Di nila sinabi sakin na ngayon na mag uumpisa ang practice para sa grand ball.
Ni hindi ko rin alam kung kaylan yun para makapag handa ako.
Ngayong araw, papasok kami hindi para mag aral kundi para mag practice ng mag practice.
Maliban sa hindi ako marunong sumayaw, ay hindi ko parin nararanasan sumayaw ng may partner."Baka naman may iba pa akong sapatos dito."
Sana nga talaga dahil nanghihinayang ako suotin ang mala cinderellang sapatos na binili ni Daemon sakin dahil mukha daw bota ang ang school shoes ko.
Sinilip ko na ang ilalim ng kama, umaasa na may nailagay lang ako dun. Pero wala naman na talaga kong magandang sapatos na bagay sa school. Umaasa lang ako na may makita ako.
Pati na ang Bag na binili kahapon ni Daemon dahil sinabi ni Galen ay kaylangan kong gamitin dahil walang wala na talaga akong gagamitin.
At dahil wala nga akong mga gamit sa school ay nilagyan ko nalang ng pulbo, suklay at kung ano anong kolorete para lang masabi kong may laman.Sa kalagitnaan ng pag hahanap ko ng pwedeng magamit na sapatos, may kumatok sa pintuan.
"Bakit?"
Alam ko naman na si Galen o si Bryon yun para kulitin ako na aalis na kaya hindi ko na nabuksan ang pintuan.
"Mauuna tayong pumasok, pakibilisan."
nakarinig ako ng boses na hindi ko masabi kung kanino.
Kaya dali dali kong binuksan ang pintuan."V-Vicku?"
Parang gusto kong higupin lahat ng hangin sa kwarto sa sobrang shock na nasa harapan ko sya.
Nakauniform na sya at talagang kahit uniform lang ay bagay na bagay yun sa kanya."Aalis na tayo after 5 minutes."
Saka sya lumakad at naiwan akong nakasilip dun.
Naramdaman ko ang pag init ng aking mukha habang nakatayo parin ako sa pintuan."Sabay kaming papasok. My gosh!"
Dali dali akong humarap sa salamin at nag suklay at nag pout pout matapos mag lagay ng lipgloss at sinuot ang bago kong school shoes.
Kaylangan maganda akong tignan dahil kasabay ko sya.
Bago ako umalis isinabit ko sa balikat ang aking bag at muling tumingin sa salamin.
Nag practice ng pag ngiti at pag tawa para maging handa kung sakaling mag bato sya ng joke sakin."Kaya mo yan Riley. Basta always smile."
Saka ako lumabas ng pintuan, agad kong hinagilap si Vicku na nasa pintuan na pala habang nasa labas ng sasakyan namin.
Lumakad ako papalapit sa kanya.
Feeling ko slow motion lahat habang papalapit ako ng papalapit sa kanya kaso sa huling pag hakbang ko..."Aray ko. Hehehe"
natapilok ako sa harap nya buti at nahawakan nya ang braso ko kaya hindi ako napaupo sa sahig, dinaan ko nalang sa pagtawa yung nangyari kahit na gusto ko na mag suicide pagkauwing pag kauwi namin.
"Iayon mo nga yang lakad mo sa sapatos mo. Hindi ka naka safety shoes, naka high heels ka."
Wag mo na ko ipahiya sa sarili ko pwede?
Tinayo nya ako ng maayos at saka kinuha ang bag ko na tumalsik sa labas ng pinto.
Jusko! Tama na ang kahihiyang ito!Saka sya muling lumakad papalapit sakin at inilahad ang kamay nya. Dito ba kami mag sasayaw? Iniabot ko sa kanya ang kamay kong nanginginig sa pag kahiya.
Isinabit nya ang bag ko sa balikat nya at inalalayan nya ako pababa ng hagdan kahit na tatlong hakbang lang naman yun.
Feeling ko, ako ang girlfriend nya.
