PAANO DAW KILIGIN ANG LALAKI?

657 13 3
                                    

Una sa lahat, kinikilig rin kaming mga lalaki pero hindi kami yung showy type ng tao para ipakita

laging kinikilig kami.

Isa lang naman ang common sa aming lalaki pag dating sa bagay na to. KINIKILIG KAMI. Yun lang.

Pero iba-iba kasi yung ways kung paano kami kiligin. Yung iba sa amin, yung tipong pangiti-ngiti

lang. Yung sa loob-loob niya ay tuwang tuwa na. Sasabog na sa kilig. Ayaw lang ipakita ng iba dahil

iniingatan siguro nila yung pagkalalaki nila. Natatak na kasi sating hindi kiligin ang mga lalaki.

Meron din namang mga lalaking sumasabay sa alon ng asaran o lokohan, ayaw din magpahalata.

“Oo nga diba!! Bagay kami.” Sabay tawa. Ganun. Mga lalaking sinasabi talagang kinilig sila. Yan

ang madalang. Bakit? Naipapakita lang kasi talaga ng lalaki na kilig na kilig siya kapag alam

niyang hindi siya mapapahiya or maaawkward dun sa babaeng kinakikiligan niya. For short, may

gusto din yung babae sakanya. So, ipapakita niya pa yun. Diba? May isa pa ata. Yung lalaking

walang pakialam sa iisipin ng mga tao, basta pinapakita niyang kinikilig siya. K. Yun lang, hindi

lang babae ang kinikilig. Kasi hindi lang rin babae ang nagkakagusto at nagmamahal. :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 22, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PAANO DAW KILIGIN ANG LALAKI?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon