•Red

3.8K 109 1
                                    

Wala ba akong ibang choice?
Ang akala ko kasi si Galen ang sasama sakin sa pag bili ng Bag.

Jusko! Wala pa naman akong pera.

Nilingon ko si Daemon mula sa gilid ng aking mga mata.
Dumiretso sya sa isang female boutique at nauna pa talaga sya.
Pag pasok nya palang ay kita sa mga mata ng mga saleslady ang pag papanic.
Ano bang meron sa kanya?
Teka, nag tutula ba 'ko?

"Show me your bags. Those expensive ones."

Napalunok ako sa sinabi nya. Naupo sya sa swevel chair na inihanda ng isa sa mga staff ng boutique.
Tumayo ako sa gilid nya na parang bang sya ang bibili ng bag at magiging taga bitbit lang ako.
Kung alam lang ng lalaking 'to kung gaano ako inaalagaan ni Galen. Baka masuntok sya nun. O feeling ko lang yun?

Isa isang lumabas ang mga slaes lady na may tig iisa isang shoulder bag na bitbit. Para silang may fashion show na pila pilang lumakad sa harap ni Daemon.

"Pili na."

Napalingon ako kay Daemon na wala manlang reaksyon at tumingin lang sakin sandali at tinuro ang mga nakahilerang bag na hindi ko maimagine ang halaga.

"Bonsai."

Natawa ang mga saleslady sa tinawag nya sakin. Pero tumahimik din ng tignan sila nito ng masama.
Ano ba talagang gusto ni Daemon? Mangasar na sya lang dapat ang tumawa?

Napilitan akong humakbang para tignan ang mga bag kahit wala akong ka ide-idea sa kung anong pag kakaiba nun maliban sa designs. Nginingitian ko ang mga saleslady na tinatapatan ko at ngumingiti sila pabalik. Gusto ko na silang tanungin kung alin ang maganda pero nahihiya talaga ako.

"May napili kana? Bilisan mo. May dadaanan pa tayong iba."

Paalala nya sakin na tumingin sa orasan nya.

"I-ito."

Saka ko tinuro ang isang shoulder bag na may zipper na lips.

"Yan?"

Wag mo na nga ako tanungin ng paulit ulit. Hindi ko alam kung paano ipag lalaban ang pinili ko eeh.

"O-oo ."

Tumayo sya kaagad at sumunod sa kanya ang babaeng may hawak na shoulder bag na pinili ko. Gusto ko sana sya mahabol dahil gusto kong tanungin kung mag kano ang bag para mabayaran ko kung sakaling afford ng sweldo kong mejo malayo layo pa.
Ilang minuto ang lumipas lumakad na sya palabas ng boutique habang naka sunod sa kanya ang manager ata ng boutique.

"Pakidala sa kotse."

Sabi ni Daemon dito at tumingin sakin.

"Tara na. May bibilhin pa tayo."

Mabilis akong lumakad palabas ng boutique kumaway pa ako sa mga saleslady bago ako lumayo. Umakyat kami sa third floor. Alam nya ba kung gaano ako nahihirapan na lumakad?
May nadaan kaming Arcade at nakita ko si Bryon sa loob at nag lalaro, hindi ko na nagawang tawagin dahil sigurado iiwanan ako ni Daemon.

Pumasok kami sa tindahan ng sapatos. Gaya sa naunang boutique alagang alaga ng mga tauhan si Daemon.

Hindi ako uupo, salamat.

Naka fierce ang mukha nya pag lumilingon sa mga saleslady at manager na binabantayan sya kung meron syang kaylangan.

"Ang ganda naman nito."

Kung pwede lang kainin itong mga sapatos dito baka kanina pa ako natakam. Bakit ba kahit na nakikita ko ang iilan sa mga ito sa mga tyangge, ay namamangha parin ako dito?
Iba siguro ang aura ng original.

Beauty and The seven Beast || Complete ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon