•3 Kings

3.8K 114 2
                                    

Isang alarm ang narinig ko habang papasok ang sasakyan kung saan nakasakay kaming apat nila Vicku.
Nangangalay na ang likod ko dahil sa sobrang straight ng pag kakaupo ko dahil katabi ko si Vicku at nakakahiya kung mag lilikot ako sa tabi nya.
Isang malakas na alarm na para bang may Earthquake drill sila sa loob habang pinag bubuksan ng gate ang papasok naming kotse.

Nasa labas ang maraming istudyente at kinakabahan akong tumingin sa kanila mula sa tinted na bintana.
Tumigil ang sasakyan sa gitna ng maraming tao.
Lumabas ang driver at pinag buksan na si Daemon at Alexus na nas gitnang upuan ng sasakyan.
Kita sa mga mata ng mga istudyante kung paano sila mamangha sa mga itsura ng mga ito.
Samantalang ako ay parang bato na di makagalaw sa tabi ni Vicku.

Hanggang sa tumapat na ang driver sa pintuan kung saan nakaupo si Vicku at binuksan nito ang pintuan.
Parang hihimatayin ang mga babaeng nakapaligid habang nakatayo sa gitna nila ang tatlong mag kapatid.
Huli akong pinag buksan ng driver.
Naiwan munang nakabukas ito at halos lahat ay nag aantay sa pag labas ko lalong lalo na ang may mga crush sa mag kakapatid na parang gusto akong sugurin basta lumabas ako.

"Kaya ko 'to. Kaya ko 'to. Jusko lord tulungan nyo ko."

Saka ako huminga ng malalim at inihakbang na ang isa sa mga paa ko palabas.
At dahan dahang tumayo sa harap ng maraming tao.
Agad silang nag bulungan sa harap ko habang sinusuot ko ang aking bag pack.
Dali dali akong lumapit sa mag kapatid.

Pero bago pa man ako tuluyang makalapit ay agad na hinarang sakin ni Alexus ang kamay nya.

"Humakbang ka. Paatras ng lima."

Tumingin ako sa mga tao sa paligid na walang ibang tintignan kundi ako.

"Ako?"

Tumango si Alexus at natawa si Daemon.

"Anong iniisip mo? Kasabay ka namin? Tss P.A ka namin diba?"

Isang panlalait ang sinabi nya sakin na nag patawa sa mga tao sa paligid.
Napayuko ako sandali at tinignan si Vicku na nanguna na sa paglakad.
Wala akong magawa kundi sumunod sa kanila kahit na napahiya ako.

Nakasunod ang mga mata ng mga istudyante sakin habang nakayuko ako at naka hawak sa strap ng backpack ko.
Naka yuko lang ako.
Pumasok sila sa isang malaking pintuan.
Sumalubong sakin si Galen nang makita ako sa pintuan.
Nakangiti sya sakin at hinawakan ang kamay ko.

"Wag kang mahiya."

Saka nya ako dahan dahang hinila sa isang kwarto na tanging sila lang mag kakapatid ang nakaupo.
Kaya pala may sarili silang oras, dahil may sarili din silang classroom.

Nakangiti sakin si Jaythan. Si Bryon naman busy sa pag papaikot ng notebook nya sa kanyang daliri. Si Zac naman malokong nakangiti sa akin.

"Dito ka sa tabi ko."

Masayang sabi ni Galen na inayos ang lamesa para sakin.

"Friend ka'yo ni Barney no?"

Sabi sakin ni Daemon habang tinignan sya ng seryoso ni Galen.

"Okey lang Barney. Wag lang Demon."

Hindi ko napigilang mapa hagikgik sa binatong sagot ni Galen.
Kita sa mata nya ang pag ka astig, pero pag sakin sya nakatingin ay napaka sweet nya.
Napa kagat labi lang si Daemon at tinignan ng matalim si Galen na tumingin din pabalik sa kanya.

Naputol ang mainit na pag tititigan ng dalawa ng pumasok na ang professor.
Nag simula ang klase nila ng sobrang professional.
Lahat sila ay nakatutok sa pag aaral samantalang ako ay lumulutang ang utak.
Paano sila natututo ng walang recitation at quizes?

