[My Casanova Husband FANFIC] Rebound Love

2.1K 57 37
                                    

[My Casanova Husband FANFIC] Rebound Love

 

Hello! Ako nga pala si Ira, yan na lang ang sasabihin ko, wag niyo na hanapin ang surname ko dahil wala naman yun magagawa sa mga buhay niyo. HAHA!

One thing about me, MAYAMAN! Saksakan ng YAMAN to be exact. I was born and raised with a golden spoon in my mouth. Mayabang ako, YES but hella i care, totoo naman eh >:D

Lahat na sa akin na: loving parents, cool bestfriends, mala-dyosang kagandahan AT kayamanan na kayang bilhin ang kaluluwa ng kahit sino sa mundo. Akala ko lang yan, dahil ang totoo, meron akong gusto na hindi ko magawang makuha.

Sino pa ba? Eh di si Vince Rodriguez! Ang captain ng basketball team ng University namin, ang aking Player No. 12.

Sino ba naman ang hindi mahuhumaling sa katulad ni Vince? Yung ibang engineering students kong nakikita, mga mukhang binaluga na ng panahon sa sobrang hagard, yes i know, hindi naman lahat ay pangit, katunayan, marami din naman gwapo sa engineering department. Anjan si Brian, ang former Mr. engineering at marami pa.

Pero iba ang naging impact ng Vince na yun sa akin. Ibang klase talaga, para akong sinampal ng bakal sa mukha at di lang yun ah? Nakaukit sa bakal na yun ang katagang 'Vince = Perfect' para bumakat sa akin.

Isa akong Pharmacy student, ahead si Vince sa akin ng 1 year dahil second year pa lang ako (upcoming 3rd year). Una ko siyang nakita nuong nagkasabay kami ng paglalakad papasok ng University. Nahigit ang atensyon ko dahil sa aura niya. iba kasi ang ngiti niya, parang nakakabuhay, parang nagbibigay ng pag-asa. Simula nun ay naging CRUSH ko na siya. Napapahagikgik pa nga ako tuwing makikita ko siya na bumibili sa canteen o di kaya ay napapadaan lang sa harapan ko.

Then dumating ang araw na nagkaroon ng laro ng basketball sa gym. Todo sigaw ako nuon dahil siya pa ang captain that time. Halos hampasin ko ang nasa harapan ko ng hawak kong placards na may nakalagay na 'GO! VINCE! <3'. ahahaha! OO! May heart pa nga! Wala naman pumapansin kaya hinayaan ko na lang din.

Halos iluwa ko na ang tonsils ko sa kakasigaw, ang galing galing talaga niya! Walang mintis sa pag-shu-shoot! Dagdag pogi points sa akin ang mga nagagawa niya, kaya nararamdaman ko na mas lumalim ang pagtingin ko sa kanya.

Natapos ang laro at syempre, nanalo ang team ng baby Vince ko. Galing kaya ni Vince! Bwahahaha!

Balak ko sana na lumapit kay vince at i-congratulate siya kaya lang niyaya na ako ni Liam, bestfriend ko, na bumili ng maiinom. Sumama naman ako dahil naisipan kong bilhan ng Gatorade si Vince. Feeling close nga pala ako, kaya nga kahit maldita ako eh marami akong kaibigan, wala kasi sa mundo ko ang katagang 'suplada o snob'. Hobby ko ang pagsasalita eh. Hahahaha!

Bago ako lumabas ng gym, sumulyap muna ako sa aking Vince. Automatic akong napangiti habang pinagmamasdan siyang makipag-harutan sa mga teammates niya, binuhusan kasi siya ng mga ito ng isang galon na tubig. Kaugalian na nila yun twing mananalo sa isnag laro eh.

Yung ngiti niya, yung ngiting yun. *LUBB DUBB LUBB DUBB

Napahawak akosa dibdib ko habang nakangiti. Alam kong imposible, na maramdaman mo na mahal mo ang isang tao kahit hanggang sulyap ka lang sa mula sa malayo. Pero, sa akin, posible yun, dahil nararamdaman ko na.....mahal ko si Vince Rodriguez.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 22, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

[My Casanova Husband FANFIC] Rebound LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon