Chapter 1 (Unexpected)

2 0 0
                                    

***
"Jake, okay lang ba talaga sa'yo ang magdrive?."

"Naka inom ka eh" ani ni Kate sa boyfriend niyang si Jake.

"Okay lang talaga ako, Hon." Kasabay nito'y ngumiti si Jake. "Alam mo namang di ka malakas uminom tulad ng mga kabarkada mo eh"

"Oo nga. Pinagbigyan ko lang naman sila Clint. Tutal naman birthday niya. Wag ka ng mag-alala, Hon. Unti lang talaga 'yon."

"Okay, Hon" nagaalalang sabi ni Kate. Kakatapos lang ng party celebration ng isa sa kabarkada ni Jake. At ngayong pauwi na sila, di maiwasan ni Kate na mag-alala aa boyfriend niya. Four years na silang magkasintahan at una silang nagkakilala nung first year college. It was a love at first sight at ngayon di pa rin sila mapaghihiwalay. Pero lingid sa kaalaman nilang dalawa, itong araw na ito ang makakapagpabago ng kanilang relasyon.

Habang nasa kalagitnaan ng pagdri-drive si Jake ay biglang bumuhos ang malakas na ulan.

"Hon, konting ingat madulas ang kalsada". Ani ni Kate na may bahid ng pagaalala.

"Napaka-nerbyosa mo talaga, hon. Papayag ba naman akong maaksidente tayo? Buti pa i-on mo na lang yung music" ani naman ni Jake sa kanyang girlfriend.

"O-okay". Agad na kinalikot ni Kate ang maliit na stereo. May napansin siyang nakasabit na small box dito.

"Ah, hon. Ano 'to?" Nginitian lang siya ni Jake at sinenyasang buksan ito.
Ganoon na lamang ang gulat at saya ni Kate nang makita ang nilalaman nito. Isa itong diamond ring. Simple lang ang disenyo pero mukhang elegante.

"Oh my God Jake!" Napaluhang sabi ni Kate sa kanyang nobyo.

"Edi nagulat ka. Haha" saglit na inihinto ni Jake ang kanilang sasakyan sa gilid ng kalsada. Kapagkuwan ay isunuot niya ang singsing kay Kate.

"Kate Marison Santos, will you be my girl for the rest of my life?
Maluha-luha pa rin si Kate na tumango dito. "Yes Jake, yes" Agad na siniil ng isang matamis na halik si Kate ni Jake. Nung oras na iyon ay para bang sila lang ang tao sa mundo, na wala nang bagay ang mas importante kundi ang manatili sa piling ng bawat isa.

"I love you Kate. I have loved you from the first time I saw you and I will keep on loving you" sambit ni Jakw kay Kate habang pinupunasan ang mga luha nito.

"I love you too, Jake. Ikaw lang habang buhay" at sumilay dito ang matamis na ngiti. Nang halikan siya sana uli nito ay pinigilan niya si Jake. Namataan niyang may pagewang-gewang na sasakyan tungo sa direksyon nila.

"Jake, watch out!"

"Huh?" Paglingon ni Jake ay sabay na sumalpok ang nasabing sasakyan sa kanila.

Wala na siyang matandaan pa sa mga sumunod.

A kiss sealed with memoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon