"Get one half sheet of paper." Miss Romero commanded. Narinig ko ang pagdaing ng mga kaklase ko.
"Surprise quiz, Miss?" Tanong ng isa kong kaklaseng lalaki. Tumango si Miss Romero sa tanong niya. Napasinghap ang mga kaklase ko. Good thing I reviewed our lesson last night.
"Samore, puwede bang makahingi?" Tanong ng katabi ko. Tumango ako at pumunit ng papel.
Nang magsimula si Miss Romera na magbasa ng mga questions ay halos walang marinig sa classroom. Tanging tunog lamang ng aircon. Nakakatawa ang katahimikan.
"I told you, read your notes." Mariing sabi ni Miss Romero nang pinasa namin ang papel at chineckan n'ya iyon. Maraming bulungan sa paligid ko. Nagsasabi na hindi naman nila naintindihan ang turo ni Miss Romero.
"Only Samore passed this quiz. Good bye," sambit ni Miss Romero habang tumatayo at palabas na ng klase.
Nang umalis ang teacher ay bumalik ang kaingayan sa room. Ang mga kaklase kong lalaki ay nagsisigawan habang naglalaro ng NBA sa kani-kanilang cellphones. Ang mga babae naman ay kung hindi nagtatali ng buhok, mukhang may mga ka-chat.
"Sam, punta ako mamaya sa bahay n'yo." Ramdam ko ang paghawak ng babae sa braso ko.
"Uhm, sige. Dadalawin mo lang yata si Duff, e!" Pang-aasar ko kay Marie. Inirapan niya ako at naupo sa tabi ko.
"Ewan ko sa'yo. Hindi naman kayo pareho ng bahay ni Duff," pagtataray niya sa akin.
Kababata ko si Marie. She's my best friend. Bet, you can say that. Marami naman akong mga nakakausap dito sa eskuwelahan pero hindi ko naman sila matatawag agad na kaibigan. Ang alam ko ay nahihiya silang makipagkaibigan sa akin. Lalong lalo na, para silang natatakot na makipagusap sa akin. Good thing, I have Marie here. At salamat talaga na magkaklase kami.
"Papuntahin ko nalang si Duff sa bahay." Dagdag ko pa. Inirapan niya lang ako. She hates my cousin so much. Hindi ko nga alam kung bakit. Mabait naman si Duff pero pagdating kay Marie ay para siyang bad boy.
"Stop mentioning his name. Anyway, have you heard about the news?" Tanong niya sa akin habang kinakapa yata ang phone niya sa bag.
"What news?" Tanong ko pabalik. She just shrugged.
"Hmm, may transferee raw e.." Mahina ang boses n'ya. Sa sobrang hina ay kapag nag-uusap kami, talagang kaming dalawa lang ang nagkakaintindihan. Ganoon din kasi ako. Halos hindi na rin marinig ang boses kapag nagsasalita.
"Oh..." iyon lang ang tanging nasabi ko. Wala naman sa akin kung may transferee ba o wala. That's good, then. Nadagdagan ang estudyante ng Arsuelez. Hindi kasi gaanong marami ang nag-aaral dito dahil mahal ang tuition fee. Sa Tuñate National High School ang marami. I think, wala namang pagkakaiba. Maganda rin naman daw ang kalidad ng pagtuturo roon. Ang pinagkaiba lang ay itong Arsuelez, private. Iyon, hindi.
Habang naglalakad kami ni Marie palabas ng classroom ay may nakasalubong kaming grupo ng mga lalaki. They're from the other section pero ka-batch pa rin namin. Natatandaan ko ang mga mukha nila. Sa tingin ko ay sila iyong mga nakalaban ng mga pinsan ko.
"Iyon, iyon. Nakita mo? Transferee," sabi ni Marie sa gilid ko. Kumunot ang noo ko. Hindi ko naman nakita kung may bago bang mukha sa kanila dahil hindi ko naman sila kilala. Hindi nalang ako sumagot sa kaniya dahil hindi ko naman nakita.
"Tinext mo na ba sila Tita at Tito?" Tanong ko sa kaniya habang binubuksan ang pinto ng Fortuner. Tumango siya at pumasok sa loob.
Nang makapasok kami ay akala ko, papaandarin na ni Mang Rowel ang sasakyan pero hindi pa.
BINABASA MO ANG
Fireside Playlist
General FictionSamore Munich Villareal is a simple but rich young girl from Tuñate. A place where you can find peace and serenity. Despite of being rich, she's taught by her parents to be meek and low-key. She's the definition of perfect. But what if one day, lif...