Strawberry Kiss
"Skye, Saturday ngayon. I'm bored gusto mo bang samahan kitang mag-shopping?" Tanong ni Ryder sakin tapos sinandal niya yung ulo niya sa balikat ko.
Saglit ko siyang nilingon habang ngumunguya ng chocolate at muling ibinaling ang paningin ko sa pinapanood naming korean drama na binili pa namin sa tindahan ng mga pirated dvds.
"Ayaw ko mag-shopping. Tinatamad ako, next time na lang" sabi ko at nilingon ko siya ulit. Sinimangutan niya ako at inirapan. Napailing na lang ako. Tsk tsk bakla nga tlaga.
Si Ryder, kababata ko at kapit bahay ko since birth. Kasama ko sa lahat ng kalokohan, kasayahan at kalungkutan ng buhay ko, rain or shine, for better or for worse were 'Sisters for life' sabi nga niya.
Pero madalas hindi pagiging 'sisters' ang tingin ng mga tao sa paligid namin lalo na ang mga parents namin na halos gagawin ang lahat maging kami lang in the end. Kami lang kaseng dalawa ni Ryder ang nakakaalam ng pagiging 'softy' niya. At lingid rin sa kaalaman ng mga magulang ko ay may mahal na nobyo na rin ako <3
Pilit niyang kinukuha yung Hershey's chocolate na kinakain ko na pilit ko rin namang inilalayo sa kanya. Bigay kaya sakin to ng mahal ko. >///<
''Ano ba Ryde! Tigilan mo nga yung chocolate ko. Bili ka na lang sayo. Bigay sakin to ni mahal eh!'' Inis na sabi ko sa kanya.
"Akin na nga yan. Nakakataba yan eh. Tignan ,mo nga yung bilbil mo ang laki na. Palagi ka namang tamad eh. Sige na skye. Shopping tayo ng maexercise ka naman at mabawasan yang bilbil mo!
Nanlaki mata ko. Pinagmumukha ba niya akong mataba? How dare him make me feel fat! Urgh!
''Ako? May bilbil?! Well meron nga pero hindi ako mataba no!'' Sigaw ko sa mukha niya kaya napaurong siya!
" ang taba mo kaya! Tignan mo nga yang tiyan mo oh!" Sabi niya sabay sundot sa tiyan ko.
''Ano ba ryde!" Natatawang sigaw ko at sinamaan ko siya ng tingin. Nakikiliti kase ako pag nahahawakan ang tiyan at tagiliran ko.
'' eto pa oh!'' Sabay sundot sa may gilid ko. Hanggang sa kiniliti na ako ng tuluyan ng baklitang ito. Weakness ko talaga ang kiliti ko hmmmph!
''Ryde, hahaha tama na!" Tatawa tawang sigaw ko.
''Hindi kita titigilan hanggat hindi ka pumapayag na magshopping tayo!" Pangungulit pa niya.
''Oo na, magsha-shopping na tayo kaya tigilan mo na yang pangingiliti mo. Pero syempre-'' hinihingal na sabi ko.
''Syempre ano?"
''Syempre dapat libre mo ko!'' Saglit siyang nagisip. Nagisip pa, o-oo rin naman yan. Labs kaya ako niyan hahaha.
''Tsk. Pasalamat ka namiss kita, kaya treat kita'' nagtatampong sabi niya.
''Simula ng maging jowa mo yung singkit na yun, nalimot muna ako!" Pagmamaktol pa niya. Napangiti naman ako. Nagtatampo ang sis ko. Nakapout na kase siya eh. Amp! Haha ang gwapo ni Ryde kahit di niya bagay ang naka mahabang nguso hahaha.
It's been five months since naging kami ni Vince-si mahal ko- at ngayon ko lang na realize na ang laki na ng pagkukulang ko sa sis ko. Ngayon pa lang kami ulit nakakapag bonding na dalawa kaya nanunod kami ng korean drama. Actually pinilit ko lang pala siyang manuod. Ayaw niya kase ang mga kdramas. Masyado daw O.A.
Niyakap ko siya ng mahigpit tapos pinakagat ko na rin siya sa chocolate ko.
''Matamis ba?" Nakakatangang tanong ko sa kanya kaya tinaasan niya ulit ako ng makapal niyang kilay.
BINABASA MO ANG
strawberry kiss a one shot story
Teen Fictiona sweet , cliche and romantic (or corny) one shot story :) the strawberry flavored kiss :-)