Debut

12 1 0
                                    

Maliwanag, maingay, masaya

Masarap na pagkain, nagkakatuwaang mga bisita, basta nag uumapaw na ligaya

Hindi ba kumpleto na talaga?

Isang araw na wala ka nang mahihiling pa


Mga kamag -anak mula sa malayong lugar

Mga kaibigan mo noong elementarya, hayskul, at kolehiyo

Mga taong parte ng buhay mo na bihira mo lang makita

Lahat kayo ay nagsama-sama


Ito na nga ba ang pinakamasayang araw ng buhay mo?

Yung tipo ng pagdiriwang na walang tatalo?

Yung araw na kakabahan, iiyak, at tatawa ka sa loob ng isang minuto?

Yung panahong para kang naka lutang sa alapaap


Akala ko ganito ang nararamdaman ng lahat

Akala ko lang pala

Sa isang masayang okasyon, habang nagsasayaw ang debutante at 18th rose, bigla kitang naalala

Pucha daddy, miss na miss nanaman kita

DebutTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon