✨Chapter Two✨

5 2 0
                                    

Caspian's PoV

3 weeks nang nakaka lipas at usap usapan pa din ang ginawa ko sa kotse ng lalaking yun. Yes, kilala ko na siya, siya si Marco Zach Montiverde, apo ng nagmamay ari ng school na 'to.  Kilalang kilala yan dito bilang antipatiko, harsh, at walang modo. At kilalang kilala sya ng lahat dahil he's one of the members ng grupong Deadly Sins.

Kapag nga pumapasok ako sa school na 'to agad na napapatingin saakin ang mga studyante na nandito, halos lahat ay nagbubulungan at binibigyan ako ng masamang tingin. At kapag naman narinig mo na magtilian ang mga babae dito? Isa lang ang ibig sabihin niyan, nandito na ang grupong iyon.

"Iaaannaaaa!" Sigaw saakin ni Asia kaya't bumalik ako sa katinuan ko. Lintek naman kasing boses nito, napaka lakas.

Di naman 'to ganito nung bata kami ah? Mahinhin pa nga ito eh. Nasaan na yung Asia na mahinhin at mahiyain? Ilabas niyo!

"Oh? Bakit na naman?" Naiiritang tanong ko.

Oo nga pala, bago ko pa makalimutan. Siya si Asia Sivro, maganda, matalino, kalog, at bestfriend ko. 17 years old na din siya katulad ko.

"Hmf. Kanina pa po kasi kita tinatawag at gutom na gutom na ako, mahal na reyna." Sabi niya saakin at nag bow pa. Binatukan ko naman siya.

"Aray ha! Sumbong kita kay fafa Zach dyan!" Sabi niya sa akin. Tss. Sinabihan kasi ako nung hinayupak na yun na gaganti daw siya saakin. mag hintay lang daw ako at i handa ang sarili ko, abnormal nga eh. Naikwento ko na din kasi kay Asia yung nangyari.

Reaksyon niya?

Ayun gulat na gulat. Ako pa lang daw kasi nakaka-gawa kay Zach ng ganun.

Sino ba namang taong magbabalak na gawin yung ganun kung lahat sila eh baliw na baliw dun?

"Akala mo naman makakapag sumbong ka sa abno na yun. Alam mo bago ka pa maka pag sumbong dun, patay ka na sa akin." Sabi ko sakanya. Tsaka bakit naman sya magsusumbong dun? Tsk.

"Chill. Halika na nga kain na tayo." Sabi niya at hinila na ako papuntang cafeteria ng school namin.

~~~

"Oy! Iana, sasabay ka ba saakin pauwi o tatambay ka muna dito sa school?" Tanong ni Asia sakin na tuwang tuwa nanaman dahil uwian na.

"Bakit kung tatambay ba ako dito, sasamahan mo ko?" Tanong ko kay Asia, lagi kaming magkasama na tumatambay dito kahit na minsanan lang. Lagi kaming sinasabihan na umuwi ng umaga. Lalo na ko, kasi kahit may katulong naman kami sa bahay, ako pa rin nagbabantay sa kapatid ko.

Di ko nga alam kung bakit, malaki na naman si Max.

Sasagot na sana siya ng mag text ang dad niya sakanya. Alam ko na, pinapauwi na siya ng tatay niya.

"Ge na, umuwi ka na. Di mo na ako kailangan samahan dito." Sabi ko at yumakap siya saakin.

"Mag ingat ka dito ah? Wag na wag kang lalapit kay Zach o kahit sa kaninong member ng DS. Kapag nakasalubong mo sila o nakita mo umalis ka na agad sa lugar na yun." Sabi niya saakin.

Luh? Para namang hindi ko kaya yung mga 'yun.

"Paranoid ka na naman! Umuwi ka na! Pagalitan ka pa ng tatay mo, lagot ka." Sabi ko at bumitaw na kami sa pag kakayakap namin at umuwi na siya.

Once Meant To BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon