Entry #7 (01.12.17)
Dear diary,
Here I am again. 😦 dalawang reason lang namin kung bakit Kita sinusulatan. Kung may good news or bad news. And at this moment, I'm so sad.. I'm so worried too about the condition of Lis. OK na Sana smooth na yung takbo ng kung anong usual na happenings dito kung hindi lang inatake nanaman si Lis ng sakit niya. Ang mahirap niyan hindi niya, o namin Alam kung ano ito. Basta we think na heart problem to. Ayaw niya kasing sabihin sa kanila o sa mama niya. Gusto ko na ngang sabihin Sana sa mama niya matagal na pero nakikinusap na wag nalang daw, kaya niya namin daw I handle Ang sarili niya. Sa tingin ko pinipilit niya lang kayanin.. Kitang Kita ko, namin ni Mikmik kung gaano siya nag suffer kanina.. 😥.10:00pm onwards
Mula sa pagkakahiga niya sa may upuan. Bigla niya akong tinawag. Nasa kalsada ako,nag lalaro sa CP.
"Mom..favor daw" sabi niyang mahina. Halatang may kinukubling nararamdaman." Tubig daw" sabi niya ulet na umupo na.
Sa sinabi niyang iyon alam ko na his not feeling well, inatake siya. Uminom nanaman kasi.
Agad namin akong pumasok at kumuha ng tubig sa Ref.
Pagkabigay ko, agad niyang tinungga iyon.. Kung noong time na inatake siya ay umiinom lang siya ng tubig at nagiging Ok na siya, ngayon ay hindi.
Iba na ang pakiramdam niya..namimilipit na siya sa sakit ng dibdib..
Nagpaalam siya sabay takbo ng mabilis. Sinundan ko ng tingin at nakita kung lumiko siya papunta sa side nila Na ita.
Nagtaka sila Yaga at Samboy sa inakto ni Lis. Habang si Mik ay naikwento ko Ang kalagayan ni Lis. Sabi ko pa nga, sundan ito.
Sinundan naman ni Mik si Lis at lumipas ang ilang minuto ay lumabas si Lis sa may side ng bahay namin. Basang basa ito.
Naglugbo sa sapa.
"Dae ko ni kaya.. Makulogon talaga" daing niya. Namimilipit parin at sapo Ang dibdib..
Nagpaalam ito na uuwi na at tumakbo nanaman ng mabilis. sinundan namin ng tingin at Kita naming tumigil kila Manoy Jojo at naupo.
Pinasundan ko kay Mikmik. Gamit Ang motor ni Samboy. Hindi ako mapakali kaya naglakad din ako papunta doon..
Ng nasa kila Manay bebot nako, bumalik na yung motor sakay si Lis.
Sinabi nitong magbalik na daw ako samin. Sinabi pang may bibilhin ito. Pinadali na nga ako kaya tumakbo na din ako.
Bumili siya ng dalawang Yakult ta try daw kung makakatulong iyon.
Habang umiinom siya. Pinapangaralan na namin siya ni Mikmik. Sabi ko dapat noon pa sinabi niya na Ang kalagayan niya. Sabi ko pa. Sige kasi sa pag inom . sabi namin ni mikmik Panay Yosi kapag pagod.
Diko alam kung sa puso o baga ang problema niya..
"Tano Kung aram Kong mangyayari ni, mainom ako?" Yan Ang sinasagot niya habang umiiyak siya. Talagang masakit ang nadarama niya base sa kilos niya. Ang mahirap lang wala akong magawa para mawala iyon, Basta alam ko kung ano Ang pakiramdam niya dahil minsan na din akong nag suffer sa sakit. Yung hindi ordenaryong sakit.
Lumayo siya samin.
Hindi mapakali.
Na pu frustrate siya. Parang gusto niyang magwala.. Yung parang hindi alam kung paano siya magiging ok.?
Kami ni mik ay nag uusap pa din tungkol sa kalagayan niya habang tinatanaw siya sa may bakod habang naka upo..
Ilang minutk Ang nagdaan ay nilapitan namin siya. Tinanong Kong ano ng pakiramdam niya.
Sabi niya medyo ok na daw siya..
Nanginginig lang siya dahil giniginaw na. Nag offer pa nga ako na pahihiramin ko siya ng damit at short pero wag na daw. Uuwi naman na daw siya.
"Tara duman Kita.",masabi yan.."sabi niyang nakalimutan ko yung karugtong..
Umupo na kaming tatlo sa may tindahan at nag usap usap. Napag usapang, iba yung atake ngayon dahil Ang tagal mawala.
Sinabi namin ni Mik na kailangan ng malaman nila lolo at Lola niya. pati ng mama niya Ang kalagayan niya nga. Lumuluha nanaman siya.
Nakiki usap siyang wag daw.. Please?
Hindi ko alam kung ano Ang dapat Kong gawin..
Sabi niya, ganito daw, kapag daw sinumpong pa siya ulet, hindi niya na kami pipigilan na sabihin Ang kalagayan niya. Siya nalang daw kasi Bahala kaya niya daw. Hindi na daw siya iinom at yoyosi..
"Ano mik?"tanong ko Kay mik. Medyo ok na Ang atmosphere.
"Inda?"sagot niya with light aura din.
At Ang ending pumayag nalang ako
Yun ako eh. Doon ako sa kung anong gusto niya. Pero natatakot ako, paano kung may mangyaring masama at hindi ko kaagad nasabi sa family niya? Kakainin ako ng guilt for sure.Hindi pa nga nagtatagal yung deal at bigla nalang nagsalita si Lis,
"Oh no!" Sambit niya. Ngumiti siya pero alam Kung para itago lang yung tunay na nararamdaman niya. .."mapule na talaga ko" paalam niya tumakbo nanaman ng mabilis pauwi.
Sinundan ulet namin siya ng tingin. Alam Kong bumalik nanaman yung dinaramdam niya. Sinundan namin ni Mik sakay ulet sa motor.
Tumigil kami kina Ta pepeng at tinawag siya ni Mikmik.. Nakita niya kami.
Sumagot siya na daing pa din at ok na daw siya doon. Wag na daw namin sumunod. Pero parang hindi siya ok kaya nagpasya kaming sundan siya ..
Panay ang tawag ni mik sa kanya para marinig man lang namin ang boses niya. Madilim kasi kaya di namin siya makita. Sumasagot namin siya na Ok na daw.
Nang Alam naming malapit na siya sa kanila, bumalik na kami ni Mikmik.. Napag usapan sa daan na kailangan na naming sabihin iyon sa pamilya niya. Sabi ko, ako mag sasabi sa mama niya at siya namin sa lolo't Lola niya. Oo daw pag nagpunta siya kila Lis. Baka sa sabado. Parang sign na kasi yun nung inatake siya ulet.
Nag aalala talaga ako sa kanya ngayon.
Ok na kaya siya?
Hindi ko naman siya ma check via call kasi wala siyang gamit na CP ngayon.
Ang magagawa ko lang ay mag dasal.😥
Help him god please...
Signing off
12:19am
01.12.17
BINABASA MO ANG
Diary Ni Mommy
No FicciónA confession of a gay Mom that had a secret love to her so-called-Son.