the start and the end

14 2 1
                                    

Isang araw..!! sapat na ba ang isang araw para matutunan kitang mahalin, sapat na ba yun para malaman kong mahal kita..

Sapat na ba ang bawat araw na lumilipas para lalo akong mahulog sayo,?? Sapat na ba yung mga oras na lagi nang ikaw ang hanap ng mata ko??

Sapat na ba ang isang buong araw para makasama kita ?? Sapat na ba yun para makapiling kita ?? Sapat na ba??

Naiinis ako sa mga panahong iniisip ko yung dahilan kung bakit ako nahulog sayo.. ano bang meron sayo?.. hindi ko mawari ..basta isang araw nagumpisa ang lahat... at isang araw nagtapos din ang lahat..

Unang araw ng klase.. lahat may kanya kanyang ginagawa.. ngunit isang lalaki ang naka agaw ng aking atensyon.. sa isang lalaki na nakikinig ng musiko at may tapal ang tainga... 

Hindi ko mawari kung anong mayroon sa iyo bakit ang mata ko'y di na maalis sa direksyon mo !!.. tila napako na nang kusa ang leeg ko..

Lumilipas ang oras na pasulyap sulyap ako sayo...

Hanggang isang araw hindi ako mapakali na hindi kita makita hinahanap hanap kita.. andaming katanungan sa isip ko.. kung okay ka lang ba ?? Baka may nangyari ng masama sayo?? Papasok ka pa ba??..

Para na kong nababaliw!! Ngunit nakita kita na naglalakad papunta sa iyong upuan .. para akong nabuhayan ng loob.. simula ng araw na yun ay nalaman kong may pagtingin na nga ako sayo...

Kay bilis lamang no?? Hindi ko rin alam kung gaano ako kabilis na hulog sayo... hulog na hulog na ko sayo at hindi ko alam kung kailan ako makakaahon sa sitwasyon kong ito..

Nakalipas na ang mga araw.. linggo.. at mga buwan.. masaya ako na walang nakakaalam ng pagtingin ko sayo .. ni ikaw ay di mo rin alam ... ngunit naiinis ako sa sarili ko...

Paano ko nakakaya ang mga sakit na nadudulot mo?? Paano ko natatagalang tumingin sainyong dalawa na masaya sa isa't isa... oo natatagalan kong tumingin ngunit yung puso ko matagal na ring sumuko sa sakit na dulot nyo...

Isang taon.. isang taon kong tiniis lahat ng sakit.. isang taon kong tinago ang pagtingin ko sayo.. isang taon akong palihim na  nagmamahal sayo... sobra sobra na ang isang taon.. gusto ko ng tumigil ngunit hindi ko magawa..

Dahil hanggang ngayon ay ikaw parin ang laman nito.. nakakatuwa na lahat ng iyak..  tawa.. at galit na pinakita mo ay nasaksihan ko lahat.. mga pag iyak na inalay mo sakanya..

Pagmamakaawa na wag ka nyang iwan pero!!. Ano?? Nagiisa ka ngayon?? Kung ako na lang sana.. hindi ka masasaktan.. kung ako na lang sana hindi ka iiyak.. pero hindi ako.. hindi ako ang mahal mo...

Kaya isang araw nagpasya akong umamin sayo... at di ko inaasahan ang naging reaksyon mo.. bigla mo akong niyakap na para bang matagal mo nang kailangan iyon..

Tila uhaw ka na sa yakap.. kaya hinayaan kitang yakapin ako.. napakahigpit ng yakap mo.. at aaminin ko ayaw ko ng umalis sa mga bisig mo.. nagpasya ka ng humiwalay at doon ay nakahinga na din ako..

Tinanong mo ako kung kailan pa kita mahal.. at sinabi ko ang totoo bigla nalang may tumulo na luha sa mata mo .. at ganon na din ang nagawa ko.. hindi ko alam kung bakit ka naiyak pero gusto ko umiyak din ako..

Hindi ka makapaniwala sa sinabi ko sayo.. pero ayun ang totoo.. humihingi ka ng tawad.. at isang napakaraming tanong ang naguunahan sa isip ko non..

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 09, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Start And The EndWhere stories live. Discover now