Happy New Year

8 0 0
                                    

Entry #3 (01-01-17)

Dear Diary,
    Masaya ako ngayon pramis..:) Nag enjoy ako sa year end na to. Isa pa, Hindi niya kasi ako binigo at binigyan ng KB(kulog boot).

Let me tell you the whole story from the top.

December 31
Saturday night

Nakakabanas naman talaga. Mag iisang linggo nang walang power buhat ng hagupitin kami ni bagyong Nina.  Sa pagkatao kong ito ngayon lang yata walang power na magbabagong taon.

Ganun pa man, tuloy pa din kami sa balak naming pag simbang Gabi. Sina Jen at Sheann parang na aalangan kasi nga walang power bukod pa doon ay ang paulan ulan pa pero nakasama pa din naman namin sila.

Ako at si Venuz sakay ni Booby.

Sheann at Reymark sakay ni Manoy Jun.

Sina Yaga at Erelyn naman sakay kay Manoy Onyo.

Kita kits kami doon sa ⛪.

Naiwan namin sa may sa amin sina JL, Lis at ang mga pinsan niyang sina baby Emman at Kuya niyang si Earl John. (Na diko na nikita ng gabing iyon sa church at Palong).

Ayos naman pag dating namin doon. Naka upo naman kaming anim. Sa unahan namin ay mga kalalakihan. Mga balawbagaw din. Yung isa doon medyo bet ko. Ewan ko ba kasi madalas magsalubong ang mga mata namin. Panay tingin kasi siya sa likuran namin. Di ko nga sure kung baka sa labas talaga ito tumitingin. Para namang mga kakilala nila yong nandoon especially yong isang beki doon na maingay.

Buti nalang may power na sa simbahan or generator?? Kaya naging maayos naman yung misa.

Bago yung misa, binigyan ko muna sila ng mga chocolate.. Something sweet para sweet ang bonding namin buong taon..

Well, taon taon kasi yun ang nakagawian ko.

After mass

Ilang minute din kaming naghintay sa may petron bago kami nakauwi. Buti nalang bumalik si Booby na siyang sinakyan namin.

Pagkauwi sa palong, kanya kaya ng ingay. Gamit ang paputok na konti lang at ang mga torotot.. May nag sindi din ng fireworks at losses.
OK na Sana ang lahat kaso may bad news kasi nasusunog daw yong kila Celys sa Libmanan. Kay butchok namin nalaman kasi umakyat siya para patayin yung tubig dito para lumakas ang supply doon sa centro para maapula ang apoy.

After nun.. Umuwi muna ako, saktong andito si Lis kasama si JL. Inalok ko siya na mag picture kami. Ayaw nga Sana kasi haggard daw siya.

"Grabe ka.. Mayo kana ani gift sako tapos habo mo pa",patampo kong sabi na nangunsensiya pa. Syempre di ako matitiis nun kaya ayon thanks to JL sa pag pictures samin. Nung time na yun dumating na din sina Yaga at Erelyn. Picture picture ulet.. Na extend pa ng magsidatingan yung mga boys at click click..groupy..!

After noon,

Bumuo kami ng plan. Plano na sa resort mag celebrate.

Akala ko nga uuwi na talaga si Lis, erchoz lang pala.

Nag ambagan kami nung nasa resort na kami. Sagot na ni Gerald yung vedioke, tig 75 naman ang intrance fee. Ngunit muntik ng di matuloy kasi mag babayad pa sa cottage which is, 550 buti nalang sinagot na ni Wilmar yung 500.. Disedido talaga siya.

Pumasok na kami
(2am)

Ako. (140 lang naambag.hihi)
Si Reymark (na my 80 na ambag na pambili pala yun ng Clip chrager ni Salve)
Sheann(na di nakasama sa kaninang pictorial kasi nagbihis pa muna kasi pambahay na yung sout)
Jen
Erelyn
Venuz
Gerald (na napagastos ng more than 1k)
Wilmar
Cookie
Lister
Johnlyod
Bobby
Marvin( na maagang umuwi dahil bangag na pala ito)
Justin (chaperone ata ni Venuz)

Diary Ni MommyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon