Chloe Park - ang panganay na anak, strikto pero cute na ate ng lahat. Laging pinagkakamalang bunso dahil sa pagka baby face at pinakamaliit na height sa magkakapatid. Ang talent nya ay pagluluto, kaya nyang pasarapin kahit na anong pagkain kahit pa ang may pinakapanget na lasang ingridient ang ihapag mo sa kanya.
Bambi Park - ang kakambal ni Eunice (1 minute na mas matanda kaysa sa kanyang kakambal). Pinakasporty na taong makikilala mo dahil lahat ng sports ay kaya nyang laruin, mula sa basketball hanggang sa gymnastic ay kaya nyang gawin. Sya din ang kwela o joker ng pamilya, madalang magseryoso pero wag ka dahil sya ang unang taong dadamay sayo sa oras ng kagipitan.
Eunice Park - ang kakambal ni Bambi. Maton kung kumilos pero may pusong mamon. Pinakamaalaga sa lahat ng magkakapatid. Ang protector ng pamilya dahil sya ang may pinakamalakas na power sa lahat pagdating sa lakas, kaya nyang patumbahin ang isang puno sa isang sipa lamang. Ang talent nya ay pagkanta, kahit na sino pa ang makarinig sa kanyang musika ay mahahalina.
Naomi Park - ang pang-apat sa magkakapatid. Ang pinakatahimik sa lahat kung kaya't tinaguriang "ice princess" ng nakakarami pero sa kabila noon sya ang may pinakabusilak na kalooban sa kanilang magkakapatid. Sya din ang pinakamabilis at madalas umiyak sa kanila sa sobrang babaw ng luha nya. Ang talent nya ay pagdrawing o painting, kaya nyang makita ang hinaharap sa pamamagitan ng mga drawing and painting nya.
Nikki Park - ang panglima at pangalawa sa bunso sa magkakapatid. Sya ang happy virus ng pamilya. Kahit saan sya magpunta ay nadadala nya ang saya at sigla na mayroon sya. Ang kanyang talent ay pagsasayaw, lahat ng genre ay kaya nyang sayawin at hindi mo mapipigilang mapasunod pag sya ay iyong mapanood.
Hannah Park - ang bunso ng pamilya, pinakamakulit sa magkakapatid. "the gamer", mahilig syang maglaro ng mga computer games kung iaya't lagi syang napapagalitan ng mgaate nya especially ni Chloe. Ang kanyang talent ay ang pagiging fast learner nya, ituro mo ngayon mas magaling na sya sayo mamaya.
At sila ang bumubuo sa anim na magkakapatid ng Park family, ang huling pamilya ng mga fairy.
YOU ARE READING
Witchy Fairy
ФанфикOnce upon a time, a long time ago fairies are living together with humans. Pero nagbago ang lahat dahil sa kasamaan at kasakiman sa kapangyarihan ng mga tao kinailangang magpakalayo at magtago ng mga fairy. Magsimula noon wala ng narinig mula sa kan...