Pinag buksan nya ako ng pinto sa harapan.
Nag taka naman ako dahil bakit maliit na kotse lang ang gagamitin namin.
Sabagay dalawa lang naman kaming ihahatid pero bakit sa harap ako uupo?
Para ba kung sakali na bumangga ang kotse mamatay na ko kagad?"Riley."
Hindi ko namalayan na nakatulala na pala ako at nag aantay sya sa kabilang pinto ng kotse para pumasok ako.
Dali dali akong lumakad habang ipinasok nya ang bag ko sa loob."Sinong mag ddrive?"
Wala kasing driver ng masilip ko mula sa harapan.
"Ako."
Saka nya sinarado ang pintuan nang nakapasok ako.
Pigil ang ngiti at kilig ko habang sinusundan sya ng tingin paikot sa kabilang pintuan.
Lumingon lang ako sa ibang lugar nang nakapasok na sya.Pinaandar na nya ang makina.
"Mag seat belt ka."
Isang maikling salita na nag pakaba sakin. Paano ba mag seat belt? Wala naman nun sa sinasakyan namin papasok ng school.
"Sabi ko mag seat belt ka."
Parang naririnig ko yun line na "Anong diskarte mo?!"
Hinagilap ko ang strap ng seat belt na nasa gilid ng upuan."Nasaan na yung kabila? Nasaan na?"
Halos pabulong ko ng kinausap ang sarili ko habang paikot ikot sa kinauupuan ko at nakatingin lang sya sakin.
Naririnig ko sa isip ko na sinasabihan nya akong "Tanga ka ba?"
Gusto ko ng mag labas ng Rosary ngayon na mismo.Parang mag bubuhol buhol na ang katawan ko kaiikot.
"Ako na. Maupo ka ng maayos."
Saka sya lumapit sakin at kinuha ang seat bealt sa gilid ko.
Na amoy ko ang mabango nyang buhok habang nakagilid ang mukha nya sakin.
Sa sobrang lapit parang 5 inches lang siguro ang pagitan at pwede ko na syang halikan sa pisngi.
Ikinabit na nya ang seat belt at muling naupo ng maayos saka pinaandar ang kotse.Grabe sa feeling. Pakiramdam ko girlfriend nya ako kaya sabay kaming pupunta at naka private car pa.
Gusto kong sulitin ang bawat minuto sa kotse nya pero parang segundo lang ang lumipas.
Halos tatlong kisap mata lang at papasok na kami ng malaking gate ng School at nag sitinginan na ang mga estudyante sa paligid.
Nakaramdam ako ng stress habang nag aantay ang mga tao sa pag bubukas ng pintuan ng kotse, pakiramdam ko may mga dala silang itak na bigla nilang ilalabas mula sa kung saan para itakin ako hanggang sa pumangit ako.Napakasamang pakiramdam.
Nag tanggal na ng seat belt si Vicku, nanatili lang akong nakatingin sa kanya.
Sure ba talaga syang lalabas talaga ko kasama nya?
Tanggalin mo na yang seat belt mo.
Hindi na nya nagawang tumingin sakin dahil busy sya sa damit nya at itsura habang nakatingin sa salamin ng kotse.
Sabi ko tanggalin mo na.
Hindi na ako mag aantay pa na muli nyang ilapit ang mukha nya sakin.
Nakita ko naman kung paano iyon tanggalin kaya hindi ko na hinintay na sabihin nya ulit iyon ng pangatlong beses.
BINABASA MO ANG
Beauty and The seven Beast || Complete ✓
Lãng mạn#B7B Mag alaga ng pitong anak ng mag asawang mayaman. Yan ang magiging trabaho ni Riley sa pag pasok nya sa buhay ng pamilyang Ryder. Pero ang akala nyang normal na pag aalaga ay hindi pala gaya ng pag aalaga ng mga batang sampung taon ang gulang, k...