Sa pinaka hindi inaasahang panahon
Lalabas ang mga dragon
Lahat sila ay maghahamon
Hanggang maramdaman mong ika'y patapon
Lahat ng mga pagkakamali
Lahat ng mga nawalang ngiti
Lahat ng mga luha at pighati
Lahat ay dahil sa hindi tamang desisyon na pinili
Maaari mo pa bang mabawi?
Ang lungkot ay iyo pa bang mapapawi?
Kailan titigil ang mga hikbi?
Kailan magkakaroon ng ngiti sa iyong mga labi?
Kailangan palagi kang handa
Kahit anong oras ay darating sila
Ang mga dragon na bumibisita
Isang katutak palang mga demonyong may dalang mga problema