"Tapos na ba?"

Biglang nagising ang diwa ko sa boses ni Jaythan. Akala ko lang pala nag cconcentrate silang lahat.
Tulog na pala ang iba sa kanila at tanging si Jaythan, Alexus, at Vicku nalang ang gising sa kanila.

"Okey, maybe we can continue this tomorrow. Do your other works. Goodbye."

Saka nag ligpit ang professor nila at lumabas ng kwarto.

"Ano yun? Yun na yun?"

Napatayo ako sa pag kagulat.

"Ay wala na pala. Tara uwi na tayo."

Pupungay pungay si Zac na umupo ng diretso habang si Daemon ay nag unat at halatang napa sarap ang tulog.
Tumayo na si Vicku at naunang lumabas ng kwarto.
Si Bryon naman tulog parin habang nakatakip ang libro sa mukha nya at nakataas ang paa sa mesa.

"Gising na Gising na. Tapos na ang klase."

Saka kinalampag ni Alexus ang whiteboard at nagising ang lahat. Naiwan akong nakaupo at hindi makapaniwala sa mga pangyayari.
Dapat ba akong mag pasalamat na may chance akong mag aral? Eh wala naman akong matututunan dito eh.
Tumayo na si Galen samantalang si Daemon tumayo na parang walang nangyari.

"Riley. Tara na sama ka samin."

Yaya ni Galen sakin na magulo pa ang buhok mula sa pag kakayuko sa mesa.

"Saan?"

Binuhat ni Galen ang backpack ko.

"Ang bigat ng Bag mo ah! Ano bang laman nito?"

Saka nya nilapag ang bag ko at binuksan para makita ang laman.

"Payong, pamaypay, Bimpo? Notebook na isa, dalawa, Walong piraso? Riley hindi tayo elementary."

Isa isa nyang nilapag ang gamit ko sa mesa.

"Teka. Bakit?"

Ibinuhos nya ang gamit ko saka nilaglag sa drawer sa gilid ng lamesa.

"Hindi mo naman kaylangan lahat yan eh."

Saka nya sinarado ang bag ko at sinuot.
Hinatak nya ako palabas ng Room.

"Saan ba tayo pupunta?"

Ngumiti lang sya sakin at hindi manlang ako nagawang sagutin. Hinihintay kami ni Bryon at Jaythan sa kanto ng hallway.

Nakatingin lang ako sa kanila na isa isang nag hubad ng coat nila at naiwan ang puti nilang polo at necktie na dark brown.
Hawak hawak nila ang mga coat nilang nakasabit sa kanilang mga balikat.
Lumakad na sila at naiwan akong nakatulala sa kanila.

"Riley! Sabi ko sumama ka diba?"

Saka ako muling hinila ni Galen padaan sa hallway na mas maraming tao.
Hawak hawak nya ang kamay ko habang kumakaway sa mga tao.

"A-ako na bubuhat ng bag ko."

Sabi ko sa kanya na tumawa sakin.

"Pero itatapon natin 'to Riley, kaya nga dinala ko eh."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya.

"Ano?"

Kinindatan lang ako ni Galen at tumuloy sa pag lakad. Tatlo sa mga gwapong lalaki ang kasama ko ngayon, isa sa kanila ay hawak ang kamay ko.

"Bibilhan nalang kita ng bago."

Saka nya inabot sa isa sa mga babae ang bag ko at nag agawan ang mga ito!

"Wala na. Tinapon ko na."

Nakangiti sya sakin at saka dinaanan ang mga babaeng nag sasambunutan dahil sa bag ko. Grabe ang impact nila sa mga estudyante dito.
Ibang iba ang tingin ko sa kanila dito. Pakiramdam ko mas hindi ko sila maabot dito sa academy kung ikukumpara sa school. Si Galen, iba sya.
Yung napaka sweet na lalaking naka sanayan kong kakwentuhan sa Mansion.
Isa sya sa mga tinitilian at inaabangan ng mga babae. Hindi lang sya. Kundi lahat sila.

Mukhang marami rami pa ako malalaman sa kanila habang nakakasama ko sila dito.

Beauty and The seven Beast || Complete ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon