Invisible (One Shot Story)

19 1 0
                                    

It was one summer when i was merely seven years old nung una ko sya nakita at nakilala. We're both from the city at pareho kaming bakasyonista sa lugar na yon. Sya sa mga relatives nya, ako naman sa sister ko. Simula noon, palagi na kaming naglalaro.

Kaya naman simula noon, palagi na akong excited dumating ang christmas at summer vacation kasi makikita at makakalaro ko na ulit sya araw-araw. Tumatambay kami sa ilalim ng punong mangga habang pinapanood ang iba namin kalaro na naghahabulan sa puno. At tuwing buwan ng Mayo, magkakasama kaming pumupunta ng chapel para sa Flores.

Masaya.

Makulit kasi sya.

Minsan habang seryoso ako sa pakikinig sa nagdarasal, bigla syang uupo sa tabi ko para mangulit. At dahil nga sa nasa Flores kami, hindi ko sya pinapansin. Pero di nya ako tinitigilan. At dahil nga makulit sya, gagawin nya ang lahat para pansinin ko sya. Nariyan yung sasabihin nya na "ngiti naman dyan!" at sa di ko maipaliwanag na dahilan, titingin pa lang ako sa kanya, napapangiti na ako.

Hanggang sa dumating ang punto na tinutukso na kami sa isa't isa. Pero dahil mga bata pa kami, wala lang sa amin ang panunukso nila.

Mabilis lumipas ang panahon! Grade 5 na ako at Grade 6 sya. At non ko lang narealize na Crush ko pala sya! Palagi pa rin kaming tinutukso sa isa't isa. Buti na lang at walang nagbabago sa relasyon namin bilang magkaibigan. At dahil nga nagbibinata na sya at nagdadalaga na ako, mas lumawak na ang circle of friends namin. At nung minsan na malapit na ang pasukan, sinulatan ko sya. Sinabi ko sa kanya ang nararamdaman ko. Ipinabigay ko ang sulat sa isa sa mga kalaro namin. At nagulat ako nang may bumalik na kapirasong papel na may na kasulat na:

"143 nikki"

Sobrang saya ko noon. Tinago ko pa ang kapirasong papel na pinagsulatan nya. Pero sadya yatang mapaglaro ang tadhana. Kasabay ng pagkawala ng papel na pinagsulatan nya ang unti-unting pagbabago ng friendly relationship naming dalawa. Di na kami naglalaro. Di na kami masyadong tumatambay. Nagkakahiyaan at nagkakailangan na kaming dalawa. Hanggang sa lumipas pa ang isang taon at high school na rin ako. Doon na nagsimula ang malaking pagbabago na gumimbal sa puso ko. Dahil ang kalaro at kaibigan ko noon, dinadaan-daanan na lang ako. Parang di nya ako nakikita. Parang di ako nag-eexist. Para na akong isang hangin. Hindi ko alam kung anong nangyari. Pero umasa pa rin ako na isang araw ay muli nya akong papansinin. Pero lumipas ang dalawang summer vacation na hindi nya pa rin ako pinapansin. Oo at tuwing may sayawan sa fiesta at tapusan ng flores ay isinasayaw nya ako pero hanggang don na lang yon. Dahil kapag natapos na ang sayaw, balik na naman kami sa dati. Walang pansinan. Nakakatawa nga eh. Di ko alam kung bukal ba sa loob nya na isayaw ako o dahil lang sa tinutudyo sya para isayaw ako.

At noon ko lang narealize na MASAKIT pala. Masakit pala kasi di na lang simpleng CRUSH ang meron ako sa kanya, MAHAL ko na pala sya. At lintik naman kasi si DESTINY. Grabeng magpaasa. Kasi ba naman ang tawag sa akin ng papa nya ay Manugang. Syempre masaya ako kasi approve ako sa papa nya. Pero masakit din pala kasi sya, di nya ako approve.

Hanggang sa wala na nga kaming communication at nabalitaan ko na lang na may girlfriend na pala sya. Masakit! Sobrang sakit! Umasa kasi ako. Umasa ako sa kapirasong papel na ipinaabot nya sa akin. Leche talaga.

Until one day, pinapansin na ulit nya ako. Mas naging malapit pa nga kami sa isa't isa. AT nung nag-college na rin ako, meron na din nanligaw sa akin. Aaminin ko, nagkagusto na rin ako sa suitor ko. Di naman kasi sya mahirap gustuhin. Mabait Kasi sya! Sinusundo nya ako sa school at hinahatid sa sakayan pauwi pagkatapos namin mag-snack. At tuwing dadalaw ako sa sister ko at nagkakataon na nandoon din Bry, aba ang loko at updated sa mga nangyayari sa amin ng suitor ko. At inaalaska nya ako ng dahil don. Alam nya kung san kami nag-date. Alam nya kung san ako hinatid ng suitor ko. Kung paano nya nalaman, yung ang hindi ko alam. At nang dumating ang summer, as usual, balik bakasyunan na ulit ako. Umaasa na palagi ko syang makakasama. At thanks God kasi lagi na nga kami nagkakasama. Kasi don sya tumatambay sa house ng sister ko. Minsan pa nga na sumakit ang likod nya, nagpalagay sya sa aking Stop Pain sa likod nya. Syempre kinikilig ako! Hehe!

Invisible (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon