•••••••••••••••••••••••••
McCoy’s POVHayop! Traydor! Girlfriend daw? Pwe! Hindi sila bagay.
Naglakad ako papunta sa tambayan namin. At nakita kong nagtatawanan sila Nikko, Tom, Ryle, Paulo, Jameson, at Ronnie. Wala si Jon at Zeus.
Umupo ako malapit sa kanila.
“Oh, Mccoy. Okay ka lang ba?” tanong Nikko sabay tapik sa balikat ko.
Tinignan ko lang siya at tumango.
“Ha-ha. Hello guys.” napatingin ako nang marinig ko ang masaya ngunit hinihingal na pagbati ni Jimboy.
Naiyukom ko ang mga palad ko at hinihingal na tumingin ng masama sa kanya. Tumungo na lamang ako para di ko makita yung traydor na lalaking toh.
“Saan ka galing? Bakit hinihingal ka?” tanong ni Ronnie.
Nakatungo lang akong nakikinig sa kanya. Pwe! Sige sabihin mo sa kanila yung ka-trayduran mo.
“Sinamahan ko kasi si Maris. Hinatid namin yung mga papers sa adviser niya.” sagot nito.
Ang kapal ng mukha.
“Ah. Ganun ba? Maupo ka na dito.” sagot ni Ronnie.
“Mccoy.” seryosong tawag ni Jimboy sa akin.
Tumayo ako nang hindi tumitingin sa kanila.
“Hinihintay na tayo nina Zeus sa Gym.”
At naglakad na ako papunta sa Gym. Nagpalit muna ako ng jersey at saka pumasok sa Gym. Naabutan ko naman si Zeus na nagpapraktis mag-isa.
“Si Jon?” tanong ko.
“Inutusan ni Mr. Barcelona.” sagot niya ngunit patuloy pa rin siya sa pagpapraktis.
Umupo muna ako sa bleacher habang pinapanood siya.
“Nasaan sila Jimboy?” tanong niya. F*ck!
“Pinatay ko na.” bulong ko.
“Ha?”
“Papunta na rito.”
“Ano? Game na?” tanong ni Nikko habang papasok na sa Gym. Nakasunod naman sila Ronnie na naka-jersey na.
“GAME!” sigaw ko at tumayo. Inagaw ko kay Zeus ang bola at pinasa ito nang buong lakas kay Jimboy. Napagitla siya dahil natamaan siya sa tiyan.
Napangisi naman ako.
Tignan natin ang tapang mo ngayon.
Gulat naman silang tumingin sa akin dahil sa ginawa ko. Kulang pa yan Jimboy.
BINABASA MO ANG
If the Feeling is Gone (McRis Feat. Hashtags)
FanfictionHave you ever felt like you don't know what's going on anymore? You've lost your motivations to do anything. You are confused about your past and you have that feeling of emptiness and the feeling that no one is there for you. That feeling that no...