chapter 25:

7.9K 134 6
                                    


Venus' POV

       Tulala parin ako habang nasa loob ako ng taxi.

   *Rinnnnggggg*

     Natauhan ako ng biglang nag-ring ang phone ko tiningnan ko ang caller's ID. Thunder...

    "Hello"

    "Ve!! Where are you?!! Kanina pa kita di ma-contact!!"-bulalas ni Thunder.

    "Papunta na ako dyan"- mahina kong ani tsaka binaba na ang phone at bumaba na pero syempre nagbayad muna ako.

   Huminga ako ng malalim bago tuluyang pumasok sa hospital. Tulala parin ako habang naglalakad papunta sa kwarto ni Ice ng di sadyang may nakabangga ako dahilan upang matumba ako.

    "Sorry miss"

     "Its okay"- sambit ko nalang habang tumatayo at di tinanggap ang kamay ng lalaki. Napatingin ako sa taong nakabangga ko. "Sigurado ka ba miss na okay kalang?"- tanong ng lalaki tumango lang ako bilang sagot.

    "Okay lang ako .. Malayo sa bituka .. Sige mauna na ako"- saad ko nalang tsaka tumalikod na sa lalaki. Ang sama kasi ng aura ng lalaking yun at tsaka ayoko ko munang makipag-usap sa iba gusto kong maka-usap si Ice.

   Bumuntong hininga ako bago tuluyang buksan ang pinto ng kwarto ni Ice pero bigla akong nagtaka ng wala akong madatnang tao sa loob ng kwarto.

   "Ice.."- bulong ani ko habang pumapasok sa loob ng kwarto. Pero napatigil ako ng may maramdaman akong presensya sa bandang likuran ko kaya dahan-dahan akong lumingon at dun ako napaatras ng makita ang lalaking nakabangga sakin kanina na ngayon nakangisi sakin habang may hawak maliit na patalim.

    Napaatras ako habang palapit siya sakin. "Sino ka?"-kalmadong tanong ko pero di siya sumagot sinara lang niya ang pinto at palapit lang ito sakin.

    "Ikaw lang pala ang buhay niya.. Nila"- bigla niyang sambit. Kumunot ang noo ko dahil di ko maintindihan ang sinasabi niya. "A-anong ibig mong sabihin?"- tanong ko sa kanya.

    Napalunok ako ng bigla nalang siyang tumawa. "Hahaha ikaw!! Kung papatayin kita parang pinatay ko na rin sila!! Hahaha"- napalunok ako dahil sa akong nasasaksihan. Natatakot na ako sa kanya dahil para na siyang baliw. Umatras ako at di sadyang mabunggo ko ang mesa na nasa likod ko napatingin ako at dun ko nakita ang isang gunting. Napatingin ulit ako sa lalaki habang palihim na kinukuha ang gunting.

      Pero natigilan ako ng bigla naman siyang umiyak. "Huhuhu dahil sa kanila namatayan ako ng asawa't anak!! Dahil sa kanila nawalan ako ng mga mahal sa buhay!!! At dahil buhay ang kinuha nila .. Buhay din ang kukunin ko!!"- sigaw niya at bigka niya akong sinugod at mabuti nalang at nakailag ako. Hinabol niya ako at di sadyang tumama ako sa bintana dahilan para masugatan ako sa braso at matumba ako.

     Hinanap ko ang gunting pero nadismaya ako ng makitang ang layo nito sakin. Hinawakan ko lang ang sugat ko sa braso. "Sumuko ka na lang para di kana mahirapan pa.."- kalmado nitong sambit umiiyak na ako sa sobrang takot ko ngayon. Ice... Nasan kana...

    Nakita kong isasaksak na niya ang patalim sakin at pumikit nalang ako pero bakit ang tagal naman tumama??

     Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at nakita kong nakahandusay na ang lalaki at may tama ito sa kanyang noo.

     Nanginginig akong tumingin sa nakatayong pigura sa harap ko.

   "Ice...."- mahina kong bulong at tuluyan ng bumagsak pero naramdaman ko ang mga bisig ni Ice na sumalo sakin.

  "Sorry for being late, My Queen"- huling dinig ko at tuluyan ng nawalan ng malay.

×÷×÷×÷×÷×÷×

Vote . Comments kayo guysss:))))

Kabit Ako Ng Taong Mahal Ko(EDITING)#HHC2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon