat CLOSE KAMI! Swerte ko tlaga kahit parang sya lang ata yung lagi kong nakakausap ng maayos dito sa school.

--

Pagkarating namin sa bahay sinalubong naman ako agad ni mama. 

"Salamat Josef iho sa paghahatid ng anak ko ulit ha, nakoo napakabait mo talagang bata ka, pasok ka muna tsaka kumain." alok agad ni mama kay Josef.

"Nako tita okay lang po yun kaibigan ko naman po si Rena eh tsaka salamat na din po pero medyo may gagawin pa po kasi ako next time nalang po, salamat ulit bye po!" 

"Oh sige iho, ingat ka sa daan ha, salamat din" paalam ni mama 

"Bye Rena, see you tomorrow"

"Naku anak hindi ba nanliligaw yang si Josef sayo? Botong boto talaga ako dun sa batang yun, napakabait at napakagalang!" tukso naman ni mama sa akin pagka alis ni Josef.

"Nako ma ha, hindi muna ako makikiuso jan sa love love na iyan, friends lang kami tsaka mag-aaral muna ako para yumaman na tayo hihihi.

"Oh sige anak, basta alagaan mo ang sarili mo ha." 

"Opo ma" 

Love story in school.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon