Chapter 19

688 49 31
                                    


This chapter was written in THIRD PERSON's  POV. (Try ko lang)..hehehehe
================================




~

"Baby, wake up. " mahinang tapik niya sa balikat ng anak na himbing na himbing pa rin sa pagtulog.          

Kanina pa niya kinakatok ang pinto ng kwarto ng anak pero walang bumubukas kaya pumasok na lamang siya at ito nga ang nadatnan niya na mahimbing pa rin na natutulog si Marionne. Nagtataka siya dahil dati rati ay ito ang unang nagigising sa kanilang mag-asawa. Minsan pa nga ay ito mismo ang naghahanda ng almusal nila.

"Hey, baby. Gising na."Gising niyang muli sa anak.

" Hmmm..."mahinang ungol lamang ang narinig niyang sagot mula sa anak. Inayos pa nito ang pagkakumot hanggang tenga pahiwatig na wala pa talaga itong planong bumangon.

Tumayo ang ginang para hawiin ang makapal na kurtina nang sa gayon ay pumasok ang sikat ng araw sa kwarto ng anak.

Napapikit siya ng mariin ng tumama sa mukha niya ang sikat ng araw na nagmumula sa labas. Nakakasilaw kahit siya ay nakapikit kaya naman hinila niya pa ang kumot para takpan ang kanyang mukha.

Kanina pa naman talaga niya naririnig ang pagkatok ng kanyang mommy sadyang inaantok pa talaga siya kaya tinamad siyang pagbuksan ito.Namimigat ang kanyang mga talukap,kusa itong sumasara dahil sa antok. Madaling araw na siyang nakatulog, narinig na nga niya ang pagtilaok ng manok bago siya nakatulog. Hindi siya makatulog dahil sa sobrang pag-iisip...tungkol doon sa sinabi ng kanyang daddy. Wala pa man ay napi-pressure na siya. Maraming mga negatibong bagay ang pumapasok sa utak niya.Nawawalan siya ng tiwala sa sarili ...sa kakayahan na mapatakbo ang negosyo nila tulad ng daddy niya.

" Marionne, " tawag na muli sa kanya ng ina,seryoso na ito dahil tinawag na siya nito sa kanyang pangalan na bihira lang nitong gawin. Madalas ay baby ang tawag ng ina sa kanya. " bumangon ka na diyan. Di ba may lakad kayo ngayon ni Jacob. "Naramdaman niya na umupo ang ina sa kanyang kama.

Di naman niya nakakalimutan na may lakad sila ngayon ni Jacob, nagpapasama lang naman ito na pumunta ng mall para bumili ng damit kaya naisip niya pwede namang mamayang hapon na lang sila lalakad.Gusto pa niyang matulog.

Matamlay na bumangon siya at umupo sa kanyang kama. " Good morning ," bati niya sa kanyang ina na napapahikab pa.

" Kanina pa nakahanda ang almusal, ikaw na lang ang hinihintay namin. "

" Hmmmm. ...susunod na lang po ako mommy, "  nakapikit na sabi niya at di pa nakuntento ay sumandal sa headboard ng kama.Di pansin ang seryoso at matamang tingin ng kanyang ina.

Napailing na lang ang ina sa ayos ng anak. Mariin itong nakapikit habang nakasandal sa headboard at bahagya pang nakanganga. Kanina lang ay kausap pa niya ito pero ito at tulog na uli ang anak kahit na medyo mahirap ang pwesto nito. Di maiwasang magtaka kung bakit parang puyat na puyat ang anak sa itsura pa lang nito ay parang di ito nakatulog. At kung nakatulog man ay di sapat.

Tinapik niya ng marahan ang mukha ng anak."Gising na. " Pumikit dumilat ang anak , hinihila talaga ito ng antok. "Bangon na. ..kanina pa nakahanda ang almusal hindi mabuting pinag hihintay ang grasya.Mauna na ako sa baba, hihintayin ka namin."tinungo niya ang pinto pero bago pa man tuluyang lumabas ay nilingon pa niyang muli ang anak. " I'll give you 10 minutes, pag wala ka pa papaakyatin ko dito si Jacob at siya ang gigising sa'yo. " she then closed the door and walked outside.

Napipilitang bumangon siya at tinungo ang banyo.  Tinatamad pa talaga siyang bumangon at talaga namang hinihila ang katawan  niya pabalik sa kanyang kama. Gusto pa niyang matulog pero dahil sa sinabi ng ina na papaakyatin dito si Jacob ay kumilos na siya. Kapag umakyat dito si Jacob sa kwarto niya ay mabubulahaw lamang din naman ang kanyang pagtulog dahil di siya nito titigilan. At  higit sa lahat naisip niya na ang sagwa tingnan na sila lamang dalawa dito sa loob ng kwarto at  baka kung ano pa ang isipin ng iba pang  kasama nila sa bahay. ..ng mga kasambahay.

LOVE will Lead YOU back (My Maid from Heaven Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon