Hi. Readers sa magustuhan nyo po ang kwentong ito not literally kwento pero parang ganun na nga HAHAHA :) maiyak at makarelate ang gusto but I hope na magustuhan nyo.
BUT BEFORE YOU READ THIS, YOU ALSO PLAY SOME MUSIC NA MAKAKAPAGPAIYAK O MALULUNGKOT NA KANTA PARA NAMAN DAMANG-DAMA NYO HEHEHE. SO LET'S START!
Tatlong buwan na pala simula ng pagpasukan, naaalala ko parin ang unang pagkikita natin. Umaga noon pero umuulan, kararating ko pa lang sa school pero basa nako Psh! Napakamalas ko nga naman. Naglalakad nako sa hallway wala ng masyadong estudyante dahil class hour na, medyo binagalan ko dahil basa nako at kailangan kong magpatuyo dahil nakakahiya naman kung papasok ako sa class room ng basang basa.
Saktong pagliko ko, sakto namang makakasalubong kita para akong nakakita ng anghel sa mga oras na yon parang slow motion ang nangyari hahaha nakakatawa pero totoo yun. Nakapamulsa ang dalawang kamay mo, nakakunot ang noo at walang ekspresyon ang mga mata mong singkit habang deretshong nakatingin sa dereksyon ko. Nangmakalampas ka, doon ko lamang nalaman na hindi pala akong umaalis sa kinakatayuan ko nakaramdam naman ako ng kunting hiya pero parang mas matimbang ang kilig sa puso ko hindi ko tuloy naiwasang mapangiti. Lumipas ang isang linggo, dalawang linggo mas lalo pa kung humanga sayo hindi ko alam kung bakit pero hindi kompleto ang araw ko kapag hindi kita nakikita kaya naman ginamit ko ang pagiging stalker ko para lang malaman ang pangalan mo, isama na rin ang Year at Section mo. Dun kona lamang mas bata ka pala sakin ng dalawang taon, kilala ka sa School famous kung baga, marami rin sayong nagkakagusto hindi dahil magaling kang pumorma kundi dahil sa lakas ng appeal mo at sa napakagwapo mong mukha, inisip ko nga kung mabigyan ako ng chance makilala mo magustuhan mo rin kaya ako gaya ng pagkagusto ko sayo marahil ay hindi dahil sa laki ng agwat natin sa isat-isa famous para sa nobody na kagaya ko hmm malabong mangyari yun. Masaya naku sa tuwing makikita kita sa labas ng room nyo o di kaya makasalubong ulit kita sa hallway o makasabay ng pagbili sa canteen. Sa araw-araw kung pagpasok ikaw ang tanging inspirasyon ko, sayo lang ako kumukuha ng lakas ng loob na kahit hindi moko kilala basta ako kilala kita at gusto kita.
Ito na siguro yung sinasabi nilang "LOVE AT FIRST SIGHT", habang tumatagal lalong lumalalim ang paghanga ko sayo pero hindi naman ako yung tipong magpapapansin para lang mapansin mo sapat nakong makita kita sa araw-araw.
Ng isang araw nagkayakag ang mga kaibigan ko sa isang Birthday Party syempre ako sumama para naman magkathrill ang highschool life ko no, nangmakarating kami sa party kapansin-pansin na maraming tao ang dumalo marahil may kaya sa buhay ang may kaarawan sa araw na yun, di nagtagal nagsimula na ang party at habang tumatagal nagiging wild na ang party may disco at marami na ring mga tao sa dance floor, EH AKO? Eto nasa table magisang nanunuod sa mga kaibigan kung nagpapakawild kasama ng mga jowa nila Psh bat nga ako sumama dito pakiremind nga ako pls. Anyway nangmatapos na ang sayawan to the highs level nila napalitan ng sweetdance ang tugtog WTLife ika nga ano to kaylangang ipamukhang single ako psh whatever kung nandito ka lang sana edi sana masaya ako kahit mag-isa lang ako. Ng makaramdam ako ng boredom lumabas ako para magpahangin sa garden sakto namang may relaxing dancing fountain dun kaya nilapitan ko WOW AS IN WOW aliw na aliw ako dahil bukod sa maganda ito ay may mga christmas light din to sa paligid nya. Aalis na sana akong ng may mapansin akong isang pamilyar na pigura, hindi ako nagkakamali SIYA yon whaaaaaa, napangiti naman ako ng napakalapad, ito na siguro ang time para makapagpakilala ako sayo ayoko ng nasa malayo lang ako. Hindi nako nagdalwang isip at nilapitan na kita, tatlong hakbang pa pero abot na kaagad dito ang napakabango mong pabango Hihihi heaven. Humugot muna ako ng napakalalim ng buntong hininga bago ako nagsalita "HI" yan ang unang salitang sinabi ko sayo walang kaba, pulido at walang utal at naglumingon ka bagkus na kabahan ako at pagpawisan ay ngumiti ako nangmalapad sayo, ayokong maging fail ang chance na to minsan lang to kaya susulitin kona. Hindi ka ng salita pero inabot mo ang kamay mo sakin kaya halos tumalbog ang puso ko sa tuwa sa mga oras na yon.
BINABASA MO ANG
Love Stories (Short Story)
FanfictionIsa lang itong mga maikling kwento na galing sa munting imahinasyon ng author, ang lahat ng nakasulat at mababasa nyo ay isang imahinasyon na maaaring mangyari o nangyari na sa buhay ng isang tao. I hope you like it ^____^ #micairayyy