Entry #4 (01,03,17)
Dear Diary,
Akala ko Hindi ako magsususlat sayo ngayon kasi ayos na ayos na yung usapan namin ei. Pinaniwala na niya ako na wala..wala..Pero pakiramdam ko talaga meron!
Ang sakit na.
Nakakapagod..
Parang konti nalang susuko na ako..
Pasensiya na pero di na ako makakapagkwento ng mga nangyari sa araw na ito.
Basta umikot ang mag hapon ko
Pamamalengke, kasama si Marvin, Sa pag panaga namin na Gabi na nakauwi at sa pag tambay sa labas ng tindahan kasama ibang barkada.Pagkadating namin sa bahay bumili si Lis ng maliit na dkanto, Kay Cookie daw naman yun. Alam nanaman siguro na kokontra nanaman ako.
Well, its OK.. Mas Hindi kasi ako naiilang kausapin siya kapag may ininom.
May tatanong kasi ako sa kanya saka may sasabihin.
Nung tapos na sila kila Manoy Gary sa pag inom, tinawag ko siya sa may bakod ni Na Peling.
Naiwan sila Marvin, Yaga at Pokoy.
Tinanong ko siya Kung may HD ba talaga si Kay Yaga.
Wala daw talaga.
Sinabi ko na sa kanya na oras na mabalitaan ko na naulit pa yung KS o higit pa dun, friendship over na kami. Back to. .000000000000..
Hindi niya naman daw gagawin yun. Sabi ko baka kapag ginawa niya yun, Hindi naman ako kawalan sa kaya oras na mag FO na kami.
Haayyss... Wala na Sana akong duda Pero bakit may nalaman pa ako??
Mga 10pm na. Pagkahatid namin Kay Marvin, nawala na si Lis, tinanong ko si Yaga Kung nasan na? Ewan daw may sinabi daw pero di niya naintindihan.
Hinanap ko pa nga pero negative. Lately ko lang naiisip na baka tinaguan ako.
Pakiramdam ko din, nag usap na sa isip yung dalawa na mag memet sila sa tindahan ni Yaga.. Baka hinihintay ni Lis na umuwi na si Yaga.
Mayamaya, bumalik si Lis.
"Mom pabakal daw flashlight"' sabi niya habang papalapit. Nasa kalsada kasi ako.
Sabi niya napapasuka na daw kasi siya.
Nang mapagbintahan ko siya ng lighter, Nagpaalam na din si Yaga na uuwi na.
May kutob nanaman ako kaya sabi ko sa isip ko, titingnan ko si Lis, kapag derederetso siya na naka flashlight uuwi na talaga yun..
Pagkalabas ko, Hindi niya naman binuksan flashlight niya. Pero nakita kung lumiko siya kila yaga dahil nakita ko sa sindi ng sigarilyo niya. Andoon si yaga nakita ko dahil sa ilaw ng CP niya.
Kumabog nanaman ang dibdib ko..
Lumakad ako sa kanila ng walang liwanag. Binuksan ko Flashlight ng CP ng nasa malapit na sila at..
Presto! Sabay tayo si Lis at paalam Kay Yaga.
"At wow..maule naman daa"sabi ko.
Sinabi ni Lis na, anuhin nalang kapag nag reply.
Nakitext kuno.
Tinawag ko siya sabi ko saglit lang balik kana doon .
Sabi niya naman nakitext lang daw siya. With acting pa yun na masakit ang tiyan.
Pagkaalis niya, tumambay ako Kay Yaga syempre para ahh..hard to explain.
sabi ni Yaga nakitext daw si Lis.
Pinakita niya siguro yun o ako ang nag insist?
At tangshit! Nagulat ako ng makita ko yung number na tenext niya at yung laman ng text..
Bakit ganun?
Ano ang motibo niya kung bakit sariling number niya ang tenext niya?
Ang text niya ay para sa mama niya..
Isa pa hindi naman siya ganun ka bait sa mama niya para itext ng ganun.
Dalawang beses na siyang nakitext doon na number niya lang naman ang senendan. Yun yung bago mag bagyo. May kutob naman talaga ako na way niya yun para kunin number ni Jen. Pero yong ngayon, way niya lang yun para iapproach si Yaga pag hapit niya. Syempre magtatagal doon at kunwari mag aantay ng reply. At ang ending, Malamang posibleng SPG na!
Haayyss... Nakakapagod na. Kahit Hindi pa ako naghahapunan ngayon kinaya ko, wala na akong gana..
Mas pinili ko nalang mag sulat saiyo Diary. Nakaka tulong naman ng konti dahil may napagsasabihan ako.
Ano nanaman kaya ang palusot nito kapag kinumpronta ko siya?
Malalaman ko kung magaling nga siya sa paghabi ng mga kwento. Nabanggit niya pa naman kanina na malinis daw siya gumawa? Neknek niya!
Ako naman feeling ko pwedi ng maging imbestigador.
Honestly speaking parang gusto ko nalang siyang pabayaan pero naiisip ko palang na mawawala siya sakin, parang di ko kakayanin?
Bahala na.
Signing off
01,03,17
11:21pm
BINABASA MO ANG
Diary Ni Mommy
Non-FictionA confession of a gay Mom that had a secret love to her so-called-Son.